Isang buwan na rin ang nakalilipas mag mula noong party. Sa loob ng isang buwan na 'yon ay hindi naman nag paramdam sa akin ang Doña at hindi ko rin siya nakikita kaya laking pasasalamat ko. Wala akong ibang pinag sabihan ng mga masasakit na sinabi sa akin ng matanda bukod kay Becky. Siguro dahil sa takot na rin na masyadong makapangyarihan ang babanggain ko kapag nag kataon.Lunes ngayon at kumuha na lang kami ni Portia ng clearance dahil summer vacation na. Tapos noon ay kumain lang kami sa labas. Hindi namin kasama si Drew ngayon dahil abala ito sa finals nila kung kaya naman nag commute lang kami ni Portia.
Noong nangyari ang pag tatalo namin ni Drew dahil kay Christian ay nag tampo rin sa akin si Portia dahil hindi raw siya makapaniwala na magagawa ko 'yon sa kaibigan niya. Agad naman akong nag paliwanag kung ano ba ang totoong nangyari at naniwala naman ito sa akin. Galit din ito sa lola niya dahil sa ginawang pamamahiya sa akin.
Si Christian naman ay hindi ko rin masyadong nakikita kahit kapitbahay ko lang. Parehas kasi silang engineering student ni Drew at parehas abala dahil finals na nga nila. Maigi na rin 'yon at tahimik ang mundo ko.
Isang buwan na rin pala akong walang cellphone. Nag alok si Drew na bigyan ako pero hindi ako pumayag. Sinabi ko na lang sa kanya na gusto kong pag trabahuhan ang pang bili ko ng sariling cellphone. Nirespeto naman niya 'yon at hindi na nakipag talo.
"What if mag beach tayo later? Wala naman na tayong gagawin." aya ni Portia habang kumakain kami. Napatingin naman ako rito bago umiling.
"Balak kong tumulong kay nanay ngayon sa pag tinda ng isda. Sa ibang araw na lang siguro." sabi ko rito. Ngumuso naman ito bago tumango.
Maigi nga at bakasyon na dahil makakatulong na ako sa palengke para naman makapag pahinga si nanay. Hindi kasi ako masyadong nakakatulong noong may pasok dahil sa sobrang dami ng ginagawa namin sa school. Oras na para makabawi-bawi naman sa trabaho.
Tinignan ko ang relo tsaka ako humikab. Kumpleto naman ang tulog ko pero parang antok na antok pa rin ako. Pakiramdam ko rin nga ay lalagnatin ako sa hindi malamang dahilan. Sobrang bigat ng katawan ko at namumungay na rin ang mga mata ko.
"You look so pale, Ana! Are you sure you're still going to work?" nag aalalang tanong ni Portia ng tignan ako. Tumango lang ako rito bago ngumiti at hinintay na siyang matapos kumain.
Hindi na kuntento si Portia dahil hinatid niya ako sa palengke para makasigurong makakarating ako roon ng buo kahit naka tricycle lang kami. Nang maibaba na nila ako ay nag pahatid naman siya agad sa mansyon.
"Bye, Ana!" paalam nito. Kumaway naman ako rito pabalik bago ako nanakbo na sa pwesto namin.
Buong araw ay inabala ko ang sarili sa pag titinda. Kaming dalawa lang ni nanay ngayon dahil nag half day lang si Becky. Ang sabi ay monthsary nanaman daw nila ni Popoy kung kaya naman pupunta sila sa bayan para mag date.
Maaga kaming nakauwi ni nanay kung kaya ako na ang nag luto para makapag pahinga na rin sila ni tatay. Habang nag luluto ay hindi ko na talaga mainda ang sama ng pakiramdam ko kung kaya uminom na rin ako ng gamot upang maagapan kung lagnatin man ako.
Simpleng tuyo, itlog, at atchara lang ang kinain namin. Ang paborito namin kainin tatlo. Si tatay ay maagang na tulog, ganon din si nanay kung kaya naman dumiretso na ako sa kwarto upang matulog.
Nagising ako dahil sa ingay ng tunog ng gitara. Pag mulat ng mga mata ko ay una kong na kita si Drew na hawak ang gitara ni mama. Ngumiti ito sa akin bago umamba ng halik pero agad ko itong hinarangan.
"Hindi pa ako nakakapag sipilyo, Drew." inaantok na sabi ko pa. Tumawa lang ito at pinag patuloy pa rin akong halikan.
"I didn't know you own a guitar." manghang sabi nito habang tinotono ang gitara. Marahan akong bumango at agad akong napahawak sa ulo dahil sobrang bigat nito.
BINABASA MO ANG
A Place In This World
RomanceÈre Series #1 Anastasia Marie Buenaventura was a simple college student when she befriended Andrew Timothy Salazar-Yuchengco, the grandson of the richest person in Nabas, Aklan, Cecilia Salazar.