Chapter 6

42 9 2
                                    

(continuation)

     Nakatulog si tala sa sasakyan  dahil sa pagod at inaantok na rin siya sa mga oras na iyon dahil malapit na maghahating gabi.

     Naalimpungatan siya ng may narinig siyang babaeng  nagsasalita at mukhang galit na galit ito base na rin sa tono ng boses  nito.

"Shit! shit!....shit talaga! ano ba namang klaseng club yun! muntik pa akong mahuli! hindi ko tuloy nakita ang my lo---.."

Narinig niyang reklamo ng babaeng may-ari ng sasakyan.dahil sa ingay nito ay hindi niya napigilang magsalita para tumahimik ito.

"ang ingay mo naman.!"
humihikab pang sabi niya sa babae.

Nabigla ang may-ari ng sasakyan ng nagsalita siya kaya naman napa break ito sa gulat at dahil sa wala naman siyang suot na seatbelt ay nahulog siya sa kanyang pagkakaupo at nauntog.

Aray ko naman....

Napapikit at napahimas ang dalaga sa kanyang noo dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"what the fuck...!! who the hell are you!? and WHAT ARE YOU DOING HERE IN MY CAR!!!?"

Rinig niyang sabi ng may-ari ng sasakyan dahil sa pamilyar ang boses nito ay napamulagat siya ng kanyang mga mata.

At nang mapagsino ang may-ari ay mas lalong lumaki ang kanyang mapupungay na mga mata.

Opps.. Patay.!

♡♡♡

Tala's Pov:

bakit siya pa..! ang malas naman! si MONIQUE pala ang may-ari nitong sasakyan.!

Hindi ko man lang naisip na siya pala ang may-ari nito at ngayon kulang naaalala na pupunta pala siya sa club para makita ko no ang my love niya.

Tsk..! paki ko naman..

Kailangan kung umisip ng paraan para hindi niya ako makilala.

"I asking you! WHO ARE YOU!?"

Galit na galit nitong tanong sakin at kunti nalang ay uusok na ito sa inis.

Napakamot nalang ako sa ulo at hindi siya sinagot. Sa halip ay tumingin na lamang ako sa labas kung nasaan na kami at napakunot na lamang ako ng noo ng hindi na ako pamilyar sa lugar na kinaruruonan namin.

"Ano ba! naiintindihan mo ba ako MISS! kung BOBO ka at hindi mo ako maintindihan! TATAGALUGIN KO PARA SAY---.."

Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya kung ano pa man ang sasabihin niya..

"wala kang originality..Linya ko yan! kaya wag kang manggaya."

(Remember.. Chapter4..Doon po sa mga pulis😀)

Napatanga ito sa sinabi ko at parang sinasabi ng mukha niya na..

Baliw na ata itong babaeng ito.

"WHAT!!! ARE YOU CRAZY!!? AND HOW DARE YOU TO STOPPED ME! OF WHAT IM GONNA SAY..!! at ako pa! talaga ang walang ORIGINALITY..! at ikaw nga itong mukhang PULUBI na sumasakay nalang sa sasakyan ng iba!"

Natanggal ata ang atuli ko sa tinga dahil sa lakas ng sigaw niya .

Namumuro na'tong babaeng ito hah! magtiis ka tala! nakikisakay ka lang...
pampakalma ko sa sarili ko para hindi ko rin siya masigawan.

Dahil naisip ko kapag sinagot ko tong babaeng ito ay baka malintikan ako kapag nagkita kami sa university  at hindi malabong mangyari iyon! at pag nagkataon ay baka maging paboritong bullyhin ako..

I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon