Chapter 15

43 2 2
                                    

First of all, I want to dedicated this Chapter to Grade-12 (Cookery) especially to Roselyn Pontilar, Cherry Mae Suaring and Aireen Catamco😉😉😉😉
" HELLO GUYS"





Tala's P.O.V:

Hindi ako makapaniwala na may mga sayad pala sa pag-iisip ang tatlong alipores ni Mon akalain mong maniniwala pala ang mga yun sa sinabi ko mga T.A.N.G.A nga naman!!!

Well,



Dahil  sabado naman bukas at may importante akong pupuntahan mang hihiram na muna ako ng damit ni Mon dito sa kwarto niya na ngayon ay kwarto ko na rin.

Ayoko sanang tumira dito sa bahay ng mga Valdez dahil nahihiya at naguguilty ako hindi ko malaman kung sa anong dahilan dahil hindi ko naman dapat to maramdaman dahil ang totoo Wala naman akong HIYA!"

hayyyy!!!!

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pamimili ng damit na nasa sa malaking Aparador bawa't isang damit na napipili ko ay agad kong dinidispatsa hindi ko alam kung nagagandahan ba ako o mandidiri.

May isang damit akong nakita at agad ko itong sinuri...

"Ano ba namang klaseng damit to para namang kinulang sa tela... nagtitipid siguro ng tela yung mananahi ang kunti lang ng tela sa likod at sobrang ikli pa at lahat ng damit na nandito ay pare-pareho lang ng itsura.. mayaman nga nagtitipid naman ng damit itong si Monique par......"

Tok

tok

tok!!!

"Monique Nandiyan ka ba sa loob anak?"

Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang katok sa may pinto at ang boses nang nanay ni Monique.

Dahil sa hindi ko naman sinarado ang pintuan ay agad  pumasok sa loob ng kwarto ang nanay ni Monique.

Mukha pa itong nagulat ng makita niya ako.

"Ay!! pa-pasensya ka na anak kung agad akong pumasok ng walang pahintulot mo.. a-ano babalik nalang ako anak mukha ata kasing aalis ka."

Napakunot ang noo ko sa inasal ng nanay ng bruhang si Mon dahil para kasing takot na takot ito.

Napakunot ang noo ko kung nasabi niyang aalis ako eh... bukas pa naman ang alis ko.

Aalis? hindi naman ako aalis ah!!

Tumingin si Mrs. Valdez sa akin at sa hawak ko kaya na pagtantu ko nalang na hawak ko pa pala ang damit ng bruha kaya agad-agad ko naman itong tinago.


ay!!! ang tanga! tinago ko pa eh nakita na naman niya.

"Ah hehehe... hindi naman po ako aalis... may kailangan po ba kayo sakin?"

Agad kong sagot sa nanay ni Monique at bigla nalang ngumiti ito at parang nabunutan ito ng tinik sa kanyang dib-dib.

Hindi mo aakalain na anak si Monique ng babaeng na sa harap ko ngayon na ang bait ng ugali.

Hindi man lang niya minana ang ugaling ito sa magulang niya!! tsk!

lumapit ang nanay ni Monique sa akin at nakita niya ang mga damit na nagkalat sa sahig at pinulot niya ang nga ito dahil sa may Hiya! naman ako ay agad ko namang pinulot ang mga kinalat ko.

"Pasensya na po kayo kung nagkalat ako"

Ani ko sa mama ni Mon ng hindi ako tumitingin sa kanyang gawi. Hindi ko alam para akong na kokunsenya bigla.

Napatigil ako sa pagpupulot ng marinig ko ang hikbi ni Mrs.Valdez kaya agad akong tumingin sa kanya at linapitan.

" Bakit po kayo umiiyak? May masakit po ba sa inyo? Sagutin niyo po ako?"

Agad akong lumapit kay Mrs.Valdez  at hinawakan siya kanyang magkabilang balikat.

"A-aray ko naman anak wag mo naman akong masyadong yugyugin.."

Reklamo nito na sakin kaya agad ko itong binitawan.

"Ay Sorry po.. nabigla lang po ako kung bakit po kayo umiiyak"

Ngumiti naman ito sa'kin dahil sa sagot ko sa kanya.

" Natutuwa lang ako anak kasi...kasi hindi ako makapaniwala at hindi ko maisip na nadarating ang araw na ito sa ating pamilya na magkakasundo rin tayo at syempre ng papa mo.. palagi akong nagdarasal na sana maging okey tayong lahat."

Ako nga rin hindi makapaniwala na mangyayari ang lahat ng to sa'min lalo na sa akin na magiging Monique ako sa paningin ng lahat.

" Sorry po sa lahat ng nagawa ko sa inyo."

" Hindi muna kailangang magsorry anak...kami dapat ang mag sorry sa iyo dahil malaki ang pagkukulang namin lalo na sa mga bagay na hindi namin maibigay"

"Sorry po talaga sa lahat-lahat"

Wala akong ibang masabi sa sinabi ng nanay ni Mon kundi ang Ihingi nalang siya ng tawad sa magulang niya. Dahil kung tutuusin hindi naman ako, siya.

" Anak...May gusto lang akong sabihin sayo at sana hindi ka magagalit."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mrs. Valdez baka nahalata niyang hindi talaga ako si Monique kasi ako bilang si Tala ay napakayo ng ugali naming dalawa ni Mon  siya ay Bruha ako hindi!.

"ah Ano po yun ? I swear po hindi po ako magagalit"

Bigla kung tinaas ang kanang kamay ko na parang nanunumpa kaya agad ko naman itong ibinaba dahil hindi naman ito gawain ng isang MONIQUE. Bwisit...!

Tuwang-tuwa naman si Mrs. Valdez sa inasal ko na para bang pinangarap niya na...

Sana dumating ang panahon na magiging Eng-eng din si Mon.

" Simula nang maaksidente ka at hanggang nakauwi na tayo sa bahay ni minsan hindi mo pa kami tinatawag na Mommy at daddy anak may- may galit ka pa rin ba sa'amin?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Mrs. Valdez kaya pala sa tuwing kinakausap nila ako ay ang lungkot ng mga mata nila kahit na ngumingiti at tumatawa sila sa harap ko ako naman pala ang may kasalanan.

" Ah sorry po M-m-mom-mommy at hindi po ako galit sa inyo ni D-dad...hehehe"

Hirap na hirap kung tawag kay Mrs.Valdez at sa asawa niya. hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak. Dahil sa naaalala ko ang aking itay at inay ay hindi ko na rin napigilang umiyak.

Pagkatapos ng aming iyakan ay agad niya akong hinawakan sa balikat at kitang kita ko ang kislap sa kanyang mga mata.

Na para bang may ibang dahilan kung bakit siya narito.


"Anak alam kong matutuwa ka sa sasabihin ko sayo dahil matutupad na ang isa mga pinapangarap mo"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mrs.Valdez.

"Pinapangarap ko? Ano po yun?"

Takang-taka kung tanong sa kay Mrs. Valdez.

Ano naman kaya ang PINAPANGARAP ku no ni Monique???

May pangarap ba talaga ang babaeng yun! para naman kasing w------....

Wag mong sabihin na.....

"Anak!!! pumayag na ang pamilya McCartney na magiging Fiance mo si..


Zero McCArtney"



WHAT THE HELL!!!!








****Author's Note:

Hello Readers kamusta po kayo? Sana po ay hindi po kayo nainis sa paghihintay ng UD sa kwentong to.!!👆👆 Sobrang naging busy lang po talaga sa School. Alam kung naiintindihan niyo po ako kaya nagpapasalamat po ako dun..Thank you and God bless you all.


I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon