It was a lovely sunny Monday morning pero buryong na buryong ang pakiramdam ni Ennaira ng mga sandaling iyon. Who wouldn't? Kung ikaw mismo ang makakakita sa madrasta mong dinadramahan na naman ng bonggang-bongga ang kanyang sariling ama dahil nanghihingi ito ng pera para sa sarili nitong walang ginawa kundi ang bumili ng kung anu-ano at gumastos ng gumastos na hindi naman galing sa perang pinaghirapan at pinagtrabahuan nito.
"Hay nako! Life parang buhay. Minsan nasa taas, minsan nasa baba, minsan nasa gitna, at ang mas matindi, madalas wala talaga sa direksiyon. Ano ba 'yan?" nakasimangot na saad niya sa sarili habang sinisipsip ang kanyang paboritong inumin.
Paalis na sana siya papuntang Regal Hotel kung saan gaganapin ang kanyang photoshoot para sa Fumes Magazine matapos niyang masaksihan ang eksenang iyon ng kanyang ama at ng kanyang madrasta. She decided to dropped by at Cafe Zaragota to ease the irritation she was feeling at the moment. It was the nearest coffee shop in their village and the Mocha Frappuccino was doing a great job in calming her nerves. Parang nakikini-kinita pa niya ang pag-uusap ng kanyang ama at madrasta.
"Arnulfo, honey, kumusta naman ang negosyo mo? Wala bang problema?" tanong ni Tita Harriette sa kanyang ama habang minamasahe ang likod nito.
Oh diba? Pangalan pa lang talagang pang- kontrabida na ang dating.
"Wala naman, darling. Huwag kang mag-alala, maayos naman ang lahat. Ako pa!" ngiti-ngiting sagot naman ng kanyang ama.
Kasalukuyang nasa balkonahe ang mga ito at nagkakape. Gustong-gusto nito doon dahil narin sa napakagandang hardin nila na alagang-alaga ng kanyang ina noong ito'y nabubuhay pa.
"Honey, alam mo naman diba na pupunta ang nobyo ni Brigette this coming Saturday?" tanong ng kanyang madrasta na tinanguan naman ang kanyang ama. "Pwede ba akong himingi ng pera para sa damit na gusto kong bilhin? 'Yun kasi ang gusto kong suotin sa Sabado kaso kulang na ang pera ko, eh. Please, honey?! I really like that dress. At sabi rin ng anak ko, pakiramdam raw niya, hihingin na ni Lindon mula sa atin ang kamay niya kaya dapat talaga na paghandaan natin 'yon." Nangingislap ang matang wika nito sa kanyang ama. "Diba, honey? Excited na talaga ako. I'm so happy for my daughter."
"Sure, sure, darling. No problem. You know how much I love you, right? I'll give you everything within my power just to make you happy." Anito sa kanyang madrasta. Tuwang-tuwa naman ang kanyang madrasta sa sinabi nito.
Doon na siya emeksena dahil talagang kinikilabutan na siya sa mga pinagsasabi ng kanyang ama.
"Dad, I gotta get going. I have an early photoshoot today." Saad niya sabay halik sa pisngi nito.
"Hindi ka man lang ba muna mag-aalmusal, anak? Aba! Lalo kang pumapayat sa ginagawa mo, ah! Kumain ka kaya muna, sweetheart?" pakiusap nito.
Natawa naman siya sa tinuran ng kanyang ama. "Dad, you don't need to worry too much about me, okay? I can perfectly take care of myself." Nangingiting pahayag niya dito. Her father really loved her too much to a destruction. Hindi nga ito pumayag na bumukod siya sa bahay nila mula nang mag-asawa itong muli. Saka na raw kapag nag-asawa na siya. At mukhang matatagalan pa siya sa kanyang pag-aasawa. Ni wala nga siyang boyfriend. At masaya siya sa pasya nito dahil gusto rin naman niya na mabantayan ito mula sa kanyang madrasta. Baka gulangan ito ng bongga, mahirap na.
"You know that I'm a model, right? A hot shot model to be exact. So dapat talaga na payat ako. I need to watch my diet, Dad. Ang katawang ito ang binabayaran nila." Patuloy niya sabay tingin sa kanyang madrasta. Kahit nakangiti ito ay hindi pa rin nakaligtas sa kanyang matalas na paningin ang pag-irap nito sa kanya. "One more thing, my breakfast is already prepared at the venue. My PA took care of it. Doon na lang ako kakain."
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...