Kinapa-kapa ni Ennaira ang katabi sa kama habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. She wanted to feel his embrace and wanted to sleep more. Gusto pa niyang matulog ng matagal. Pagod pa ang katawan niya. Ngunit napabalikwas siya ng bangon ng matantong wala nga si Lindon sa kanyang tabi. Napalinga-linga siya sa paligid.
"Huh? Asan na 'yon?" tanong niya sa sarili.
Mabilis siyang tumayo at hinablot ang kumot upang ibalot sa kanyang hubad na katawan. Kahit mayroon pa siyang nararamdamang kirot sa ibabang bahagi ng katawan ay naglakad pa rin siya. Hindi na niya iyon ininda.
She searched every corner of the house hoping that Lindon was still there. Ngunit wala ito. Wala sa banyo. Wala sa sala at lalong wala sa kusina.
She took a deep breath.
She returned to their room and leaned at the door. Malungkot niyang tiningnan ang kama at muli siyang napabuntong-hininga ng malalim. Doon ay nakikita niya ang totoong ebidensiya sa nangyari sa kanila ni Lindon kagabi. Her real virginity blood. Hindi na iyon isang ketchup lang na inilagay niya sa kama noong pinikot niya si Lindon. Totoo na talaga iyon.
She smiled sadly.
Alam niyang galit na naman sa kanya si Lindon ngayon. Maliwanag pa sa sikat ng araw na talagang pinikot niya ito. At alam niyang hindi ito bobo upang hindi nito iyon maintindihan. But she had a very valid reason on why she did that to him. Counted naman siguro ang dahilan na iyon upang kahit paano ay maibsan ang galit nito sa kanya, di ba?
Pwede rin bang maging counted ang dahilan na mahal lang talaga niya ito kaya niya nagawa iyon? Sana pwede. She wanted him all to herself. At ang mga narinig niyang masasamang plano ni Bridgette kay Lindon ang nagtulak sa kanyang angkinin ito. At kung sakaling magtanong na ito sa kanya, maniniwala kaya ito sa lahat ng sasabihin niya?
She doubted it.
Lalo na ngayon na basta na lang siya nitong iniwan doon. He didn't even bother to leave her a single note. Sana nga ay hindi siya nito iniwan ng basta-basta lang.
She smiled again bitterly.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama at naupo doon habang kipkip ang kumot sa kanyang dibdib. Nakakapagod pala talagang mag-isip ng mga negatibong bagay.
Pero wala kang karapatan na magdamdam kung iiwan ka ngayon ni Lindon at palayasin sa bahay niya, Ennaira! wika ng kontrabidang bahagi ng isip niya. Walang kapatawaran ang ginawa mo!
Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Oo nga naman. Sa simula pa lang, wala na talaga siyang karapatan. At mukhang hindi na nga siya mapapatawad pa ni Lindon.
Akala ko ba tama ang sinabi mo noon na, "In love, sometimes, it's okay to be selfish." Sermon ulit ng kanyang kontrabidang pag-iisip. Ayan! Akala mo ba na magiging tama ang pagiging selfish mo noon? Mali ka, Ennaira. Maling-mali!
Ano ka ba naman, Mind? Give Ennaira a break! Nasasaktan na yung tao, ohh!
Ay sus! Ikaw ang may kasalanan niyan Heart, eh! Sermon ulit niyon pero mukhang naawa na ito sa kanya kaya pinayuhan siya. Ennaira, when you do something foolish out of selfishness, make it sure that you are strong enough to face all the consequences because of that selfishness. Always remember that!
Napaiyak na siya dahil sa awa sa sarili. 'Langya! Nag-i-interpersonal communication na siya.
Pero tama naman talaga ang lahat ng sinabi nito. Naku naman, oo! Ang akala niya ay mahaharap talaga niya ang lahat ng konsekwensiya sa kanyang ginawa, pero hindi pala. Akala lang pala niya iyon.
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...