Chapter 10

24 6 0
                                    

Tala's P.O.V:
( Na ngayon ay kilalang si Monique)

Dalawang linggo na ang dumaan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako na ngayon si MONIQUE ang kilalang BULLY QUEEN sa skwelahang pinapasukan namin pareho.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit nagkapalit kami ng katawan o Kaluluwa namin. Akala ko talaga nung una ay pinaplastic surgery nila ang mukha ko at pinalitan ng mukha ni Monique. Pero ngayon ay talagang naniniwala na ako dahil kaharap ko mismo ang sarili ko habang pinagmamasdan ko ito sa pagkakaratay...May benda ang ulo at oxygen na nagsusuporta sa paghinga nito.

Shit kahit ganito na ang itsura ko ang ganda ko parin.

Alam kung si Monique ang pumalit sakin at siya ang comatose ngayon.

"Bruhang Monique! gumising ka na riyan.. Masyado munang inienjoy ang paggamit ng katawan ko,ayoko sa katawang ito! masyado itong special para sa parents mo!at bukas ay kailangan ko nang pumasok..
kaya naman gumising ka na..!"

Naiinis ako.. Naiinis ako dahil masamang damo talaga ang katawan ng babaeng ito. Ang katawang nasa akin ngayon.

Napatigil lang ako ng may narinig akong nagsasalita sa likod ko.At kilalang kilala ko ang boses nayon. Gusto kung umiyak at yakapin ng mahigpit ang taong ngayon ay nasa harap ko na.

"Inday ayos kalang ba?"

Tanong ng may katandaan na babae sakin at may mga unting kulubot na sa mukha at nangangayayat na at may malalalim na mga mata.

Pumayat si inay...Hindi na siya maganda kagaya ko.

Biglang tumulo ang mga luha ko at hindi ko napigilang yumakap sa kanya.. Sobrang na miss ko si nanay at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

"Aray ko naman Inday... Hindi na ako makahinga.."

Reklamo ni nanay sakin dahil sa sobrang higpit ng yakap ko.. Kaya agad akong napabitiw sa kanya. Kawawa naman baka mabalian ko pa ng buto.

At namiss ko ang tawag niyang Inday.

"ay sorry po..Hehe"
Hinging paumanhin ko rito.

"Kaibigan ka ba ng anak ko?"
Nakangiting tanong nito sakin.Kaya naman napasimangot ako kay nanay.

"Hindi po."
Walang ka gatol-gatol na sabi ko kay nanay.. eh hindi ko naman talaga kaibigan ang babaeng yan eh kahit sabihin pang akin ang katawang yan..

"Sabi ko nga ba hindi ka nga kaibigan ng anak ko.."
Ngiting niyang sagot sakin. At bigla nalang siyang nalungkot.

Kilalang kilala talaga ako ni nanay dahil alam naman niyang wala talaga akong kaibigan.

Matest nga to si nanay.Hehe

"Bakit niyo naman po nasabing hindi niya nga po ako kaibigan?"
Tanong ko kay nanay habang pinagmamasadan niya ang katawan kong nakaratay sa kama.

Binigyan niya muna ako ng isang matamis na ngiti bago niya ako sinagot.

...

...

"Hindi ko rin alam..Inday."

Napaubo ako bigla sa sagot ni nanay...Akala ko pa naman alam niya.

"Eh Hehe... Akala ko po alam niyo"

Napakamot na lamang ako sa ulo ko.

"Ano pala ang ginagawa mo dito Inday.. At ano pala ang pangalan mo?"
tanong nito sakin habang inaayos niya ang pagkakamot sa katawan ko. Napakaalaga talaga ni nanay.

"Ang totoo po niyan ay dumalaw lang po ako... At kilala ko po ang anak niyo kahit hindi kami magkaibigan at.. Ta--  I mean Mo-monique po ang pangalan ko."

Pheww muntik nang masabi ko ang pangalan ko at pahamak talaga tong si Monique. Tsk

"Ganun ba?Salamat at napadalaw ka Inday at natutuwa ako kahit papaano ay may nakakaalala sa kanya maliban sayo ay may dalawa pang nagpupunta rito."

Nagtaka naman ako dahil may nagpupunta rito at sino naman kaya sila..

"At sino naman po sila nay?"
Curious kung tanong ulit kay nanay dahil wala naman kasi akong maalala na may kakilala sakin maliban sa mga classmates ko at wala namang may pakialan sakin.

Sasagot na sana si nanay ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Sagutin mo na yan Inday at baka importante yan."

Ayaw ko sanang sagutin ang tawag Dahil gusto kung malaman kung sino ang nagpupunta rito.Pero sinunod ka na lamang ito.

Pagtingin ko sa phone ko ay ang mommy pala ni Monique ang tumawag.

Monique's Mom calling

Agad ko naman itong sinagot at baka may importante itong sasabihin sakin.

"Hello po."

Hello princess.. Na-isturbo ba kita.?

Sa totoo lang ay napakabait ng mga magulang ni Monique at hindi ko aakalain na napakalayo ng ugali niya sa parents niya at nalaman ko rin na hindi pala Good Vibes si Monique sa mga magulang niya.

"Hindi naman po..May kailangan po ba kayo sakin"

May pupuntahan sana tayo Princess..Kung ok lang sayo.. Pwede ka bang sumama?

Ayoko sanang sumama kung saan sila pupunta pero mukhang wala akong choice nito. At isa pa napapangiwi ako sa tuwing tinatawag akong Princess o di kaya ay Baby ng parents ni Monique.

Tumingin muna ako kay nanay habang nakatingin rin ito sakin. At napangiti ako ng ngumiti rin ito sakin..

Kung tatawa ako...Tatawa rin ito si nanay at sure ako dun. 😂

"Sige po.. Papunta na.Bye po"

Agad kong binaba ang tawag at lumapit kay nanay.

"aalis kana Inday?"
tanong ni nanay sakin at bigla na naman itong nalungkot.

"Opo at wag po kayong mag-Alala... pupunta naman po ako dito Para bisitahin kayo."
hinawakan ko ang mga kamay ni nanay para wag na siyang malungkot ulit. At tiningnan ko ang katawan ko..

Gumising kana Monique dahil gusto ko nang bumalik sa katawan ko..

"alam mo Inday may pagkakapareha kayo ng anak kung si Tala."
ngumiti ito sakin habang sinasabi niya yun sakin.

Kung alam niyo lang po Nay na ako po ito si Tala.

"Ganun po ba..? babalik nalang po ulit ako rito nay. Kailangan ko na po kasing umalis."

Pagpapaalam ko kay nanay at agad na akong umalis.

NANDITO na ako sa labas ng Elavator at agad na akong pu masok Bago ko naisara ang Elavator ay may isang taong hindi ko inaakala na makita dito sa Hospital.




Ano kayang ginagawa dito ni John.?

......

( Si John po yung nasa Chapter1)

Dahil walang pasukan at Paskong pasko na... Sisikapin ko pong araw-araw makapag UD hangga't hindi pa busy.

MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA AT NAGHIHINTAY NG UPDATE.Pasensya na po kung minsan natatagalan.

MERRY CHRISTMAS SA ATING LAHAT AT ADVANCE HAPPY NEW YEAR.

I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon