Tala's P.O.V:
Gising!!
Gumising ka anak..!
Itay ko...!!!
"Ouch!! naman besh.. Ang sakit nun hah!"
"Gaga ka din eh! ang dumi kasi ng utak mo! masyado nayang maraming LUMOT..Linisin mo rin!...TSk!!!MAGKAPATID NGA KAYO NG KAPATID MO!!"
"Malamang Besh magkapatid kami."
" Magkapatid naman kasi kami mahal.."
Ang ingay naman!!!
Napanaginipan ko si itay...Pero bukod sa panaginip ko kung bakit ako nagising ay dahil sa sobrang ingay ng nasa paligid ko na animo'y may mga batang nagbabangayan.
Dahan-dahan kung iminulat ang aking mga mata..nung una ay masyado pa itong malabo baka marahil ay marami nang muta sa mata ko kaya hindi malinaw ang aking paningin.
Itinaas ko ang aking kaliwang kaway para alisin kung may Muta nga ba sa mga mata ko.Pero hindi nangyari yun ng maging malinaw na ang paningin ko at dun ko nakita na may nakatusok sa kamay ko na dextrous.
Unti-unti kung inangat ang katawan ko. Ngunit, namamanhid ang mga ito na para bang wala akong ka lakas-lakas at buong katawan ko ay lahat namamanhid at nanghihina. Hinawakan ko ang ulo ko ng bigla itong sumakit. Hinayaan ko muna ang katawan ko na makapag adjust at maging kumportable sa pakiramdam ng aking katawan. Nang masiguro ko na kaya ko na nang maiangat ang katawan ko ay dahan-dahan akong umangat hanggang sa makaupo na ako ng matiwasay.
Naririnig ko pa rin ang ingay at nakita ko ang dalawang babae at isang lalaki.
Akala ko mga bata pero mga matatandang isip bata naman pala.
Sabi ko sa sarili ko matapos ko silang sulyapan at pagmasdan. Pero hindi ko muna sila pinagtuunan ng pansin. Sa halip ay inilibot ko ang aking paningin at sigurado na akong andito ako ngayon sa hospital dahil na rin sa mga aparatong naririto.
Tuluyang napakunot ang noo ko at nagtataka kung bakit ako naririto.. Hinawakan ko ulit ang ulo ko ng bigla na naman itong sumakit kaya napapikit ako dahil sa kirot pero sa pagpikit ko ay may nakita akong isang pangyayari.
May dalawang babae ang nakasakay sa kotse at para silang takot at natataranta dahil sa may humahabol sa kanilang police.. Dahil sa pagkakaranta at pagbabangayan ay hindi nila namalayang patungo na pala sila bangin..
At hanggang doon nalang nagtatapos ang tagpong iyun!.
Napadilat ako ng aking mga mata ng marealize ko kung ano talaga ang nangyari sa akin.
ako! ako! ang isa sa dalawang babae at si monique ang isa pa.
Gusto kung umiyak ngayon dahil akala ko ay katapusan na namin pero..
Nasaan na kaya si monique..? ligtas lang kaya siya..?
Tanong ko sa sarili ko pero hindi ko na dapat iyon isipin dahil masamang damo naman ang babaeng yun!. at tumingin na lamang ako sa paligid ko.. Pero napansin kung bigla naman atang tumahimik.
Kaya lumingon na ako sa mga maiingay kanina. at ng paglingon ko ay nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha at parang gusto pa ata nilang Maiyak..
Hanggang sa sabay-sabay silang sumigaw..
OH MY GOD!!
GISING NA SIYA!!!
ANAK!!!!....MONIQUE!
Pero ang labis na pinagtaka ko ay ang pagtawag ng isang babae sakin na MONIQUE..
BINABASA MO ANG
I'm not the Owner of my Body
General FictionPaano kung sa isang aksidenting hindi mo inaakala ay magbabago ang lahat ng iyong nakasanayan?. Meet Tala Santos isang commoner girl, dishwasher sa isang sikat na club, matalino at may kagandahang tinataglay, Loner man pero palaban sa buhay at may p...