"Ana! Where have you been? You missed out a lot of lessons. Here's my notes." Inabot ni Portia sa'kin ang notebook niya na agad ko namang kinuha para buklatin.Kinagabihan kasi nang makauwi kami galing town center ay bigla naman akong nilagnat kaya dalawang araw din akong hindi nakapasok. Tinatawagan at tinetext ako ng magkapatid pero ni isa wala akong binalik na text. Dumalaw sila nung martes sa bahay pero sakto namang umalis ako noon para bumili ng gamot sa bayan.
"Nilagnat lang ako, Portia, pero ayos na ang pakiramdam ko. Ano ba ang pinag aralan n'yo noong wala ako?" Tanong ko rito habang nakatingin pa rin sa notes.
"It's all in there na, Ana. Don't make me recite everything I now only have two brain cells left and I cannot.." maarteng sabi nito bago kuhanin ang mini fan niya sa bag.
Napatingin ako rito bago ko ilapag ang notebook. Kasalukuyan itong nakahawak sa leeg niyang nanlalagkit na sa pawis habang ang mini fan niya naman ay tinutok niya sa may bandang batok para mahanginan. Naiirita rin itong sinuklay ang sariling buhok gamit ang daliri.
"Oo nga pala... sabi ni Drew may sakit ka noong lunes? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko rito. Tinignan naman ako nito na para akong nababaliw na bago ako taasan ng kilay.
"What!? Wala akong sakit last monday! Dapat nga aayain kita mag date noon, kaso si Drew sinabing samahan ko na lang raw si mom mag dinner with lola kasi siya ang isinasama pero ayaw niya." sagot nito bago umupo at ilabas ang ipad niya. Naiwan naman akong nakatanga sa gilid bago pakurap-kurap na umiling.
Loko talaga ang Drew na 'yon! Kung walang sakit si Portia, bakit kailangan niyang mag sinungaling!? Malilintikan talaga sa'kin 'yan. Malamang ay ginamit lang nito na dahilan si Portia para sumama ako sa kanya dahil alam niyang hindi ako sasama kapag wala ang kapatid niya.
Nang matapos ang klase ay agad kaming nag punta sa canteen para bumili ng pagkain. Habang na sa pila ay siya namang dating ni Drew na may dalang dalawang libro. Malayo pa lang ay ngingisi-ngisi na ito.
"Hey ladies, what are you guys planning to order?" tanong nito bago tignan ang choices ng ulam. Matalim ko lang itong tinignan bago ako tumingin sa mga ulam na binebenta. Naaasar pa rin ako sa ginawa niyang pag sisinungaling.
"What's with the attitude, Tasha?" natatawang bulong nito sa tenga ko kaya naman napalingin ako sa gawi niya. Isang hibla na lang ang lapit ng mukha ko sa mukha niya kaya naman dahan-dahan akong napaatras at sumandal sa railing na siyang nag haharang sa stall ng ulam. Ang dalawang kamay naman nito ay kinulong ako sa pamamagitan ng pag hawak sa railing.
At Tasha!? Bakit naman niya ako tinawag na Tasha!? Dahil ba Anastasia ang pangalan ko at nag papauso nanaman ang lalaki na ito?
"Uhh... what's going on?" takhang tanong ni Portia na nag papalipat lipat ng tingin sa aming dalawa. Napasapo na lang ako sa noo bago marahang umiling at tapikin ang braso ni Drew dahilan para bumitaw ito at tumawa.
"Naku, Portia! Pag sabihan mo nga 'yang kapatid mo. Kasi nitong nakaraan parang trip na trip niya ako." parinig ko bago pumili at talikuran sila. Humalakhak lang si Drew habang si Portia naman ay halos sakalin na ang kapatid.
"Drew! Get out na nga! Naaalibadbaran ako sa'yo! I thought you have a gym session with Tobi today?" nag usap pa ang magkapatid pero hindi na ako nakinig.
"Fine! Fine! Aalis na." Pilyong asar ni Drew habang nakataas pa ang dalawang kamay na akala mong sumusuko.
Umalis din si Drew kalaunan para pumunta na nga sa sinasabi ni Portia na gym session daw.
Simpleng bopis lang ang inorder ko habang si Portia naman ay adobong kangkong na may tofu and pork. Hindi na rin siya nag rice dahil strict daw ang diet niya.
BINABASA MO ANG
A Place In This World
RomanceÈre Series #1 Anastasia Marie Buenaventura was a simple college student when she befriended Andrew Timothy Salazar-Yuchengco, the grandson of the richest person in Nabas, Aklan, Cecilia Salazar.