"Drew ang hirap." reklamo ko habang ginagamit ko si Lylia sa classic.Kabibili ko lang kasi ng hero na 'to dahil natuwa ako sa kanya noong ginamit ito ng kalaban pero napakalikot pala nito at masyadong komplikado ang skills kung kaya naman ilang bes na akong na patay ng kalaban. Kaming dalawa lang ni Portia ang nag lalaro sa classic ngayon dahil si Drew ay abala sa pag tuturo samin.
Agad na lumapit sa'kin si Drew bago niya tignan ang ginagawa ko. Inuna kong batuhin ang first skill sa Vexana habang ang second skill naman ay binato ko kay Chou pero parang walang damage ang Lylia ko! Namatay nanaman tuloy ako. Natawa naman sa Drew ng makita ang ginagawa ko bago niya ilahad ang kamay niya at tanungin kung pwede ba niyang mahiram ang cellphone na agad ko namang binigay.
Pinapunta niya si Lylia sa base kung saan niya tinuro sa'kin kung paano gumagana ang hero na gamit ko. "In order for you to make use of Lylia's damage, you will be needing to throw her second skill following her first skill. Once you do that, a monster bomb will appear." turo nito tapos niyang ibato ang second skill at first skill ni Lylia. Napatango naman ako. Mali nga talaga ang ginagawa ko.
"Once the monster appeared you can spam your second and first but make sure you throw it on the enemy. Lylia's skills are perfect for clash since she can escape naman using her ultimate." paliwanag niya. Napatango-tango naman ako. "Here, try it." inabot sa akin ni Drew ang phone ko bago ko ginawa ang tinuro niya. Noong una ay na lito pa ako pero kalaunan ay nagagawa ko na rin.
"So annoying!" inis na bulong ng katabi kong si Portia habang nag mamadali sa pag pindot sa cellphone. Nang dalawin ko ang lane niya ay agad kong nakita na binabato siya ni Jawhead papunta sa kalaban kung kaya nag kanda bawas na ang buhay niya.
Natawa ako lalo nang ngingisi-ngising tumawa si Jacob, kaklase namin na kasalukuyang gamit si Jawhead at binabato si Portia sa kalaban. "Ay sus! Ayusin mo naman kasi ang pag lalaro mo. Tanga ka naman pala may Miya sana binigay mo na lang kay Ana 'yung role." pang trashtalk pa nito kay Portia na lalong kinainis nitong isa.
"Shut up nga! If you really want to win then don't throw me off of our turret! Stupid." sagot naman ni Portia na lalong kinatawa ni Jacob.
Nagkatinginan na lang kami ni Drew bago sabay tumawa. Habang nag lalaro ay inakbayan pa ako ni Drew kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Amoy na amoy ko naman ang pabango niya na dumidikit na rin sa blouse ko. Kung minsan nga ay nag tatakha si nanay kung bakit amoy lalaki ako tuwing uuwi.
"Portia doesn't know that you need to buy this," bulong ni Drew sabay pindot sa cellphone ko para mag open sa show. Agad niyang ni scroll ang screen at ituro ang item na 'anti thrower' tsaka niya binili ito. "so that Jawhead won't be able to throw you to the enemies."
Napamangha naman ako dahil akalain mong ang dami pa palang hindi ko alam sa mobile legends na 'to?
"Aren't you hungry, love? You haven't eaten anything during lunch." tanong ni Drew sabay tingin sa relo niya na nasa kanang kamay habang ang kaliwang kamay ay nanatiling nakaakbay sa'kin.
"Medyo nagugutom nga ako." sagot ko naman sabay napanguso. Maya-maya pa ay agad nag ayos ng upo si Drew bago ako alalayan patayo.
Hinawakan niya ako sa bewang bago niya ako giniya palabas. Naiwan naman sila Portia at Jacob na nag sisigawan pa rin dahil nag custom sila at ilang beses na siyang na bubura ni Jacob sa mapa.
Dinala ako ni Drew sa parking kung saan nandon ang sasakyan niya. Wala na rin naman kaming pasok ni Portia kung kaya pwede na kaming umuwi. Kaya lang naman kami tumambay sa classroom ay dahil nag aya ni Portia na maglaro. 'Yon nga lang ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Drew dahil wala naman akong masyadong alam na kainan dito sa Nabas. Marahil hindi naman ako na labas ng bahay. Talagang palengke at eskwela lang ako dahil wala naman kaming pera. Kung minsan naman kapag may extra tsaka kami kakain sa labas nila nanay at tatay pero bihirang-bihira lang mangyari 'yon.
Pinag buksan ako ni Drew ng pintuan ng sasakyan at inalalayan na rin umupo habang siya naman ay sumakay na rin agad sa driver's seat.
"What would you like to eat?" tanong nito habang sinusuotan ako ng seatbelt.
"Kahit jollibee na lang Drew." sagot ko. Tumango naman ito bago nag umpisa na mag maneho. Hindi naman kalayuan ang campus sa bayan kung kaya nakarating agad kami sa jollibee.
Agad bumaba si Drew ng sasakyan para pag buksan ako. Pag baba ko ay sabay kaming pumasok ng estabilsyimento bago mag order ng kakainin namin. Ang akin ay simpleng spicy chicken lang habang si Drew naman ay nag burger at fries.
Nang matapos kumain ay nag lakad-lakad muna kami sa bayan at baka may nakita raw si Drew na pwedeng mabili. Nakahawak sa kamay ko si Drew habang marahan kaming nag lalakad gawa ng pagka-busog. Tumigil naman kami sa tapat ng isang tindahan na kung anu-anong abubot ang binebenta.
"Look!" napatingin ako sa gawi ni Drew na may hawak na ngayon na wallet na hugis palaka. Natawa naman ako rito lalo ng ilagay niya sa ulo ang palaka.
Ako naman ay kinuha ang shades na kulay puti bago isuot. Ngumuso naman ako bago ilagay ang kamay sa baba na parang nag papakuha ako ng larawan. Tumayo naman ng diretso si Drew bago ngingiting kinuha ang cellphone sa bulsa bago ako kuhanan ng picture. Lalo akong natawa at nag iba naman ng pose.
"Nice pose, love!" halakhak ni Drew na naka-squat naman ngayon para sa ibang anggulo. Binaba pa niya ang cellphone bago may ituro sa gilid ko na summer hat. "Wear that together with the shades." sabi pa niya. Agad ko naman itong kinuha at sinuot kung kaya nag umpisa na naman si Drew sa pag kuha ng larawan.
"Wow! Oh, isa pa... pak! Nice shot baby... pamewang ka naman." natatawang utos ni Drew na sinunod ko naman. Natatawa na lang ako sa kalokohan namin bago siya tumayo at ipakita sa'kin ang pictures.
"Grabe baman ang itsura ko r'yan, Drew!" natatawang turo ko sa nga larawan na kuha niya. "What? Ang ganda mo nga." sabi naman nito.
Tinignan ko pa ang iba niyang kuha ng may biglang mag salita sa likod namin dahilan para mapatalon kami parehas sa gulat. "Ma'am, sir, bibilhin n'yo ho ba?"
Napatingin ako kay Drew na kasalukuyang nag mamaneho. Hindi namin binili yung summer hat at shades pero binili niya 'yung palaka na pitaka para ibigay niya raw kay Portia mamaya. At dahil maaga pa, na isipan ni Drew na mag road trip na lang muna kami dito sa nabas dahil wala naman daw siyang gagawin.
"Pwede ko bang buksan ang bintana?" tanong ko rito. Tumingin ito sa'kin bago tumango kung kaya naman agad ko itong binuksan. Binuksan din niya ang kanya.
Marahan akong dumungaw sa bintana bago ko langhapin ang sariwang hangin ng Costa Leona. Ang mahaba kong buhok ay tinangay ng malamig na hangin. Napatingi ako kay Drew na nakatingin din pala sa'kin. Ngumiti ito bago muling ibalik ang tingin sa daan.
"There's a lot in nabas that I want to see. I think we should do this more often." biglang sabi nito habang ako naman ay nilabas ang kamay para saluhin ang hangin.
"Oo naman. Handa ako maging tour guide mo, Drew." sabi ko rito dahilan para matawa ito ng mahina. Tinignan ko ang labas kung saan kita ko ang nag lalakihang planta. Sa hindi kalayuan ay tanaw din ang mga kabayo na nag tatakbuhan.
Ipinatong ko ang dalawang braso sa pintuan ng sasakyan bago ko ipatong ang baba sa braso. Pinagmasdan ko ang nag gagandahang tanawin dito sa nabas. Talagang nakakawala ng pagod at stress ang mga nakikita ko. Marahan ko pang tinuro ang mga kabayo na parang inaabot ko ito gamit ang kamay. Nakakatuwa silang tignan dahil parang wala silang iniisip. Kakain, matutulog, mag lalaro. Hindi katulad ko na nag aaral habang na tulong din kanila nanay. Isang kahig isang tuka, kung minsan nga ay wala pa.
"Do you want to do horse back riding? Because we have a lot of horses sa farm." tanong ni Drew habang nakatingin pa rin ako sa mga kabayo. Napa-upo ako ng maayos bago siya tignan na pabalik-balik din ang tingin sa daanan at sa akin.
"Talaga ba? Marami kayong kabayo?" parang nag ningning naman ang mga mata ko nang tumango ito bago ngumiti. "Sige!" excited naman na sabi ko.
Tumango ito bago marahang tumawa at umiling. "Okay then. We can do it on a saturday right after we're done sa palengke." sabi nito dahilan para mapangiti ako.
Talagang sasamahan niya ako ulit mag tinda sa sabado. Itong lalaking ito talaga. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life para bigyan ng katulad niya.
BINABASA MO ANG
A Place In This World
RomanceÈre Series #1 Anastasia Marie Buenaventura was a simple college student when she befriended Andrew Timothy Salazar-Yuchengco, the grandson of the richest person in Nabas, Aklan, Cecilia Salazar.