Tala's P.O.V:
Monday na ngayon at kailangan ko nang maghanda para pumasok..ayoko sanang pumasok at ibalandra ang mukha ni Monique na ngayon ay ako na ang nag Mamay-ari pagsamantala. Katawan lang naman ang nasa akin ni Monique pero ako pa rin ito si Tala... Hindi ko kailangan na magpanggap na si Monique para katakutan o magustuhan ng iba at hindi ko kailangan mag Pretend gaya ng sinasabi ng mga pinsan ni Monique sa kanya kahapon. Doon ko rin nalaman na kung ang iba gustong- gusto si Monique pero ang pamilya niya ayaw sa kanya.
Hindi na dapat ako Magtaka kung bakit Sa sama ba naman ng ugali niya.. Bulag lang ang magkakagusto sa isang Monique.
Pero may inis din akong naramdaman kahapon dahil sobra naman ata ang pagkadisgusto nila kay Monique. Hindi ko ata makalimutan ang nangyari kahapon.
Flashback:
Ito pala ang sinasabi ni Mommy (makiki Mommy na muna ako paulit-ulit na kasing binabanggit ang pangalan ni Monique nakakaumay na.Hehe)
Na pupuntahan namin. dahil may party na idadaos sa Pamilya Valdez Wedding Anniversary ng Lolo at Lola ni Mon ( Monique- Mon for short).
"tayo na anak baka hinihintay na tayo ng lola at lolo mo sa loob."
Aya sakin ng Daddy ni Mon. Kaya sumunod naman ako agad sa kanila.
Alam kung hindi ako nababagay sa ganitong party at kasuotan pero kailangan ko munang magtiis dahil ang nakikita nila ay ako bilang si Mon.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko at sobrang nakakamangha dahil sa sobrang ganda kumikinang ang naglalakihang mga Chandelier at nababagay ang Motif ng party na combination ng white at gold. Iba talaga pagmayaman. Pero kaming mga mahihirap kaunting salo-salo lang sapat na kahit nga lang pancit ang handa sobrang saya na hindi kagaya ng mga taong naririto pabumgahan at pagyayabangan lang ata ang pinunta rito eh.
Napatigil ako sa pagtingin-tingin ko ng may dalawang babae at isang lalaki ang lumapit sakin mga kasing-edad ko lang ata sila.
"Well,well, well.... First time ata nating nakita ang isang MONIQUE! dito.. I thought She don't want to go this kind of party because This so CHEAP.! for her ....right? My dear couzin Monique"
Sabay ngisi ng isang babae habang nakatingin sakin. maganda siya At halatang mataray at matabil ang dila. Nakapulang gown na may slit sa dalawang hita na sadyang pinapakita talaga at kitang-kita ang cleavage nito na akala mo naman eh magandang tingnan.!tsk!
So, pinsan pala ito ng bruhang ito..At sure ako ganun din ang dalawang kasama niya dahil parehas kasi nakangising aso.
"Hahaha don't pressure her Nica... Alam mo naman na kagagaling lang niya sa KAR.MA..Opss! I mean Car Accident baka kasi may AMNESIA pa nic.."
sabay tawa ng isang babaeng bruha sa unang nagsalita which is Nica ang pangalan.
"Don't be rude to QUEEN MONIQUE evelyn... Ang balita ko is She changed a lot at sobrang bait na ngayon.. Right couz"
sabi naman ng lalaking kasama nila..
"Oh really.. Is that so baka nag Papanggap lang alam niyo na Best in Pretender kaya siya..Haha"
"You're right couz"
"and she will never be na magugustuhan nila grandma and grandp----"
...
...
"Tapos na kayo.!?"
BINABASA MO ANG
I'm not the Owner of my Body
General FictionPaano kung sa isang aksidenting hindi mo inaakala ay magbabago ang lahat ng iyong nakasanayan?. Meet Tala Santos isang commoner girl, dishwasher sa isang sikat na club, matalino at may kagandahang tinataglay, Loner man pero palaban sa buhay at may p...