Chapter 5

45 17 2
                                    

Tala's P.O.V:

Agad akong lumabas ng club ng may narinig muli akong pagsabog. kanina pa sana ako nakalabas kung hindi lamang ako hinarang ng mga pulis at inaakusahan pa ako ng kung anu-ano.

anong tingin nila sa akin MAYAMAN... pero hindi ko din naman sila masisi dahil nga Maganda ako Dahil nga sa aking gandang taglay mapagkakamalan nga naman akong mayaman kahit ang totoo naman niyan ay isang kahig at isang tuka lang naman kami..

hingal na hingal akong huminto sa pagtakbo pwede na ata akong sumali sa marathon nito dahil sa bilis ng takbo ko. Sobrang nakakapagod at hindi ko inaakala na ang iniisip ko kanina ay mangyayari pala sa totoo pero napaka imposible naman kasi  dahil sa higpit naman ng siguridad ng club kung may makakapasok nito.

"shit.. nakakapagod talagang tumakbo.!"

napatukod ako sa dalawang tuhod ko habang humihingal... mauubusan ata ako ng hangin sa katawan nito.

Napatigil ako ng maalala ko ang lalaking iyon kanina hindi ko inaakalang makikita ko siya doon at pumupunta din pala siya sa ganoong klasing lugar..

ba't pa ba ako magtataka eh sobrang yaman talaga niya.

iniiling iling ko ang ulo ko.. bat ko ba siya iniisip..

pero sobrang gwapo niya talaga.. aishhh

"baliw ka na talaga... bagay nga naman talaga ang pangalan mo sayo..TA.LA"

Pati sarili ko kinakausap ko na...

bilib nga rin ako sa sarili ko dahil pinakita ko talaga sa kanyang hindi ko siya kilala at wala akong interes sa kanya.. pero sino nga bang niloko ko eh sobrang sikat niya sa school na pinapasukan ko at siya rin ang may-ari ng university at sobrang maraming higad ang naghahabol sa kanya.

Napalingon ako sa likuran ko nang maraming nagsisipagtakbuhan patungo sa direksyon ko at kanya kanyang paandar ng kanilang sasakyan paalis at ang mga katulad kulang ang tumatakbo dahil sa walang pambili ng sasakyan at kasunod nito ay putok ng baril..

bwisit.. wag mong sabihin na nakasunod pa rin sa amin ang mga pulis na yon!

hindi ako palamura pero sa ganitong klaseng sitwasyon hindi ko na maisip ang maging santa- santana.

"Tang-ina papunta na sila rito"

"bilisan mong tumakbo pare ayaw ko pang makulong"

" intayin niyo ako..."

"mga bwisit naman tong mga pulis na'to tayo pa talaga ang hinahabol.."

rinig kung sigaw at reklamo ng mga kasabayan kong tumakbo wala rin naman kaming magagawa kung hindi ay wag magpaHULI..

♡♡♡♡

Third person:

Hindi na alam ni TALA kung saan na siya papunta ang iniiisip na lang niya ay wag mahuli sa oras na yon!.

"TIGIL! TUMIGIL KAYO!"

Rinig nilang sigaw ng mga pulis para pahintuin sila.

"PUTANG-INA NIYO!! SINONG BALIW ANG TITIGIL KUNG HINAHABOL NIYO KAMI...!"
Sigaw pabalik ng isang lalaking kasabayan nila sa pagtakbo.. tama rin naman kasi ito hindi naman sila tatakbo kung walang humahabol sa kanila... at sino namang tanga! ang gustong mahuli at makulong.

Asar na asar naman ang mga pulis dahil kanina pa sila tumatakbo ngunit wala pa silang nahuli ni isa simula ng sundan nila ang mga ito..

"Bwisit namang mga batang ito.. ang bibilis tumakbo.!"

inis na sabi ng isang may edad na  pulis at dahan-dahan itong huminto sa pagtakbo at napatukod ito sa mga tuhod niyang sumasakit na.

"WAG NA WAG KAYONG HIHINTO KUNG AYAW NIYONG MALINTIKAN SA HEAD NATIN... KAILANGAN MAY MAHULI TAYO SA KANILA!!!"
Malakas na sigaw ng isang kasamahan nilang pulis.

Na siyang nagbigay sa kanila ng kaunting lakas para magpatuloy sa pagtakbo at may mahuli man lang na isa.

Sa katunayan ay matagal nang sinusubaybayan ng mga otoridad ang nasabing CLUB dahil sa maraming mga illegal na gawain rito..lalong lalo na ang mga mayayamang mahirap hulihin.. kaya ngayon ay natitiyak nilang mahuhuli nila ang mga ito dahil sa mga nakalap nilang impormasyon at mga ebidensya laban sa mga taong pumupunta sa EXISTING CLUB hindi nila ito magagawa kung hindi dahil sa kanilang magagaling na mga Spy.

Maaaring marami ang mga nakatakas ngunit hindi sila makakatakas sa Batas.

♡♡♡

Sa kabilang dako naman ay may nakitang sasakyan na bukas ang bubong ang nakita ni tala dahil sa pagod na siya sa pagtakbo ay agad siyang tumalon sa sasakyan at nagtago roon pansamantala.. ang hindi niya alam ay patungo na ang may-ari ng sasakyang pinagtataguan niya.

na walang iba na si MONIQUE LEIGH VALDEZ.

"HEY! MONIQUE!!! WAIT FOR US!"

Sigaw ni Ara kay monique habang mabagal na tumatakbo. hindi naman sila nilingon ni monique at mabilis na tumakbo palayo sa kanyang mga kasama.

"BAHALA NA KAYO SA MGA BUHAY NIYO! MAY SARILING SASAKYAN NAMAN KAYO! KAYA MAGKANYA-KANYA NA TAYO!"

Balik na sigaw ni monique sa kanila at agad na binuksan ang sasakyan at pinindot ang close at automatic na bumalik sa dating itsura ang kanyang sasakyan.at hindi na niya pinansin ang tatlo habang papunta sa kanya
at mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo sa club na pinanggalingan niya.

"Shit! shit!....shit talaga! ano ba namang klaseng club yun! muntik pa akong mahuli! hindi ko tuloy nakita ang my lo---.."

naputol sa pagmamaktol si monique ng may narinig siyang nagsalita sa likod niya.

"ang ingay mo naman.!"
humihikab pang sabi ng babae sa kanya.

nanlaki naman ang mata niya dahil hindi niya napansin ito dahil sa inis niya kanina.

"what the fuck...!! who the hell are you!? and WHAT ARE YOU DOING HERE IN MY CAR!!!?"

Malakas na sigaw nito sa babae at halatang iniinis pa siya nito habang naghihikab.

Napamulagat naman ng mata si tala ng mapagsino niya ang may-ari ng sasakyan.

opss!!patay

♡♡♡
ang tagal kung hindi nakapag update sana may nagbabasa..😢😢

sa mga nagbabasa salamat sa paghihintay.☺


I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon