Chapter 9

439 16 0
                                    

Maagang nagising si Lindon kinabukasan. Naupo siya sa sofa at pinagmasdan si Ennaira sa kanyang kama na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasal na siya ng mga sandaling iyon. Kahapon ay naisip niya ang hindi pagsipot sa kasal nila ngunit nanaig pa rin ang tawag ng kanyang konsensiya. Isa pa, he doesn't have the courage to leave Ennaira after all the things that were going on between them. And he doesn't know why. Maybe because he was just bothered with his attitude towards Ennaira these past few days. Kahit malamig ang pakikitungo niya rito ay hindi ito nagagalit sa kanya. Even if sometimes, he was beyond his limit. Even if, he was also being rude to her. Hindi naman siya ganun pero iyon ang ipinapakita at pinaparamdam niya kay Ennaira. At ni minsan ay hindi ito nagreklamo sa lahat ng ginagawa niya rito.

First, when he didn't help her preparing their wedding. Second, when he didn't show up during their dinner with his parents. Ang dahilan niya noon ay may importante siyang tatapusin at hindi pwedeng pabayaan kahit wala naman talaga. Third, when he arrived late at their wedding.

Inaamin niyang naguguluhan siya ng mga panahong iyon. His mind would always tell him, it's a right decision not to show up to their wedding but his heart said otherwise.

Hindi niya iyon gusto, eh. Sa pagkakaalam niya, si Bridgette ang babaeng gusto niyang pakasalan. But a single night with Ennaira changed everything. Parang may malakas na bagay na humihila sa kanyang dapat niyang puntahan si Ennaira sa simbahan. For him, it was his heart that commanded him. And so, he followed his heart. And it felt nice when he did it.

Mabuti nalang at nakaabot pa siya. Mukha ngang paalis na si Ennaira ng makita niya ito, eh. And he admitted that Ennaira really looked so beautiful in that wedding dress. That made him so proud of himself to having the chance of marrying Ennaira.

Sa lahat ng kanyang ginawa ay wala man lang siyang narinig ni kahit isang masamang salita mula rito. Hindi ito kailanman nagreklamo sa pambabalewala niya. Ni minsan ay hindi siya nito sinumbatan. And that puzzeled him. May karapatan itong magalit sa kanya. At nagtataka siyang hindi nito iyon ginagawa.

Lindon slowly got up to ready himself. He needed to get away from Ennaira. He admitted to having that kind of strange feelings everytime Ennaira was near him. At naguguluhan siya parati kung kaya't pinipili na lamang niyang layuan si Ennaira.

He silently walked towards the comfort room to take a bath. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Aalis na sana siya nang unti-unting magising si Ennaira. Mabilis itong napabalikwas ng bangon ng malingunan siya.

"Saan ka pupunta Lindon?" tanong nito habang humihikab.

Damn! She was so good to look at. Kahit na bagong gising pa lamang at magulo ang buhok ay maganda parin ito.

"Office. I need to go there. May tatapusin pa ako doon." Matabang na sagot niya rito. Hindi niya matanggap ang lahat ng reaksiyon niya sa tuwing napagmamasdan ito.

"Office? But, why? Ngayon tayo aalis papuntang Paris para sa honeymoon natin, di ba?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Iyon ang wedding gift ng kanyang parents sa kanila ni Ennaira, honeymoon in Paris.

"I cancelled it. Hindi ko pwedeng iwan basta ang trabaho ko. At alam mo iyan Ennaira. Isa pa, hindi natin kailangang maghoneymoon. We both know that."

She looked away. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. He sighed.

"Aalis na ako. Huwag mo na akong hintayin mamaya. Siguradong gagabihin na naman ako."

Tumingin ulit ito sa kanya. "Wait! Hindi ka man lang ba kakain muna? Ipagluluto kita."

"Really? Marunong kang magluto? Baka naman bumula ang bibig ko kapag nakakain ako ng luto mo?" nang-iinsultong tanong niya rito. He just can't believe she could cook. Wala sa hitsura nito.

Another pain crossed her eyes. Tumiim ang bagang nito at yumuko. "Hindi. Marunong talaga ako." Mahinang sagot nito sa kanya.

Nakonsensiya naman agad siya sa mga sinabi niya rito.

"Don't bother, Ennaira. Sa labas na lang ako kakain." Then he left the room.







Ennaira was a bit offended by what he just said to her a while ago. Hindi lang siya na-offend, nasaktan din siya. Grabe naman kasi ito. Hindi pa nga nito natitikman ang luto niya, nanghusga agad.

Nasaktan din siyang malaman na kinansela nito ang kanilang honeymoon sa Paris. Plano niyang turuang mahalin din siya ni Lindon kapag nasa Paris na sila. She would do everything for him. Pero wala na siyang magagawa. Nagdesisyon itong hindi man lang siya tinatanong.

Alam niyang lahat ng ginagawa sa kanya ni Lindon ay upang pasakitan siya. And he was succeeding. Sa tuwing magsasalita ito ay hindi niya maiwasang hindi masaktan sa mga lumalabas sa bibig nito.

Ni hindi man lang nag-goodbye kiss sa kanya. Kahit sa cheeks lang. Hindi naman siya iiwas, eh. Masama nga ang loob niya noong sinabi ng pari na "You may now kiss the bride", eh, sa pisngi lang siya hinalikan. At ang bilis pa. Hmmp. May araw din sa kanya ang Lindon na iyon. At kapag nagkataon, gagahasain niya ito para hindi na ito makapag-isip ng annulment. Hi-hi.

Ang tanong...

Kaya pa ba niya? Oo. Kaya pa. Alam niya sa sariling simula pa lang iyon. Nangako siya sa sariling tatanggapin ang lahat ng consequences na darating sa kanya. Lahat-lahat. She would accept it all, open arms.

Bukas ay maaga siyang gigising upang pagsilbihan si Lindon. Hindi niya kasi ito mapigilan sa pagpasok sa opisina kahit alam niyang hindi naman talaga nito kailangang pumasok.

She would cook him her best recipe. Tingnan lang natin kung hindi nito bawiin ang mga sinabi nito sa kanya. Cooking was one of her best hidden talent. Hidden because she didn't let anyone know how good she was in cooking since her mother died.

She can cook well because she had the best teacher in the world before and it was her mother. Her mother taught her well about everything in household chores. Isa sa ipinamana nito sa kanya ng kanyang ina ay ang galing nito sa pagluluto. Tumigil lang siya sa pagluluto noong namatay ang kanyang ina because every time she cooks, hindi niya maiwasang hindi ito maalala. And it always pained her to realize that all of the happy moments she had with her mother were already over. Kasabay ng pagkawala nito ay nawala na rin ang gana niya sa pagluluto. Kaya tinigilan na niya ang pagluluto. She never cooked again since then. Kahit ang kanyang ama ay hindi alam iyon.

But starting tomorrow, she would cook for Lindon. For him, only. Sabi raw nila, "the best way to a man's heart is through his stomach."

Bubusugin niya ito sa kanyang pagmamahal. Ha-ha. Mabuti nalang at may ganoon siyang talent. Ibubuhos niya ang lahat ng kanyang alam at galing sa pagluluto. Siguradong magugustuhan nito ang lahat ng kanyang lulutuin. At kapag nagustuhan nito iyon, dagdag ganda points na naman iyon sa kanya. Hi-hi. She smiled to herself.

Kaya mo yan Ennaira! Tiwala lang!

Ang hirap palang paibigin ang taong mahal mo na hindi ka mahal, noh? Mabuti nalang at matibay ang kayang dibdib. She could handle all the heartaches as long as he's safe.

Hinding-hindi siya susuko. She knew that in God's time and will, everything would turn up well.

She looked up and closed her eyes.

Mom, please be with me...

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon