Third Person:
Nagsimulang magkagulo ang lahat ng may narinig silang pagsabog. At mas ikinagulat nila ay ang pagpasok ng mga pulis sa loob ng club.
"RAID!!"Sigaw ng isang pulis na siyang ikinapanik ng mga tao sa loob. Ang lahat ay may kanya-kanyang diskarte para maisalba ang kanilang buhay at ang kanilang pangalan. Ayaw nilang madawit ang kanilang pangalan dahil sa may reputasyon silang iniingatan.
Dahil dito ay kanya-kanyang kuha sila ng kanilang armas para mapatumba ang mga pulis na maaaring maging banta sa kanila at maaaring sumira ng pangalan nila.
Bawat isa ay nagpapalitan na ng kanilang mga putok at wala na silang pakialam kung may natatamaan man sila o napatay na.
Sa isang silid naman ay may mga mayayamang nanonood sa mga kaganapang nangyayari sa ibaba at parang walang mga pakialam. Sa halip na mabahala, ay mukhang natutuwa pa sila sa kanilang nakikita. Kabilang na dito ang grupo ng DARK ORGANIZATION na pinamumunuan ni ZERO McCARTNEY na binubuo ng tatlong myembro lamang at lahat sila ay pawang mga makapangyarihang tao.
"Woohhh!!! Dude! Look at them, they look like a chicken....Ready to cook"
Sabay tawa ng isang myembro ng Dark organization na walang iba si ZARIUS COLLEN sa edad na dalawampu't-isa ay nagmamay-ari na ito ng iba't-ibang business sa loob o sa labas man ng bansa. Bukod sa mayaman at maimpluwensyang tao ay may angkin itong mukha na talagang pinapangarap ng mga kababaihan. Bukod pa dun ay magaling rin ito sa larangan ng paghawak ng iba't-ibang klase ng baril.
"Yeah.. they are.."
Maikling tugon naman ni HARRY PRYNNE na kasapi din ng Organization nila... sa edad din nitong dalawampu't-isa ay may napatunayan na rin ito sa buhay lalong- lalo na sa kanyang pamilya. Mayaman man ang pamilyang pinagmulan, mas naisin pa niyang humiwalay sa mga ito..dahil isa sa pinaka-ayaw niya ay ang dinidiktahan siya kung ano ang dapat niyang gawin..lalo na sa ama niya.
"Look! Pareng Zero, your number one stalker hot chick is here too."
Sabay turo naman ni LANCE DIMMESDALE sa ibaba ng makita niyang nandoon si Monique na nakatago sa ilalim ng mesa na animoy bata dahil sa takot na nararamdaman nito.
Tawang-tawa naman ito at aliw na aliw na para bang nanonood lang ng isang action/comedian scene sa isang pilikula.
Si LANCE DIMMESDALE ang pinakabata sa kanilang lahat pero sa edad na dalawampu ay hindi din ito pahuhuli sa kanyang mga kasama kung yaman at kagwapohan rin lang ang pag-uusapan. Marami itong pag-aari: hospital, airport, companies, at marami pang iba..nakamit niya ang lahat ng mga ito dahil na rin sa angking talino niya pagdating sa negosyo.
"Tsk! I don't care about that stupid woman."
Walang kabuhay- buhay na sagot ni ZERO McCARTNEY sa sinabi ni lance sa kanya.. habang hawak-hawak nito ang wine na iniinom niya at pinapanuod din ang mga nangyayari sa loob ng club.
Si ZERO McCARTNEY ay magkasing edad lang sila ni Harry at Zarius.. at lahat na ata ng uri ng business ay nasa sa kanya na. Kaya maraming babaeng gustong maging girlfriend niya dahil bukod sa sobrang yaman ay sobra pa nitong gwapo kaya nga baliw na baliw rito si Monique sa kanya.
At batid naman iyon ni Zero ang pagkagusto ni Monique. Hindi na lamang niya ito pinapansin at baka may magawa pa siyang pagsisishan nito.
"I understand you dude! Kung bakit ayaw mo sa kanya..You know.. she's crazy but sayang she's beautiful at sexy pa naman."
BINABASA MO ANG
I'm not the Owner of my Body
General FictionPaano kung sa isang aksidenting hindi mo inaakala ay magbabago ang lahat ng iyong nakasanayan?. Meet Tala Santos isang commoner girl, dishwasher sa isang sikat na club, matalino at may kagandahang tinataglay, Loner man pero palaban sa buhay at may p...