Chapter 8

427 12 0
                                    

"Dito ka muna pansamantalang titira, Ennaira."

Kasalukuyang nakatayo si Ennaira sa living room ng condo unit ni Lindon sa Makati. Pagkatapos ng reception dinner ay doon na sila agad dumiretso nito.

"Hindi ba tayo bibili ng bahay para sa atin?" naguguluhang tanong niya rito. Abala siya sa pagmamasid sa lugar.

"You know that we aren't one of the normal newlyweds so dont' expect too much, Ennaira." Naiinis na sagot nito sa kanya. "Dito tayo titira. Hindi narin naman natin kailangang bumili ng bagong bahay. I think 3 months is enough time for us to get an annulment."

Of course, that hurts! Deeply. Hindi pa nga sila mag-asawa twenty-four hours, annulment na agad ang nasa isip nito.

Napalingon siya rito. "Annul...ment?"

"Oo, annulment." Nakakunot-noong sagot nito sa kanya. "Alam mong hindi ko ito ginusto, Ennaira. Bakit takang-taka ka?"

Agouch! Strike two!

Wala siyang ibang nagawa kundi umiwas na lamang ng tingin rito. Ayaw niyang makita nito sa kanyang mga mata ang kanyang tunay na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Ni hindi man lang siya nito pinagpahinga sa sama ng loob ng araw na iyon. Ang manhid talaga! Hindi ba nito nararamdaman na nasasaktan siya sa mga pinagsasabi nito? Naku naman. Buti nalang mahal niya. Haaays!

"Isa lang ang kwarto dito kaya wala tayong magagawa kundi matulog sa iisang kwarto." Patuloy na saad nito. "Mauna ka nang pumasok doon at magbihis. Alam kong kanina ka pa kating-kati diyan sa suot mo. Ako naman ang susunod kapag tapos ka na."

Marahan siyang tumango rito at nagsimula nang maglakad papunta sa kanilang kwarto. Mind you, kanilang kwarto! Hi-hi.

Nakita naman agad niya ang kwarto nito. Pagpasok na pagpasok niya ay nagpakawala agad siya ng isang napakalalim na buntung-hininga. She wanted to free the pain in her heart through that sigh. So she sighed, sighed and sighed. So far, effective naman.

She started to undress herself. Kailangan na talaga niyang maligo at magbihis upang makapagpahinga. Pagod na pagod talaga siya. She need to gain back her strength para naman may lakas pa siyang tanggapin ang lahat ng pasakit na ibibigay ni Lindon sa kanya.

She knew that she would be having a hard time dealing with him because he was giving her the cold feet. Lantaran nitong pinapakita ang inis at galit nito sa kanya. Doon nga sa reception ay madalas pa nitong kasama ang best man nito na si Andrew. Hindi rin siya kinikibo sa tuwing magkasama sila kaya mag-isa niyang inaasikaso ang lahat ng bisita nila. Hindi man nito sinasabi pero parang ipinaparating nito sa kanya sa pamamagitan ng tingin na "Gusto mo 'yan, kaya mag-isa kang harapin lahat iyan!".

And that pained her. Bigtime. But it's okay. Kahit hindi siya tinulungan nito kanina ay masaya pa rin siya. Sapat na sa kanya ang pagsipot nito sa kanilang kasal. Malaking bagay na iyon para sa kanya.





Pabiling-biling si Ennaira sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya makatulog kahit pagod na pagod siya. Isa na siguro sa dahilan ng hindi niya pagkatulog ang hindi pa pagdating ni Lindon. Pagkatapos niyang maligo kanina ay lumabas siya ng silid upang tawagin si Lindon para ito naman ang makapagbihis. Ngunit wala ito sa bahay nang lumabas siya. Hinanap na niya ito sa kasuluk-sulukang bahagi ng unit na iyon ngunit wala talaga ito. Hindi rin niya ito matawagan kasi wala naman siyang cellphone number nito. It was already one'o'clock in the morning at nag-aalala na siya.

"Bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin?" naiinis na wika niya.

Naupo siya sa kama. Hindi talaga siya makatulog kahit anong pilkit ng mata ang gawin niya. Hihintayin na lamang niya si Lindon. Lagot ito sa kanya kapag dumating ito.

Ngunit hindi na pala niya kailangang maghintay ng matagal dahil narinig na niya ang pagbukas ng pinto. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin kay Lindon.

Nagulat itong madatnang siyang gising pa. "Ba't gising ka pa?"

"I waited for you. Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin na lalabas ka?"

He just gave her a sarcastic laugh. "Why should I? Hindi ko kailangang magpaalam sayo, Ennaira. Tandaan mong sa papel lang tayo mag-asawa."

Napayuko na lamang siya sa tinuran nito. Then he headed to the comfort room.

Ouch! Hold your tears, Ennaira! Hold your tears even if you're almost close to crying again. Pagpapalakas-loob niya sa sarili.

Hindi naman nagtagal si Lindon sa comfort room. Bihis na ito ng pantulog ng lumabas. He's wearing a white pajama and nothing at the top. Whoa! He's topless.

Ohlalala! Those biceps, triceps and his six pack abs. She wanted to drool. Pero nagpigil siya. Hindi pa iyon ang tamang panahon upang pantasyahan ito. Isa pa, iniinda parin niya ang sakit ng mga sinabi nito sa kanya kanina.

"Diyan ka matulog sa kama. Dito ako sa sofa." Wika nito.

"Hindi tayo magtatabi?" parang mang-mang na tanong niya rito.

Mas lalong lumalim ang kunot ng noo nito sa kanyang sinabi.

"Ah, ako nalang kaya diyan sa sofa at dito ka sa kama. Mukhang hindi ka kasya diyan." Natatarantang kabig niya sa tanong kanina.

Naglakad na ito papunta sa sofa. "No. Just sleep there and I will sleep here. I'll be fine. Don't bother to worry." Pinal na sabi nito at nahiga na.

Gusto pa sana niyang makipagtalo rito ngunit isinalampak na nito ang unan sa mukha nito. Nagpapahiwatig na hindi na siya nito gustong makausap o baka hindi na nito gustong marinig siyang nagsasalita.

She sighed. Wala na rin siyang ibang nagawa kundi pagmasdan ito. Pagkatapos masigurong tulog na ito ay humiga na rin siya at nakipagtitigan sa kisame. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya ang mga araw na darating pero kakayanin niya. She'll do her best. Natuturuan naman siguro ang pagmamahal, di ba? She believe in it at gagawin niya ang lahat upang mahalin din siya ni Lindon sa huli. Tuturuan niya itong mahalin siya. Kaya niya iyon. Siya pa!

Fighting!

With the determination she have, she drifted off to sleep with a smile on her face.

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon