Chapter 19

1.3K 22 0
                                    



"Ana, anak? May padala si Drew sa'yo." na alimpungatan ako sa sigaw ni nanay kaya agad akong napabangon. Pag tingin ko sa orasan ay alas onse na pala ng umaga.

Linggo ngayon kung kaya pahinga si nanay at tatay dito sa bahay. Mamaya na rin ang dinner party sa bahay nila Drew pero wala pa akong susuotin. Tingin ko ay mag hahanap na lang ako sa cabinet ni mama mamaya.

Kusot matang tumayo ako bago nag tungo sa sala kung saan na kita ko si nanay na tanghaling tapat pero umiinom ng kape. Si tatay naman ay nag luluto ng tanghalian sa kusina. Ngumiti sa akin si nanay bago ako sinenyasan na lumapit sa kanya. Tinuro niya ang na sa tabi niya kaya laking gulat ko nang tignan 'yon. Apat na kahon ito.

Habang tinitignan ang mga kahon na pansin ko naman ang note na nakadikit sa pinakamalaking box. Kinuha ko naman ito bago binasa.

'See you later mi amore. I'll pick you up at 7pm! :) - Drew

Napangiti ako sa na basa bago ko buksan ang pinakamalaking box. Sabay kaming napasinghap ni nanay ng makita namin ang isang white midi tulle dress na three inch below the knee. Sunod kong binuksan ang pangalawang box na merong white stiletto heels. Nang buksan ko ang pangatlong box ay bumungad sa akin ang kulay puti na louis vuitton bag na may touch of gold.

Ang pinakuhuli kong binuksan ay ang box na nasa loob ng isang paper bag. Sa unang tingin pa lang alam ko na agad ang laman nito kaya nang buksan ko ay halos himatayin ako sa kinang ng teardrop diamond earring at teardrop diamond necklace.

"Sobrang ganda naman niyan anak! Sukatin mo." masiglang sabi naman ni nanay, tinutukoy ang mga kasuotan na pinadala ni Drew.

Napalunok naman ako at dahan-dahang tumango bago ko sukatin isa-isa. Ang nakakagulat pa rito ay lahat kasya! Mukhang hindi ko na problema ang susuoti ko para mamaya. Mag papa-make up na lang siguro ako kay Becky para naman bumagay sakin ang susuotin ko.

Buong araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi pag handaan ang dinner party mamaya. Kabadong-kabado ako dahil ito lang naman ang unang pag kakataon na makikita ko ang pamilya ni Drew. Bukod pa ron ay sobrang yaman din nila.

"Becky huwag masyadong makapal ang gawin mo sa anak ko. Baka maging kamukha mo naman 'yan." nag aalalang sabi ni nanay habang nakatingin samin ni Becky na kasalukuyang inaayusan ako. Suminghal si Becky bago pabirong umirap.

"Aba bakit Aling Yolly, may masama ba sa pag mumukhang 'to?" asar na tanong nito. Si tatay ay tatawa-tawang umiling habang umiinom ng kape habang si nanay naman ay nakapamewang ang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay kabadong nakahawak sa leeg habang pinag mamasdan ako.

Natawa ako sa kakulitan ni nanay at ni Becky. Hindi naman ako kinabahan dahil tiwala ako sa kakayahan ni Becky. Ilang beses na kasi siyang nakapag make up sa pageant at maganda naman ang kinalabasan. Sinabi ko lang sa kanya na ayaw kong masyadong makapal. Gusto ko ng simple pero nangingibabaw pa rin ang pagiging elegante.

"Pak! Ang ganda ng apo mo aling Yolly!" bwelta ni Becky nang matapos ako nitong ayusan. Napatingin ako kay nanay na nakahawak ang dalawang kamay sa bibig habang si tatay naman ay masaya lang na nakatingin sa malayo.

"Napakaganda ng anak ko. Dalaga ka na talaga anak." naluluhang sabi pa ni nanay bago ako nito lapitan at yakapin.

"Kamukhang-kamukha mo ang mama mo anak." masayang sabi ni tatay habang nakatitig sa akin. Napangiti tuloy ako bago tignan ang sarili sa salamin.

Manipis na make up lang ang ginawa sa akin ni Becky. Konting foundation at concealer lang at mascara. Putok ang pisngi na kulay rosas pero elegante pa rin kung titignan. Nilagyan niya rin ako ng ombre lips kung tawagin tsaka niya pinatungan ng lip gloss at mild contour naman sa ilong, baba, at pisngi. Ang kilay ko rin ay ginawa niyang bushy tsaka niya ako nilagyan ng highlighter. Hindi ko alam kung paano niya nagawa pero may glow sa balat ko na nakadagdag para mag mukha akong elegenta.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon