"Drew! Samahan mo naman ako sa mcdonalds. I want fries." Pangungulit ni Portia kay Drew na abala sa pag lalaro ng mobile legends. Kanina pa ito tutok sa laro at ayon sa kanya nag rarank siya dahil lose streak na raw siya.Mabilis ang mga daliri at mata nito at hindi rin pinansin ang kawawang si Portia na lukot na ang mukha ngayon.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Portia dahil ka-partner ko si Portia sa pag gawa ng diorama.
"Not now, Porsh. I'm busy."
"You know what!? Ang damot mo!"
"Hay!"
"Don't 'hay' me, Andrew!"
"You can order naman sa app."
"I tried! But walang fries sa app! Sa store raw mismo kailangan mag order since they prioritize yung customers doon!" Inis na bulyaw naman ni Portia na tumigil na talaga sa pag gupit ng colored paper.
Habang nag tatalo ang mag kapatid na pansin kong kulang pa kami sa glue at colored paper. Konti na lang naman ay tapos na pero ngayon pa talaga kinapos.
Tinignan ko ang mag kapatid na nag tatalo pa rin hanggang ngayon.
"Portia, ako na lang ang sasama sa'yo. Mag tricycle na lang tayo papunta sa bayan. Kulang din kasi tayo sa materyales." Agad na nag ningning ang mga mata ni Portia bago ito tumayo at kunin ang wallet niya. Ako naman ay nilinis ang mga ginupit niya bago itapon sa basurahan.
"Wait... sama ako!" Nagulat ako ng biglang patayin ni Drew ang cellphone bago lumabas ng kwarto. Nag katinginan kami ni Portia na parehas takhang takha. Ngumiwi ito bago nag make face at nag ayos ng sarili. Pag balik ni Drew ay dala na nito ang susi ng sasakyan niya.
"I thought you were playing rank game kaya ayaw mo pa storbo?" Maarteng tanong ni Portia habang nag lalagay ng cheek tint.
"Kanina 'yon, Porsh. Talo nga ulit. Bilisan mo r'yan. I'll just heat up the car engine." Asar na sabi naman ni Drew kay Portia na umiirap irap pa. Natawa na lamang ako.
Nang makasakay ay agad kaming nag tungo sa bayan para bumili muna ng materyales para sa ginagawa naming diorama. Tapos ay agad kaming nag tungo sa mcdo.
"What do you want to eat?" Nagulat ako nang tanungin ako ni Drew. Wala masyadong pila kaya pangatlo kami sa o-order.
Mag sasalita pa sana ako nang masagi ako ng katabi ko. Sumama naman ang mukha ni Drew bago ako marahang hilahin sa bewang para mas mapalapit ako sa kanya. Humingi naman ng pasensya ang lalaking nakabangga kaya ngumiti na lamang ako.
"Kahit ano na lang, Drew." Tipid na sabi ko bago ngumiti. Marahan naman itong tumango bago muling tumingin sa menu board.
"Hey! You won't ask me ba what's my order?" Marahang kalabit ni Portia kay Andrew. Inismiran ito ng lalaki bago mapang asar na ngumiti. "Stop it, dimwit. Kanina mo pa talaga inuungot na fries 'yung iyo." Inirapan na lamang ni Portia ang kapatid bago ako hilahin na at nag hanap na kami ng upuan.
Nang makaupo ay agad kaming nag chismisan ni Portia. Kinukwento niya lang sa'kin ang buhay nila ni Drew sa maynila bago sila na punta rito sa nabas.
"And alam mo ba, I really don't like it here because manila is my home just like how nabas is home for you. Even Drew don't like being here! The first time we heard na itatapon kami sa nabas, parang gusto ko umiyak ng dugo because I'm going to miss out alot, specifically yung weekly bar hopping namin ng friends ko sa BGC." Mahabang sabi nito habang pinapakita sa'kin ang pictures nila ni Drew noong na sa maynila pa sila.
Namangha ako sa ganda ni Portia. Nakita ko naman na ang karamihan ng larawan na pinapakita niya sa facebook account niya pero ibang iba kasi ang porma ni Portia noong na sa maynila siya kesa ngayon na nasa nabas. Puro bralette at tube kasi ang kadalasan suot ni Portia noong na sa maynila habang dito sa nabas naman ay madalas siyang naka t-shirt at sando.
Napangiti si Portia tapos niyang makita ang sumunod na larawan na nasa cellphone niya. Picture naming tatlo 'yon ni Drew sa school. Na sa gitna namin si Drew habang nakaakbay ang tig isang kamay sa aming dalawa ni Portia. "You're actually one of the reason why our stay here is bearable." Malambing na bulong ni Portia na nakatingin pa rin sa larawan. Napangiti ako sa sinabi nito.
Habang nag kukwentuhan kami ay siya namang dating ni Drew na may dalang tray ng pagkain. Sa likod niya ay may dalawa pang staff na may bitbit pang dalawang tray na puro pagkain. Nilapag ni Drew sa harap ko ang two piece chicken, apple pie, oreo blizzard, fries, at mcfloat. Kay Portia naman ay burger, fries, oreo blizzard at apple pie. Napalunok ako sa dami.
"Drew! salamat pero hindi ko mauubos 'to!" Gulat na sabi ko habang tinitignan ang mga pagkain na nasa harap ko. Tumawa ito bago umupo sa tabi ko.
"Don't worry, andito ako." Natatawang sabi nito. Napailing na lamang ako.
Nag umpisa na kaming kumain bago ituloy ni Portia ang mga kwento niya sa maynila. Nakikisali na rin si Drew sa kwento. Talagang close silang mag kapatid dahil base sa kwento nila, kung na saan ang isa palaging nandun din ang isa.
"I remember may ex si Drew na sobrang obsessed sa kanya. Until now nga nag tetext pa rin sa'yo, Drew, right?" Naiiling na kwento ni Portia. Parang na samid naman si Drew sa sinabi ni Portia kaya napainom ito ng tubig.
"Don't mention that again. Kadiri." Nakangiwing sabi ni Drew dahilan para ikatawa namin ni Portia.
May ex pala ang mokong na ito? At mukhang baliw na baliw pa rin sa kanya 'yung babae. Pero siguro kahit ako ang maging ex ni Drew mababaliw din ako. Ikaw ba naman ay maka jackpot ng ganyan ka guwapo tapos mawawala lang din pala sa'yo. Hindi masaya ang ganon. Gusto ko kung akin na, akin na talaga.
Gaano katagal kaya sila? At bakit sila nag hiwalay? Gusto kong tanungin pero baka masabihan pa akong chismosa dahil wala naman na ako don at bakit inaalam ko pa. Pero masama ba maging curious? Hindi naman.
"Hey, are you okay?" Nagulat ako nang bigla akong tapikin nang marahan ni Drew sa braso. Hindi ko namalayang naka kalumbaba na pala ako habang nilalaro ang manok gamit ang tinidor na hawak. Napakurap ako bago ngumiti at tumango.
Ngumiti rin ito bago isandal ang braso niya sa sandalan ng upuan ko. Nag mukha tuloy siyang naka akbay sa'kin. Baka sabihin ng ibang tao ay mag nobyo kami!
"Alam mo ba, Ana. Maraming nag kakagusto sa kapatid kong 'yan. Kahit ganyan ang itsura niya, maraming nahuhumaling. The moment I realized kung gaano siya kahabulin ng babae, right there and then na isip ko na mahilig talaga ang pilipino sa exotic." Biro ni Portia na kinainis ni Drew. Natawa naman ako. Nag banatan nang nag banatan ang mag kapatid habang ako naman ay naka focus sa braso ni Drew na dahan dahan nang dumudulas sa balikat ko.
Napasandal ako sa upuan kaya tuluyan nang dumikit ang braso ni Drew sa balikat ko. Hindi naman niya tinanggal at hindi ko rin na ito pinuno. Napahawak ako sa tiyan sa sobrang kabusugan pero parang hindi nabawasan ang kinain ko. Meron pang natirang isang manok, fries, at kalahating oreo blizzard. Naubos ko na yung apple pie at mcfloat at parang malalaglag na ang tiyan ko sa kabusugan.
Napansin naman 'yon ni Drew dahil lalo itong lumapit sa'kin.
"Are you full na?" Tanong nito. Ngumuso naman ako at tumango. Tinanggal niya ang braso mula sa pag kakaakbay bago niya kunin ang mga tira ko at inumpisahang kainin.
Nang matapos kumain ay agad kaming sumakay na sa truck ni Drew para makabalik na sa kanila at tapusin na ang diorama.
Buong araw sa diorama lang na ubos ang oras namin. Si Drew naman ay na sa kwarto na niya dahil marami pa raw siyang gagawin para sa thesis nila. Nang matapos ang diorama ay agad na akong umuwi. Gusto pa nga akong ipahatid ni Portia kay Drew pero tumanggi ako at nag tricycle na lang pauwi. Pag dating sa bahay ay agad akong nakatulog sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
A Place In This World
RomansaÈre Series #1 Anastasia Marie Buenaventura was a simple college student when she befriended Andrew Timothy Salazar-Yuchengco, the grandson of the richest person in Nabas, Aklan, Cecilia Salazar.