Chapter 1

4.3K 79 0
                                    




"Isang kilo nga ng tilapia, neng." sigaw ng babae sa harap ko. Agad naman akong kumuha ng mga tilapia bago ito kinilo at nilinis na. Abala ngayon sa palengke at marami rin ang customer namin ni nanay habang si tatay naman ay abala sa pag angkat ng isda mula pangpang patungo rito.

"Anak, ako na r'yan. Sige na at umuwi ka na." hinaplos ni nanay ang dalawang balikat ko bago ko ito kinunutan ng noo. Abala rin si nanay sa pag sukli sa mga suki namin habang si Becky naman ay abala sa pag sigaw upang makaakit pa ng maraming customer.

"Ano ka ba naman, nay!? Ayos lang ako! Sasamahan ko kayo ni tatay dito." taas kilay kong sabi bago ngiti. Ngumiti rin si nanay bago niya tanggalan ng hasang at apdo ang galunggong na order ng isang suki. Si Becky naman ay hataw na hataw sa pag sigaw. Naka -crop top na dilaw ito at naka-apron din. Makapal ang cheek tint na nakalagay sa pisngi at kapag ngumiti magkahiwalay ang dalawang ngipin sa harapan.

"Sariwang sariwa ang isda ni Aling Yolly! Halina kayo't bumili... ikaw madam! mukha ka namang mayaman. Bumili ka na samin oh, sige na. Magi lang mang barat, madam ha! desperada lang talaga ang shuding para may pang chicha sa mga papa! alam mo na." biro ni Becky. Nabatukan tuloy ito ni nanay na siyang kinatawa namin.

"Ikaw nga Becky! Umayos ka at baka hindi na bumalik sa atin ang mga suki dahil na sindak na sila ng itsura mo." biro ni nanay. Umakto naman si Becky na parang na offend siya. Humawak pa ito sa dibdib bago pumikit pikit at nag panggap na naluluha.

"Grabe ka naman sa beauty ko, Aling Yolly! Mag pasalamat ka na lang na nabiyayaan ka ng kapitbahay na maganda kasi kung hindi? Kawawa ang mga customer! Sa itsurang yan ng apo mo, Aling Yolly, baka wala nang bumalik na suki rito!" ganti ni Becky bago mag hair flip at umirap. Humawak pa ito sa bakal bago nag pole dancing habang may hawak na pang kaliskis ng isda.

Walang hiya talaga itong bayot na 'to. Kung hindi lang 'to napamahal kay nanay matagal ko na 'tong dinespatsa.

Inangat ko ang bangus na nililinisan bago itutok kay Becky ang nguso ng isda. Umamba pa akong ihahampas ko ito sa kanya na siyang kinasindak ni Becky.

"Umayos ka nga r'yan, Roberto Felipe! Baka mandilim ang paningin ko at masampal ko sa'yo itong isdang hawak ko." banta ko rito. Agad naman itong kumapit sa braso ni nanay na kasalukuyang nag lilinis naman ng tilapia at galunggong.

"Nay, oh! Ano ba naman 'tong apo mo hindi na talaga mabiro." pag susumbong nito. Natawa na lang ako.

"H'wag mo ngang ginaganyan ang apo ko, Becky! 'Yan ang pinaka maganda sa paningin ko, hindi ba, anak?" malambing na sabi ni nanay bago hawakan ang dalawang pisngi ko gamit ang malansang kamay na pinunas niya muna sa paldang suot tsaka ako hinalikan. Nag tawanan na lang kaming tatlo.

Natapos ang araw namin na may uwi-uwi kaming tatlong cooler ng tilapia na sinakay naman ni tatay sa jeep. Ititinda pa namin bukas ang mga natira habang si tatay naman ay maagang tutungo sa laot upang mangisda para may pandagdag kami sa ibebenta bukas. Umuwi na rin si Becky na sa kabilang kanto lang nakatira habang si nanay at tatay naman ay pagod na sumalampak sa sofa namin na gawa sa bamboo.

"Lutuan ko na kayo ng pagkain, nay, tay. Anong gusto n'yo?" tanong ko sa mga ito. Pinatong ni nanay ang dalawang paa niya sa maliit naming coffee table habang si tatay naman ay tinanggal ang mga bota ni nanay bago masahehin ang tuhod nito.

"Kahit tuyo at itlog na lang anak. Samahan mo na rin ng itlog na pula at kamatis." sagot ni nanay habang si tatay naman ay abala sa pag tulong kay nanay.

Hinanda ko muna ang kakainin namin bago ako maligo. Tapos kong mag luto agad na kumain si nanay at tatay. Parehas silang gutom kaya hinayaan ko na. Ako naman ay naligo bago gumawa ng mga takdang aralin para bukas.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon