Sabado ngayon at maaga akong nagising para tumulong kay nanay sa pag tinda. Masaya naman ako na makapag tinda tuwing sabado at linggo."Bili na kayo mga suki ni Aling Yolly! Sariwang-sariwa ang tilapia ni Aling Yolly!" lako ni Becky sa mga tao. Epektibo naman si Becky dahil tuwang-tuwa sa kanya ang mga customer kaya binabalik-balikan kami. Biro nga ni nanay, si Becky daw ang aming becky charm.
Wala masyadong ganap noong sabado dahil nag tinda lang kami nang nag tinda nila Becky at nanay. Wala rin namang paramdam sila Portia kaya nakapag pahinga rin ako.
Pag uwi ay agad akong naligo bago nag luto para may makain si nanay at tatay. Tapos non ay kumain na rin ako at nag basa na muna ng iilang notes para mag review. Malapit na kasi ang midterms namin kaya naman abala kaming lahat nila Portia at Drew. Habang nag rereview may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad akong nag angat ng tingin at nakitang si tatay pala 'yon.
"Anak, ipag timpla mo nga ang tatay ng kape." malambing na sabi nito. Ngumiti naman ako bago tumayo at inalalayan si tatay pababa.
"Anong kape ba ang gusto mo ngayon tay? 'Yung may creamer o 'yung puro?" tanong ko rito.
"Yung puro, anak. Salamat." sambit nito. Agad naman akong nag init ng tubig para kay tatay. Dinagdagan ko na rin ang tubig para mailagay ko sa termos. Baka kailangan pa ni tatay ang mainit na tubig bukas.
Tapos ko ipag timpla ng kape si tatay, nag paalam na muna ako na mag papaload muna ako sa tindahan. Tumango lamang ito habang nanonood ng tv at humihigop ng kape niya.
"Pa-load nga ho. Sikwenta." inabot ko ang bayad at binigay ko na rin ang number ko sa tindera. Nang pumasok ang load ay agad akong nag open ng data.
Pag bukas na pag bukas ko ng data agad may nag notif.
Drew Yuchengco sent you a friend request
Agad nag angat ang kilay ko bago ko tinitigan muna 'yon at inaccept. Sa isang buwan naming mag kaibigan ni Drew ngayon lang niya ako inadd sa facebook kaya naman agad ko itong inasar sa chat.
Ako:
It's official na ba ito, madam? Friends na talaga tayo this time? Hehe.
Drew:
Hmm... I think so. Haha!
Ako:
Loko.
Natawa ako at nailing bago nag lakad na pauwi. Hindi pa ako nakakahakbang nang biglang tumunog nanaman ang notification ko.
Drew sent you a message
Agad ko 'yun binuksan at tinignan. Ang kulit ha?
Drew:
And why are you still awake?
Ako:
eh ikaw? bakit gising ka pa?
Drew:
Can't sleep. What about you?
Ako:
Can't sleep... xD
Drew:
That is so 2013! Hahahaha. xD
Hindi ko namalayang nakangiti ako pag pasok ko ng bahay kaya naman tinignan ako ni tatay sa nanunuyang tingin habang sumisimsim ng kape niya.
"Aba-aba... bakit nakangiti ang anak ko?" asar nito. Yang tingin na yan alam kong iba ang iniisip niyan e!
"Wala naman, tay! Hindi ba pwedeng masaya lang ako?" tanong ko rito. Ngumiti lamang si tatay at umiling... hindi pa rin kumbinsido.
Pumanik na lang ako sa kwarto ko at natulog na.
Nagising ako sa tilaok ng manok kaya naman marahas akong napasampal sa noo ko. Marahan kong binuksan ang mga mata ko at agad napabalikwas nang makitang putok na ang araw.
Nako! Mag titinda pa naman kami ngayon ni nanay. Masyadong napasarap ang tulog ko. Ang tanga naman Anastasia Marie!
Nag mamadali akong nag bihis at bumaba na pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang marinig ko ang radio, sansi, at kawali. Dahan-dahan akong bumaba at nagulat pa sa bumungad sa'kin.
Si nanay na nag babasa ng dyaryo at si tatay naman na nag luluto ng galunggong at fried rice sa kusina. Napatingin ang dalawa sa'kin nang mapansin na nakatayo na ako sa may hagdan. Ngumiti ang mga 'to bago tinapik ni nanay ang upuan sa tabi niya.
"Kumain ka na r'yan, anak. Nag luto ako ng galunggong at itlog." masayang bati ni tatay bago nilagay sa plato ang galunggong. Si nanay naman ay tumayo para lagyan sana ako ng pagkain sa pinggan pero inagaw ko sa kanya ito at ako na ang nag lagay ng sarili.
"Nay... wala tayong tinda ngayon?" Naguguluhang tanong ko. Tumawa lamang si tatay bago umupo na sa tabi ko.
Umupo na rin si nanay sa tabi ni tatay bago pumikit at nag dasal. Pinagmasdan ko si nanay at tatay habang taimtim silang nakayuko at nakapikit. Magkahawak din ang mga kamay nila na siyang dahilan kung bakit ako napangiti. Salamat, Ama, dahil nabiyayaan ako ng kayamanan na hindi nino man makukuha ng iba.
"kainan na!" masiglang ani tatay. Nagtawanan naman kami.
"Siya nga pala, anak... mag bihis ka at pupunta tayo ng bayan." nakangiting sabi ni nanay. Nagulat naman ako. Ano kayang meron?
"Ano bang meron, nay?" tanong ko kay nanay pero si tatay ang sumagot.
"Walang meron, anak. Meron lang tayong extra pera kaya mamamasyal tayo sa bayan ngayon. Balak ka namin bilhan ng nanay mo ng mga damit para may magamit ka kapag aalis." malambing na sagot ni tatay. Napangiti na lang ako.
Ganiyan si nanay at tatay kapag may extra kami. Palaging para sa'kin ang binibili nila kahit ilang beses akong tumanggi hindi epektibo dahil hindi rin naman sila nakikinig sa'kin.
Tapos kumain ay naligo na ako at nag bihis na para pumunta sa bayan kasama si nanay at tatay. Namili lang kami sa tiangge ng iilang mga kailangan sa bahay, at gaya ng sabi ni tatay, mga damit ko.
"Nak, ito! bagay sa'yo 'to." turo ni nanay sa isang black dress na sobrang iksi. Tatanggi na sana ako pero binayaran na ni nanay.
"Nay! hindi ko naman kailangan ng dress." suway ko rito bago nag balak na isoli ang dress pero inangilan lang ako ni nanay. "Hayaan mo na ako, anak. Dito ako masaya." inis na sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan ni nanay.
Hindi pa nag paawat si nanay! talagang namili siya ng maraming dress sa iba't ibang kulay at design. Makikipag talo pa sana ako pero pinandilatan na ako ni tatay at sinenyasan na h'wag na. Ito talagang si nanay!
BINABASA MO ANG
A Place In This World
Storie d'amoreÈre Series #1 Anastasia Marie Buenaventura was a simple college student when she befriended Andrew Timothy Salazar-Yuchengco, the grandson of the richest person in Nabas, Aklan, Cecilia Salazar.