Chapter 12

2.4K 59 0
                                    



Tinignan ko ang malaking peklat ko sa tuhod bago ako padabog na humiga sa kama. Bukas na ang audition pero dahil sa peklat ko, bumagsak agad ako sa screening kanina.

"Ayos lang 'yan, Ana. Just keep on using the ointment I gave you para mag fade agad 'yung discoloration." pag papalubag loob ni Portia. Siya ang kasama ko sa screening kanina dahil abala si Drew sa business nila ng mama niya. Siya ang madalas nitong sinasama dahil siya ang panganay.

Kahit dismayado ay ayos na rin na hindi ako nakapasa sa screening. Tutal ay hindi naman talaga ako mahilig sa ganiyan. Inisip ko lang talaga ang cash prize na mapapanalunan kung sakali. Malaking tulong din 'yun sa amin ni nanay at tatay.

Nakatitig lamang ako sa kisama ng biglang bumukas ang pintuan ay iluwa noon si Drew na bagong ligo. Nakangiting lumapit ito samin bago umupo sa gaming chair ni Portia.

"How's the screening?" tanong nito. Tinignan lang namin siya ni Portia at hindi kami sumagot. Mukha namang nakaramdam ito bago marahang bumilog ang bibig at tumango. "Oh.. At least you did your best, Tasha. That's what's important naman with every competition you're going to join." sabi nito bago umupo sa ulunang bahagi ng kama.

Nakatingin ito sa'kin at ngumiti kaya ningitian ko na lang din. Magaling talaga sila mag comfort ng kapatid niya. Alam nila palagi ang mga salitang gagamitin para gumaan ang loob ko.

Tinignan ko ang relo na suot ko at nakitang ala una pa lang ng hapon. Wala naman na rin akong gagawin kaya na isipan kong tulungan na lang sila nanay sa palengke. Tumayo ako sa pag kakahiga bago ko tignan ang magkapatid.

"Mauna na muna ako. Tutulungan ko lang sila nanay sa palengke." paalam ko sa dalawa. Si Portia naman ay niyakap muna ako bago nakipag beso habang ang nag lalarong si Drew ay biglang pinatay ang cellphone at tumayo.

"Samahan na kita." sabi nito.

Agad naman akong nag protesta bago siya hawakan sa dibdib para hindi siya tuluyang makalabas ng pintuan.

"Huwag na, Drew. Palengke 'yon. Mahihirapan kang ihatid ako dahil makipot ang daan." tutol ko. Parang wala naman itong narinig bago ako lampasan at lumabas. Nagkatinginan na lang kami ni Portia.

Dahil wala naman na akong magagawa sa gusto ni Drew ay sinundan ko na lang din siya na kakalabas lang sa kwarto. Dala na niya ang susi niya bago ako senyasan na aalis na kami.

"We'll use my big bike para hindi ako mahirapan." tinignan ako nito na parang na isahan niya ako kaya umiling na lamang ako siya sundan palabas kung saan nakapark ang motor niya.

Kumuha rin siya ng dalawang helmet. Bago siya mag suot ng kanya ay sinuotan niya muna ako ng akin.

"Tell me if it's too tight so I can adjust." sabi nito.

Sakto lang naman ang sukat kaya binigyan ko na lamang siya ng thumbs up bago siya mag lagay ng helmet at umangkas na sa motor. Sumunod din naman ako bago ako humawak sa bakal sa may pwetan ko. Naramdaman ko namang ginalaw ni Drew ang ulo niya para makalapit sa'kin. Tila may sasabihin ito kaya lumapit din ako.

"Kumapit ka." utos nito.

"Naka kapit na ako, Drew." sagot ko naman.

"Sa akin." sabi nito bago hilahin ang dalawang kamay ko at iyakap sa bewang niya.

Naramdaman ko naman ang agarang pag init ng pisngi ko ng madikit na ang dibdib ko sa likod niya. Amoy na amoy ko rin ang perfume niya lalo nang mag umpisa na kaming umandar.

Buong byahe ay nakayakap lang ako sa bewang ni Drew gawa na rin sa takot dahil ngayon lang naman ako nakasakay sa motor. Hindi rin katagalan ay nakarating na kami sa palengke kaya agad akong tinulungan ni Drew bumaba at tanggalin ang helmet ko.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon