Chapter 3:

57 19 4
                                    

Tala's P.O.V:

         Nandito na ako ngayon sa pinagtatrabahuan kung club...walang iba kundi ang EXISTING CLUB noon kapag pumapasok ako ay hindi ko maiwasang kabahan sa lugar na ito at lagi kung pinapanalangin na sana ay walang mangyayaring masama sa akin..

       Pero ngayon ay nasasanay na rin ako pagpumapasok ako rito at naririnig ko ang sobrang lakas ng mga pinapatugtug nila, mga hiyawan at kung minsan pa nga ay putok ng baril.. ika nga ay pipi at bingi kami rito bawal naming pag-usapan kung anong nangyayari sa club o naririnig namin kung hindi ay lumulutang  na ang mga katawan namin sa ilog o sa kahit saan pa man.

     Lahat kaming nandito ay busy sa kanya kanyang gawain.. dahil sa marami talaga ang dumadayo sa club na'to kaya lahat kami ay bawal magpahinga kahit kunti.

     At ako naman ay nandito sa isa pang kusina para hugasan ang lahat ng nagamit. Oo! Tama kayo.. dishwasher ako sa club at ako lang ang nag-iisang pagtyagain ang ganitong trabaho. Dahil ang iba sa amin ay gustuhin pang maging waitress at makita ang nasa labas ng kusinang ito maliban na lamang sa mga tagaluto rito. Mas malaki kasi ang natatanggap nila sa pagiging waitress dahil sa mga natatanggap nilang tip mula sa mga mayayamang customer. Pero ibahin niyo ako...mas mabuti pang manghugas ng sandamakmak na hugasin kaysa makipaghalubilo sa mga halang na kaluluwa at mga manyakis sa labas.

     At isa pa.. hindi ko pa nakikita o nasisilip kung ano ang nasa labas ng kusinang ito sa tagal ko nang pagtatrabaho ko rito.. Pero masasabi kung napakalaki nga ng Club na ito dahil na rin sa mga gamitang nakikita ko sa kusina at sobrang laki rin ng kusinang ito..mas malaki pa nga ito ng limang beses sa bahay namin at maganda ang pagkakadesinyo..

Tsk!!masisira rin ang lahat ng ito..yun nga lang kung may makapasok na mga police o whatever.. tsk! Bat ko ba ito iniisip dapat nga magpasalamat pa ako dahil sa may trabaho pa akong pagkakaperahan.

   Napahinto ako sa pag-iisip ko at panghuhugas ng may biglang tumawag sa akin.

   "Hey! Star.."

Tumingin ako sa babaeng tumawag sa akin. Matangkad ito, morena at may maamong mukha at kitang kita ang mahahabang legs nito dahil sa sobrang ikling suot nitong short at kita na ang tiyan nito dahil sa skirt at may tatlong butones na nakabukas sa bandang dibdib nito kaya kitang kita ang cleavage..

    Matapos ko siyang pagmasdan ay napailing nalang ako sa ayos niya..kaya nga isa ito sa mga dahilan kung bakit mas pinili kung tagahugas na lamang  kaysa sa maging waitress. Dahil ayokong pinag pyepyestahan ng kung sino sinong manyak ang katawan ko at hindi ko maatim na magsuot ng ganyang klaseng damit... nakakadiri.

     Kahit sabihin mo sa sariling trabaho lang ito pero hindi pa rin maiiwasang mabastos ka ng ibang tao..kaya mas mabuting ako na mismo ang umiwas bago pa ako may mabulag na mga mata.

  " pwede ba EYES wag mo nga akong tatawaging STAR.! Hindi naman iyon ang pangalan ko..! Kundi TA.LA kaya iyun ang itawag mo sakin."

     Habang sinasabi ko yun sa kanya ay naghuhugas naman ako para kahit may kaschismisan may ginagawa naman.

     Kaya kahit na nakayuko ako ngayon..alam kung mukha na siyang pato ngayon.

    "Hmpp..! Kung pagsabihan mo ako parang hind mo naman tinorture ang name ko.!"

    Sabay nguso nito na parang pato.. eww so gross..

     Napailing nalang ulit ako sa kanya kaysa sa sayangin ko ang oras ko sa pakikipag daldalan.

Ang pangalan kasi ng babaeng ito ay APRIL CLAIR MATA. Kaya ngayon alam niyo na kung saan ko nakuha ang tawag ko sa kanyang pangalan na "EYES" at sa tawag naman niya sa aking "STAR" ay sa pangalan kung TALA.

  " ano bang ginagawa mo dito?"

     Tanong ko sa kanya habang hindi nakatingin at ipinagpayuloy ko pa rin ang ginagawa ko.

     Sa totoo lang hindi ko naman siya maituturing na kaibigan ko dahil civil lang sa akin ang makikipag usap sa kahit na kanino..lalong lalo na sa kanya.

    "As usual,alam mo na!, mag- waitress ka nalang kasi star para malaki ang kikitain mo at isa pa sayang naman nyang ganda mo..!"

     Pag-uudyok nito sa akin.. kahit ano pang gawin nito hinding-hindi ko iyan gagawin.

   Huminto mo muna ako sa paghuhugas total wala namang nakabantay sa amin.. at tumingin ako sa kanya.

    "Siguro naman alam mo na ang sagot ko diyan APRIL."

    Alam niyang seryoso ako sa sinabi ko kapag ginamit ko na ang pangalan niya.

"A-alam ko naman pero mas kikita ka nang malaki sa pagiging serbidora at malay mo makaka bingwit ka ng mapapangasawa o jowa mo.. gusto lang kitang tulungan."

     Saad ni april sa akin.

     Ng marinig ko ang sinabi niya ay mas tumalim ang tingin ko rito.. para naman itong natakot sa akin dahil sa panginginig nito.

   "Ano sa palagay mo ang sinsabi mo april... ganun ba kababa ang tingin mo sakin!"

     May namumuong galit dito sa loob ko.. ang ayaw ko pa naman sa lahat ay mababang uri ng babae ang tingin sa akin.. at may dignidad ako kahit mahirap lang kami ng nanay ko.

   "S- star hi-hin----.."

      Pinutol ko na kung ano pa ang sasabihin  niya sa akin.

    "At alam ko kung ano ang pinagmamalaki mo..! Hindi kayo o IKAW kikita ng malaki kung hindi kayo nagpapahawak ng kung sino-sino, hindi ba!?"

      Sabihan niyo na akong masama pero pagdating sa ganitong usapan ay sarado ang utak ko para makinig sa walang kwentang paliwanag..

      Natahimik siya ng matapos kung sabihin ang mga iyon sa kanya.. alam kung tama lang na sinabi ko yun.. at hinding-hindi ako makakaramdam ng kahit na anong pagsisisi o ano pa man dahil iyun naman ang totoo..

     Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sinasabi niyang suko na siya sakin. At wala akong pakialam.

    "Alam mo!!..bahala ka! Gawin mo ang gusto mong gawin.!"

      Matapos niyang sabihin yung ay agad na siyang tumalikod sa akin.

     Bumalik naman ako sa paghuhugas ng aksidenti kung natabig ang baso na nasa gilid ko.

     Paghulog ng baso sa sahig ay siya ding may pagsabog sa loob ng Club.



♡♡♡♡

Kung nabitin man kayo.. pakihintay ng susunod na chapter.😊

Please vote and comment readers
   

I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon