Chapter 13

2.4K 63 0
                                    



Isang linggo na rin ang nakalilipas simula noong aksidente akong mahalikan ni Drew sa palengke at ilang araw na rin na sumasama siya samin sa pag titinda. Close na nga sila ni Becky ngayon at madalas na rin silang nag kukwentuhan ng mga wala namang kwentang bagay. Sa tulong din ni Drew lalong dumami ang mga customer namin dahil sa kagustuhang makita ang lalaki.

"Magkano pa ba ang kailangan kong magastos para mapa sa'yo lang ako kuya?" pag landi ng babae kay Drew na ngumiti lang habang nag kakaliskis ng isda. Ang babae ay may kasama ring dalawang kaibigan na inaasar siya kay Drew. Napasinghal ako sa inis.

"Magi mag landi, ate ko! Hanggang tingin lang kayo." pang aasar naman ni Becky. Tumawa lang ang mga babae.

Si Nanay naman ay nakikitawa lang din sa mga banat ni Becky sa mga customer namin na gustong maka-isa kay Drew. Paano kasi'y nagagawa nitong barahin ang mga customer ng hindi sila nagagalit o na o-offend man lang.

"Kuya single ka ba?" tanong naman nung kasama ng babae. Tumawa si Drew bago nakangiting sagutin ang mga babae. "I'm single but emotionally taken." sagot nito. Parang hindi naman na gustuhan ng mga babae ang sagot ni Drew dahil umasim ang mga mukha nito.

Emotionally taken? Ang ibig sabihin ba niyan ay meron na siyang na gugustuhan na babae? Sino naman kaya ito? Pinag masdan ko si Drew na hasang-hasa na sa pag lilinis ng isda. Sa tatlong araw niya kasing tumutulong samin talagang marami na siyang natututunan.

"Sino naman ang maswerteng babae na 'yan?" hamon na tanong ng babae. Napairap ako. Bakit ba tila interesado sila masyado sa love life ni Drew? Akala mo naman talagang papatulan sila nitong isa.

Napailing na lang ako sa na isip. Sabado ngayon ng umaga at hindi na agad maganda ang mood ko. Nakakainis na kasi ang mga customer na ito. Parang na buhos ko naman lahat ng sama ng loob ko sa bangus na hinihiwa ko pang sigang.

"Better not to talk." sagot ni Drew habang walang hirap na tinatanggalan ng hasang ang galunggong. Si Becky naman ay dumaan sa likod namin ni Drew bago anlawan ang mga isdang na linis niya pero hindi pa rin na tinag ito sa pang aasar kay Drew.

"May nalalaman ka pang ganyan, Andrew! Alam naman naming lahat na si Ana ang gusto mo kaya ka nandito." malakas na asar ni Becky.

Sa gulat ay dumulas ang kutsilyong hawak ko kung kaya naman aksidente kong na hiwa ang hintuturo ko. Agad na kumalat ang dugo kung kaya naman napatigil ako sa hapdi bago ko pigain ang daliri at hipanin. Napansin naman ito ni Drew bago nag aalalang lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"What happened? Are you okay?" nag aalalang tanong nito. Nang makita niya ang dugo ay agad niya itong pinunasan gamit ang panyo na nasa bulsa tsaka niya ito hinipan.

Napatingin naman kami kay Becky na ngayon ay nangunguyang nakatingin samin. Umiiling-iling din ito bago bumubulong ng "Tama ako no? sabi ko na e!"

Agad kong inagaw ang kamay ko kay Drew na kinagulat niya. Tinignan ko lamang ito bago ko hubarin ang apron at nag lakad palabas ng palengke. Sa hindi malamang dahilan ay para bang naiinis ako sa mga nangyayari.

Napaisip ako sa mga asaran nila ni Becky. Kung totoong may gusto sa'kin si Drew, bakit hindi niya sabihin direkta sa'kin? Kaya ba panay sama siya sa'kin sa kung saan ako mag punta? Kaya ba ganito niya ako tratuhin? Hindi naman ako manhid.

Naramdaman ko namang naka buntot sa'kin si Drew na hinahabol din bawat bilis ng lakad ko. Nang marating namin ang parking lot ng palengke kung saan wala masyadong tao ay saka niya hinablot ang kamay ko para mapaharap ako sa kanya.

"Is there a problem?" nag aalalang tanong nito. Hindi ko siya tinignan sa mata. Sa halip ay humalukipkip na lang ako bago naaalibadbarang hinawi ang buhok.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon