Dalawang buwan na ang nakakalipas noong ligawan ako ni Drew. Dalawang buwan na rin siyang consistent sa mga ginagawa niya at dalawang buwan na rin niya ako tinutulungan sa palengke lalo na kapag wala si nanay at tatay. Si Christian naman ay walang tigil pa rin sa pang bubully kay Drew na hindi niya pinapatulan dahil ayon sa kanya, ayaw niyang bumaba sa lebel ni Christian. Lalo ko lang siyang nagugustuhan dahil sa ganoong pag uugali."Bulaklak kayo riyan." alok ng tindera sa labas ng campus. Hindi ko kasabay sila Drew ngayon dahil mamaya pang hapon ang pasok niya habang si Portia naman ay hinatid lang ng driver nila sa may gate. Valentine's day ngayon kung kaya naman kaliwa't kanan ang mga nag titinda ng bulaklak at teddy bear sa gate ng campus.
Tapos na ang klase namin ngayong araw pero wala pa ring paramdam si Drew na hindi naman niya ginagawa. Kulang na lang nga ay mag update siya sa'kin habang tulog kung kaya hindi ko alam kung bakit wala pa rin siyang chat sa'kin hanggang ngayon.
"Ana? are you going to come with me ba to buy flowers for my mom?" pangungulit ni Portia. Kanina pa niya kasi ako kinukulit na samahan siya bumili at sinabi ko na rin sa kanya na gagawin ko ang mga deadline namin pero parang wala siyang naririnig.
"Portia, gustuhin man kitang samahan pero sobrang tambak talaga ang deadlines natin ngayon. Alam mo namang abala ako sa pag titinda nitong nakaraan." paliwanag ko rito. Bumagsak naman ang mga balikat niya bago malalim na bumuntong hininga.
Ilang sandali pa ay nanahimik ito at parang malalim na ang iniisip kung kaya hinayaan ko na lang siya. Bago pa nga ako tuluyang umuwi ay bumili muna ako ng pagkain dahil malamang ay wala na naman kaming ulam ngayon.
"Huy, Ana! Himala at wala kang kasama ngayon?" bati sa'kin ni Peter. Dati kong kaklase na ngayon ay blockmate rin ni Drew sa isang subject dahil parehas silang engineering. Ngumiti ako rito bago ako umusod para mag bigay daan sa kanya dahil mukhang pipila rin siya sa stall na bibilhan ko.
"Ah, oo eh. Mamaya pa kasi ang pasok ni Drew." sagot ko pero laking gulat ko nang biglang kumunot ang noo nito.
"Ano? kasabay ko nga lang si Yuchengco na lumabas ng classroom siguro may isa't kalahating oras na ang nakalipas." hindi makapaniwalang napakurap naman ako sa narinig. Kung pumasok si Drew, bakit hindi siya nakipag kita sa'kin? Bakit kailangan din niyang mag sinungaling na wala silang pasok ngayon kahit meron naman pala?
Parang nawalan tuloy ako ng gana na kumain dahil sa nalaman. Kung totoo man ang sinabi ni Peter, ito ang unang bes kong madismaya dahil nag sinungaling sa'kin si Drew.
"Ah, oh siya, Ana. Aalis na ako at may date pa kami ni Divine." paalam nito sa'kin bago ako marahang tapikin sa balikat. Ngumiti na lamang ako rito bago tumango at nag paalam na rin.
Dahil din sa nalaman ay nawalan na ako ng gana na kumain kung kaya tinabihan ko na lang si Portia at yumuko. Sa sobrang dismaya ko ay nararamdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko sa lungkot. Hindi ko alam kung bakit kailangan mag sinungaling ni Drew. Una ay hindi na niya ako tinetext. Pangalawa ay nag sinungaling din siya tungkol sa oras ng klase niya.
Baka naman nag sawa na si Drew kakasundo at hatid sa akin? lalo akong nanlumo sa naiisip. Parang na pansin naman ito ni Portia kung kaya nag aalalang hinagod nito ang likod ko.
"What happened? Are you okay?" nag aalalang tanong nito. Tumango lamang ako rito pero nanatili akong nakayuko.
"Portia? Ayaw na ba sa akin ni Drew?" halos maiyak na tanong ko sa babae. Napasinghap naman si Portia sa tanong ko bago niya marahang inangat ang ulo ko para tignan ako sa mata.
Parang ang saya lang naming kahapon noong mag roadtrip kami. Sinabi pa niyang sasakay kami ng kabayo sa sabado at sasamahan niya ako sa palengke!
"Huh? What made you think like that?" parang gulat na gulat na tanong nito. Nanlalaki pa ang mga mata nito bago hindi makapaniwalang umiling.
BINABASA MO ANG
A Place In This World
RomanceÈre Series #1 Anastasia Marie Buenaventura was a simple college student when she befriended Andrew Timothy Salazar-Yuchengco, the grandson of the richest person in Nabas, Aklan, Cecilia Salazar.