Chapter 13

26 5 0
                                    

Tala's P.O.V:

Natapos din ang buong maghapon na klase ni Mon ng wala naman akong natutunan dahil minsan lang pala sila pinapasukan ng mga Prof nila. At hayun! ang iba sobrang tuwa dahil sa walang teacher na pumasok pero ibahin nila ako! kahit gaano pa ka terror ang isang guro mas gaganahan akong mag-aral para matuto at dalang-dala ko parin yun hanggang ngayon kahit iba na ang katawan ko pero ang pag-iisip ko ako pa rin ang masusunod kaya naiinis at nababagot na ako rito dahil gusto ko pang tumambay sa library kaysa sa makita ko ang ibang nagdadaldalan, naglalandian, nagpapayabangan, nagpapagandahan na akala mo naman ay may pupuntahang Bar dahil sa kapal ng mga make-up at higit sa lahat gusto ko pa yung mga walang paki-alam.

hayyy

Kung pwede lang sanang lumipat ng ibang Kurso at ang kukunin ko talaga ay yung kursong pinag-aaralan ko dati. Kaya lang ay hindi pwede...ampp pwede naman talaga siya dahil mayaman nga naman ang pamilya ni Mon...ang Hindi lang pwede ay mas Lalo pa silang magtaka tungkol sa mga kinikilos ko daw.

Mga HITACHI nga naman walang magawa sa buhay nila.

Well, alam nyo ba yung HITACHI? Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam.. pero napag-alaman ko yan sa mga taga bisaya.. kasi ang mama ko ay taga mindanao sila nakatira kaya sumasama ako sa kanya para bumisita sa mga kamag-anak niya na nakatira sa Panabo..

Naalala ko pa nung bumisita kami doon kanila Tita Rowena may dalawang batang nag-aaway at yung isang batang Lalaki o mukhang hindi lalaki kasi siya pa yung mas malakas mang-inis dun sa batang babae...bakla ata yun eh!

                     Flashback

"Ikaw gyung bayota ka! mapatay talage taka kadugayan.!?"

(trans: Ikaw na bayot ka! kunting panahon nalang mapapatay kita!)

Sigaw ng batang babae sa batang lalakwe kung kumilos higit pa niya ang babae.

"Ako! ako! ang mapatay? ah ah! basin.. ikaw! kay ikaw ang grabe ka HITACHI sa atong duha! kay tungod nang pagka HiTaChi nimu..! diraa raka mapatay ana! buang!"

Napapakamot na lamang ako sa ulo ko dahil hindi ko naman sila maintindihan Pero ipinagpatuloy ko na lamang ang pakikinig sa kanila dahil nakakalibang silang panuorin lalong-lalo na pag nagsasalita sila ng Bisaya.

(trans: Ako! ako! pa ngayun ang mamamatay? ah! ah! ikaw! ikaw dahil sa sobrang HITACHI mo! yan ang dahilan kung bakit ka mamatay sa ating dalawa dahil napaka HITACHI mo! baliw!"

"Uwahhhhh itug-an taka kay mama bantay lang kang bayota ka.!"

(trans: Uwahhh isusumbong kita kay mama.. lagot ka talagang bayot ka.!")

Iyak ng batang babae at pagtingin ko sa batang lalaki nangungulanot pa at nililinis yung tinga niya.

"Itug-an hadlokun man ta..! ubanan ta paka sa imong mama! "

(trans: Isumbong akala mo matatakot ako! samahan pa kita sa mama mo!)

Tapang-tapangan pa ng batang lalaki na animo'y hindi talaga natatakot.

Mas lalong lumakas ang iyak ng batang babae at yung batang lalaki naman ay mas lalong inasar pa ang batang babae. Hanggang sa....

"Hoy! ikaw gyung bayota ka! imo na pung giaway akong anak! karun lang ka kay tugbason takang bayota ka!"

(trans: Hoy! ikaw na namang bayot ka! lagi mo nalang inaaway ang anak ko! ngayon ka lang at tatadtarin kita.!)

Sigaw ng ina ng batang babae at pagtingin ko sa batang lalaki ay agad na itong nawala sa kinatatayuan niya at nakita ko na lang itong ang layo na pala ng tinakbo.

I'm not the Owner of my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon