Chapter 12

34 9 0
                                    

Tala's P.O.V:

Nandito na ako sa harap ng malaking Gate ng University. At ngayon ay maraming pumapasok sa isipan ko ngayon... At hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko kinakabahan, excited, at may kunting takot.

Napabuntong hininga na lamang ako at iniisip ko na lang na kagaya pa rin ng dati kung paano ako pumasok at umuwi ng bahay...Walang pakialam at walang makikialam sakin.

PERO

Isang napakalaking PERO na kailaman ay hindi ko na magagawa gaya ng dati dahil hindi ako yung Commoner na Tala ang kilala nila dahil ako na ngayon ang papansin na si Monique.

Aishh! kainis naman kasi ba't naman kasi ganito ang ugali ng Mon na yun! ako tuloy yung nahihirapan.! kahit kasi balibaliktarin ko man... "Im not the owner of my Body" But I am the one who control it.. So, ako pa rin ang masusunod. Tama! ako pa rin ang masusunod... pero kailangan kung gumawa ng paraan para bumalik ang kaluluwa ko sa sarili kung katawan.. At kailangan ko humingi ng tulong.. Pero sino naman ang hihingan ko ng tulong.. Di bale makakahanap rin ako.

Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. At dahil mukha na akong tanga rito ay agad na akong pumasok baka mahuli ako sa klase ko.

Tiningnan ko ang schedule ni Mon at HRM pala ang course niya. Hindi halata hah! dahil mukha namang wala yung alam sa pagluluto.

Manggulo pwde pa.

Habang naglalakad ako sa malawak na hallway ay nakatingin  na naman ang mga mata nila sakin.

Ang sarap pagtusok tusok ang mga mata..Tsk

Dahil sa maaga aga pa naman kaya marami pa ang mga studyanting naglalakad patungo sa kani-kanilang mga klase. May ibang nagtataka, kinakabahan, lumalayo at natatakot pagkakita sakin.

"Oh My God! pumasok na pala siya!"

"We need to be careful now.. mahirap nang madiskitahan ni Monique...baka mabully tayo"

"Ang balita ko ay galing daw siya sa Aksidente eh!"

"Oh really! Sana na Coma nalang sana siya para matagal pa siyang pumasok."

Walang ya! kung kanina labas tenga lang ang naririnig ko sa kanila. Pero ngayon talaga nakakainis na... Ma Coma pala hah!.

Lumapit ako sa huling babaeng narinig kong nagsabi na gusto akong Macoma nlang.

"Ayan na magsisimula na namn siya!"

" kasalanan naman kasi ng babaeng yan kung bakit mabubully siya ni Monique eh"

"Naku kawawa yan..For sure!"

Rinig kung usap-usapan sa paligid ko.

Pagkakita nila sakin ay agad silang tinakasan ng dugo at nanginginig sa takot lalong lalo na yung huling nagsalita.

" Qu-queen Mo-monique"
Putol- putol nitong sabi dahil sa takot nito sakin o kay Monique.

Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko itong kwenilyuhan at mas lalong nanginig ito at pinagpawisan at mas lalong maraming mga mata ang nanonood samin na akala mong nanonood lang ng Action movie sa isang pelikula. at naghihintay kung anong susunod na gagawin ng kontrabida sa isang bida.

Pero hindi ako ang kontrabida  dahil ako ang Bida ngayon.

"Ikaw! Gusto mo bang Ma COMA!? sabihin mo lang at ipapadala kita ngayon din sa Hospital o kundi sa Sementeryo kung saan dun ka matutulog habang buhay.!?"

Pananakot ko sa babaeng ito.

" So-sorry Qu-queen Monique.."

Nabigla ako ng bigla itong lumuhod at pumalahaw ng iyak.

...

...

"Ano na naman ba ito Monique? kapapasok mo palang ito na agad ang inaatupag mo."

Napalingon ako sa taong nagsalita na nasa likod ko.

Hindi ko aakalain na makikita ko ang Vice-President at isa siya sa mga pinsan ni Monique na kinakatakutan niya. Na walang iba na si Clark V. Cuevas mag pinsan sila ni Mon dahil magkapatid ang Papa niya at ang Mama ni Clark. Seryoso itong tao, masungit at habulin ng mga higad ..

Tiningnan ko lang ito at tinaasan ng kilay.Napakunot naman ito ng noo dahil sa ginawa ko dahil hindi naman nagtataray si Mon sa kanyang mga pinsan. Pero dahil hindi naman ako si Mon kaya gagawin ko kung ano at sino ako. Hindi ko na lang ito pinansin at tiningnan ko ulit ang babae na kung makaiyak akala mo namatayan.

" Ikaw! pasalamat ka at nagmamadali ako kung hindi gagawin ko ang sinabi ko kanina...Sa susunod na pagsalitaan mo ako ng ganun...

Ayos lang!"

pag wala na ako rito sa katawan ni Monique. Hehe

Napatanga naman ito sa huling sinabi ko.... ibinulong ko lang naman yun sa kanya kaya siya lang ang nakarinig.Pagkatapos kung sabihin yun ay aalis na sana ako ng magsalita ang Vice namin.

" And where do you think your going?"

Agad na tanong ni Vice sakin pagkakita niyang aalis na ako.

" Hindi ba obvious Vice.. Syempre papasok! wala na akong time para makipag chikahan sa iyo At ayokong ma late sa klase ko."

Tatalikod na sana ako para umalis na ng nagsalita ulit ito.

"At kailan ka pa nagkaroon ng paki sa pag-aaral mo?"

"Ngayon lang!"

Halata sa tanong niyang hindi ito naniniwala na papasok ako para mag-aral. Ang sarap ipagsigawan na. Hello! si Monique lang ang nakikita niyo pero Hindi ako yung Monique na kilala niyo.!

Tsk! kung pwede lang sana.

At hindi ko na pinansin ang mga itsura nila lalong lalo na si Vice. At agad na akong tumalikod para tuluyan nang umalis. At sa pagtalikod ko ay nakita ko na naman ang grupo nila Zero. Nakasandig lang ito sa pader at may pa cool pang pustura.. Kaya pala mukha nang himatayin ang mga babae rito dahil nandito rin pala sila. Hindi ko na sila pinansin pa at nagtuloy tuloy na akong umalis dahil may tatlong minuto na lamang ako para sa klase ko. Pero bago yun ay nasulyapan ko sila sa gilid ng mata ko nakatingin sakin. Hanggang sa tuluyan na kung umalis.

Third person:

Hindi makapaniwala Si Clark at ang grupo nila Zero sa mga kinikilos ni Monique.

Dahil unang- una ay hindi sumasagot o nagtataray si Monique sa kanyang mga pinsan lalong lalo  na At takot ito sa kay Clark. Kaya nga hindi makapaniwala Si Clark nung nangyari sa party ng kanyang Lolo at Lola.

At ang pangalawa ay kilalang kilala nila si Monique na patay na patay kay Zero kaya nagtataka sila kung bakit ganun ang inaasta nito na para bang hindi niya ito kilala.

Dahil kaya ito sa nangyaring Aksidente dalawang buwan na ang nakakaraan.

Pero iisa lang ang naiisip nila Ngayon..

Gustong-gusto nila ang Monique kung Sino ito ngayon.!



***

Enjoy reading guys.

Please VoMment din po kayo.😊

I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon