Chapter 12

540 17 0
                                    

Mahigpit na yakap-yakap ni Lindon si Ennaira habang ito naman ay himbing na himbing na sa pagtulog. Maging ito ay ganoon din sa kanya na para bang natatakot itong umalis siya.

He was planting soft kisses at her forehead. Katatapos lang nila sa pangalawang session ng kanilang lovemaking. It felt really right when they did that. He really wanted another session of lovemaking with her but he knew, it would hurt Ennaira more. She was sore all over. He could also see that Ennaira was very tired too so he let her fell asleep.

He just can't get over her.

To be honest, he was really confused at the whole scene. Ennaira lied to her parents, to his parents, to everyone, especially to him. Pinaniwala sila nitong may nangyari nga sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Goodness! How could she do that? Talagang ngang pinikot siya nito.

He wanted to get mad at her. He badly wanted to. Pero habang nakatitig siya sa maamong mukha nito ay hindi niya magawa. Hindi niya kayang magalit kay Ennaira. And that frustrated him more because he doesn't know why, why he just can't.

Sa ginawa ni Ennaira ay dapat lang na magalit siya rito. Noon pa man ay nararamdaman na niyang may gusto talaga sa kanya si Ennaira pero ganoon na ba talaga ito kadesperada na mapunta siya rito kung kaya't pinikot siya nito?

Noong gabi kung saan nagsimula ang lahat ay hindi talaga niya matandaan na may nangyari sa kanilang dalawa. He was having doubts at that time until he saw that red thing on her bed. Doon nawala ang kompyansiya niyang wala ngang nangyari sa kanila noon. And so he decided to push it through.

He thought of doing the right thing by marrying Ennaira where in fact it's not needed. They could have at least charged it to experience. Pwede rin naman nilang isipin na isang one night stand lang iyon na dala lang ng kalasingan at nasa tamang edad narin naman sila para magawa at gawin ang ganoon.

For Christ sake! He's supposed to marry Bridgette for the few upcoming weeks. But the thing was, her father caught them. And so, he doesn't have any choice kung kaya't kailangan niyang pakasalan si Ennaira. Natakot rin naman kasi siya sa ama nito nang mga panahong iyon na talagang galit na galit. At ngayon lang niya narealize ang lahat-lahat.

Inaamin din niyang nakikipagkita si Bridgette sa kanya. Palagi itong pumupunta sa kanyang opisina upang makipagbalikan. Gusto nitong ipagpatuloy ang relasyon nila kahit alam nitong kasal na siya kay Ennaira. Hindi niya napigilang alalahanin ang sinabi nito sa kanya noong isang araw.

Napaangat siya ng tingin ng may pumasok sa kanyang opisina nang hindi man lang kumatok sa pinto. Dire-diretso itong naglakad at nakapamaywang na huminto sa harap niya. It was Bridgette. She looked really mad but controlled.

"Babe, how could you do this to me?!" singhal nito sa kanya. "Tayo dapat ang kinasal, hindi ba? Ano bang nangyari? Bakit ka pumayag?!"

He was speechless. Wala siyang maisagot sa tanong nito. Patuloy lang siyang nakatingin dito habang ito naman ay parang maiiyak na.

"Magsalita ka! Ipaliwanag mo sa akin lahat ito!" hysterical na wika nito.

Napatitig siya lalo rito. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya ito sa ganoong kalagayan. Nanlalalim ang mga mata. Mukhang puyat ito.

She wasn't poised anymore. At kahit kailanman ay hindi pa niya ito nakikitang nawawalan ng poise, ngayon pa lang.

Naawa siya sa hitsura nito kung kaya't tumayo siya at niyakap ito ng mahigpit. Medyo kumalma ito sa ginawa niya.

"I don't know. I really don't." Mahina niyang wika rito. "Nagising nalang ako isang umaga at ganito na. Nangyari na. Lahat-lahat. I'm so sorry Bridgette."

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon