Chapter 7

38 6 0
                                    

One month later

Labis nang nag-aalala sina Mrs. And Mr. Valdez ang mga magulang ni monique. Dahil isang buwan na itong hindi pa nagigising simula ng mangyari ang aksidenteng hindi nila inaakala na mangyari sa kanilang anak at may kasama itong isa pang babae na hindi nila kilala at naisip nilang baka kaibigan ito ni monique.

Sinisisi nila ang kanilang mga sarili dahil naging pabaya silang magulang kahit sabihin man ng iba na sobra- sobra sila kung maibigay ang gusto ng kanilang anak.

"ano nang mangyayari sa anak natin Fernando?"

Iyak nitong sabi sa kanyang asawa habang yakap-yakap siya nito. Hindi niya maatim na tingnan ng matagal ang kanilang anak sa ganitong kalagayan hindi man ito magandang makitungo sa kanila ngunit walang  magulang ang hindi matitiis ang kanilang anak Pero alam nila sa kanilang mga sarili na may mga pagkakamali sila dahil simula bata pa lamang si monique ay ibinibigay na nila ang naisin man nito.

" wag kang mag-alala mahal... May awa ang diyos at pasasaan ba't magigising rin ang ating anak."

Pag-aalo ni Fernando sa kanyang asawa na si Lucia..Habang nakatitig sa kanyang nag-iisang anak. At awang-awa siya sa kalagayan nito ngayon. Labis ang kanyang pagsisisi dahil bilang isang Padre ng Pamilya ay kailangan niyang masubaybayan at maturuan ng magandang asal ang kanilang anak ngunit hindi nila ito nagawa. Instead, ay ini-spoiled  nila ito kung ano man ang maibigan nito ay agad-agad nilang binibigay kahit hindi na nila alam kung ito ba ay tama o mali.. at ito ang isang naging pagkakamali nila bilang isang magulang.

Natigil lamang siya sa kanyang mga naiisip dahil narinig niya ang kanyang asawa na napasinghap at parang gulat na gulat.

"Mahal ayos ka lang ba.? may problema ba.?
tanong niya sa kanyang may bahay na si lucia at titig na titig ito sa kinaruruonan ng kanilang anak.

"Na-nakita mo iyon mahal..?"
Utal-utal nitong tanong sa kanya.

Hindi niya mawari kung anong sinasabi ng kanyang asawa.

"Nakita ang alin? sabihin muna mahal kinakabahan ako sayo niyan.... Ba-baka may nakita kang hin- hindi ko nakikita?."

Kinakabahan siyang patingin tingin sa loob ng kwarto ng anak at baka may nakitang hindi tao ang kanyang asawa.

Oh jesus..! wala naman sanang multo rito.
Sa isip ni Mr. Valdez habang paulit-ulit na nagmamasid sa kwarto ng anak...Pag may pumapasok sa kanya ng ganitong  klaseng imahinasyon ay hindi niya maiwasang pangilabutan.

Para sa kanya ay Hindi nakakababa ng pagkalalaki ang isang lalaki kung inaamin niyang takot siya sa mga MULTO.

Lumingon ulit siya sa kanyang asawa ng umiyak ito lalo kaya mas domuble ang kaba niya ngayon..

"Mahal...! ba't ka umiiyak? a-ano kailangan na ba nating lumipat ng hospital..? ano magsalita ka mahal!!?"

Malakas niyang niyugyog ang kanyang asawa dahil hindi pa rin ito nagsasalita at nakapikit na ito ngayon..

Pak!

"Aray ko! Bakit mo naman ako binatukan mahal..?"
Hinihimas niya ang ulong nabatukan ng asawa.

"Gago ka kasi... ! nahihilo tuloy ako!"
Sigaw niya kay Mr.Valdez dahil sa malakas na pagkakayugyog nito sa kanya kaya nahilo siya at hindi makapagsalita.

"Eh! ikaw naman kasi hindi ka naman nagsasalita diyan.?"
Pangangatwiran niya sa kanyang asawa.

"At paano naman ako makakapagsalita kung makaYUGYOG ka naman sakin waga...."

Napahinto sa pagsasalita si Mrs.Valdez ng may biglang pumasok sa loob ng kuwarto at iniluwa nito ang kanyang matalik na kaibigan at kapatid ng kanyang asawa na si Victoria Valdez.

Isa itong babaeng matinik pagdating sa usaping business..
Sa edad nitong 38 ay hindi mo aakalain dahil sa palangiti ito at maamo ang mukha.

"Hala! Hala! ano yung narinig kung YUGYUGAN diyan! kayo hah!  hindi na kayo nahiya at dito pa talaga ninyo naisipang mag..."

Pak!!

At sa pangalawang pagkakataon ay isang malakas na batok ang binigay ni Mrs.Valdez sa kanyang Bestfriend dahil kung hindi niya ito gagawin ay kung saan-saan pa mapunta ang iniisip nito sa kanila.

"Ouch!! naman besh.. Ang sakit nun hah!"
Reklamo niya kay Lucia dahil sa malakas na pagkakabatok nito sa kanya.

"Gaga ka din eh! ang dumi kasi ng utak mo! masyado nayang maraming LUMOT..Linisin mo rin!...TSk!!!MAGKAPATID NGA KAYO NG KAPATID MO!!"
Sigaw niya sa dalawa.

"Malamang Besh magkapatid kami."

" Magkapatid naman kasi kami mahal.."

Sabay na sabi ni Mr.Valdez at Victoria sa kanya. At parang nakalimutan ng mga ito kung nasaan sila at wala sila sa parke para magbangayan.

Ang hindi nila alam ay may isang pares ng mata ang nakatingin sa kanila at hindi man lang nila napansin ito at patuloy parin sila sa pagbabangayan na animo'y mga bata.

Nasaan ba ako at sino naman sila!?

Tanong ng dalaga sa kanyang sarili... Nagising ang dalaga dahil sa ingay ng nasa paligid niya ang akala niya ay nasa isang maingay siyang lugar at maraming bata ang nagsisigawan pero nagkamali siya dahil nasa isang kwarto lamang pala ang kinaruruonan niya at may kasama siyang dalawang babae at isang lalaki pero mas matanda ito ng maraming taon sa kanya.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid at napagtanto niyang isa pala itong hospital.

Napatigil lamang sya ng wala na siyang naririnig na nagbabangayan at nagsisigawan kaya naman nilingon niya ang mga ito.. Nakita niya ang tatlo na parang gulat na gulat at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita habang nakatingin sa kanya.

Hanggang sa....

OH MY GOD!!

GISING NA SIYA!!!

ANAK!!!!....MONIQUE!

Sabay-sabay na sumigaw ang tatlo pero ang tumatak sa isip niya ay ang pagtawag sa kanya ng....

MONIQUE

I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon