Chapter 14

2.4K 62 0
                                    




Lunes ng umaga ay nag mamadali akong nanakbo papunta sa banyo. Kamuntikan pa akong ma-late kung hindi pa ako tinadtaran ng tawag ni Portia ay hindi ako magigising. Matapos maligo ay nag luto rin muna ako saglit ng umagahan para may laman ang tiyan ko at hindi ako mahilo. Simpleng daing at atchara ang kinain ko na may kasamang maanghang na suka.

Nang matapos ay agad akong lumabas na at nag abang kanila Drew. Ang sabi nila'y on the way na raw sila. Habang nag hihintay ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Naaalala ko na naman kasi ang pag amin na nangyari sa amin ni Drew noong sabado. Ngayon ko na lamang siya ulit makikita matapos ang aminan na 'yon kung kaya naman walang pag lagyan ang kaba sa'kin.

Ilang sandali pa ay na tanaw ko na ang dalawa. Kumaway ako sa mga ito at ng tumigil sa harap ko ay agad na akong sumakay. Binati ako ni Portia habang si Drew ay tahimik lamang na ngumingisi sa rear mirror habang nakatingin sa'kin. Hindi ko tuloy mapigilan ang kiligin. Partida'y walang kaalam-alam ang kapatid niya sa kung ano ang meron samin ni Drew ngayon.

"Hi, Ana! Are you done na ba with our homework?" bungad na tanong ni Portia na kinagulat ko.

"M-may... may homework?" kabadong tanong ko. Kumunot naman ang noo ni Portia bago takha akong inismiran at napatingin kay Drew na nag pipigil ng ngiti sa harapan.

Agad kong binuklat ang bag at tinignan ang notebook ko tsaka ko lamang naalalang may homework kami sa Rizal! Sa sobrang okupado ng utak ko nitong weekend kay Drew nakalimutan kong meron nga palang pinapagawa ang professor namin.

Nahilamos ko ang kamay sa mukha dahil sa inis. Si Portia naman ay tumawa lang bago iabot sa'kin ang notebook niya. "Here.. you can copy my assignment but make sure to paraphrase and jumble the sentences!" paalala ni Portia. Agad ko namang kinuha ang notebook niya at walang hiyang kinopya na nga 'yon. First subject pa naman namin ang Rizal ngayong araw!

Saktong pag dating namin sa school ay na tapos ko rin agad ang assignment. Binalik ko kay Portia ang notebook niya na ngayon ay abala sa pag lalagay ng lip gloss habang si Drew naman ay nag hahanap ng mapaparkingan.

"Salamat talaga, Portia! Nawala sa isip ko na meron nga pala tayong takdang aralin." sabi ko rito. Tumawa lang ito bago maarteng pinilantik ang kamay na may hawak na lip gloss.

"Wala 'yon, Ana! Ikaw naman." sabi nito bago niligpit na ang mga make up para makababa na kami.

Akmang bababa na nga ako nang biglang buksan ni Drew ang pintuan sa gilid ko. Nauna na pala itong nakababa. Ningitian ako nito bago inalalayan bumaba. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa pagiging gentleman ni Drew.

"Let me hold this." kinuha nito ang bag na hawak ko bago ako marahang hawakan sa bewang at sabay kaming nag lakad. Humabol naman si Portia na halos madapa na sa dami ng bitbit.

"Hey, Drew! Can you hold these for me as well!?" pasigaw na tanong nito bago iangat ang mga bitbit na gamit.

Naniningkit din ang mga mata ni Portia dahil sa silaw sa araw. Napabuntong hininga naman si Drew bago ako bitawan at kuhanin ang mga gamit na dala ni Portia. Si Portia naman ay patalong tumakbo sa direksyon ko bago lumingkis sa braso ko at halahin na ako papasok ng campus. Nagkatinginan na lamang kami ni Drew at ngumiti. Sa kanan at kaliwang balikat niya nakasabit ang bag naming dalawa habang ang dalawang kamay niya ay bitbit ang shoulder bag at laptop bag ni Portia.

Sinundan lang kami ni Drew at hinatid sa classroom. Nauna nang umupo si Portia para mag ayos habang ako naman ay na iwan sa bukana ng pintuan kung saan nakatayo si Drew.

"Salamat sa pag hatid, Drew. Good luck sa reporting n'yo ngayon." nakangiting paalam ko rito. Ngumiti rin ito pabalik iabot ang bag ko sa'kin.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon