Ennaira was in Cafe Zaragota again. Tumambay muna siya doon dahil wala na rin naman siyang ginagawa sa bahay nila. Nababagot siya lalo. Natapos kasi ng maaga ang lahat ng appointment niya para sa araw na iyon kaya papetiks-petiks siya ngayon. Isa pa, nandoon din sa bahay ang pinakamamahal niyang step-sister. Her step-sister was worst than her mother.
She and her step-sister Bridgette were really not in good terms since the beginning. Kahit sa iisang bahay lang sila nakatira ay parati silang nag-iiwasang dalawa. Buti nalang hindi napapansin iyon ng kanyang ama. Kapag kumakain sila ng sabay-sabay ay nag-uusap naman sila, 'yun nga lang plastikan parin. Kapag naman wala ang kanilang ama, naku, irap ng irap. Pinapabayaan na lamang niya. Hindi naman siya ganun kababaw para patulan ang mga ito. Isa pa, iinisip rin niya ang ama niya, noh? Ayaw niya itong bigyan ng problema.
But that was before.
Mukhang hindi rin nakatiis si Bridgette kung kaya't umalis rin ito sa kanilang tahanan at kumuha na lamang ng sarili nitong condo unit sa Taguig.
Si Bridgette ay anak ni Tita Harriette sa nasira nitong asawa. Noong magpakasal ang kanyang ama at si Tita Hariette ay isinama rin si Bridgette sa pagbukod nito. Bridgette was also 3 years younger than her. There are times that she can't seem to understand her behaviour. Siguro, marami lang insecurities sa buhay o baka talagang insecure lang sa kanya.
Okay lang naman iyon sa kanya, as long as wala itong gagawin against her. Siya parin ang may final say sa bahay na iyon. She was the real princess. The real heiress. Walang karapatan ang mga ito na maghari-harian sa mansiyon nila. Takot lang nila sa kanya, noh?
Sa naririnig rin niya mula kay Tita Harriette ay malapit nang magpakasal si Bridgette sa nobyo nito. Mabuti iyon para sa kanya. Atleast, mawawala ang isang tinik sa kanyang buhay. Kapag nagpakasal ito, eh di, one soldier down. Bababels! One more soldier to go.
Natawa siya sa kanyang naiisip. Wish ko lang!
Hindi, joke lang. Pwede nang maiwan si Tita Harriette sa bahay nila.
Busy-busyhan na naman siya sa pagsipsip sa kanyang paboritong Mocha Frappuccino nang mapansin niyang napapalingon ang mga tao sa entrance ng coffee shop na iyon. Hindi kasi niya direktang nakikita ang entrance door dahil nakatalikod siya mula doon. Sino kaya ang tinitingnan ng mga ito? Aba! Dapat siya lang ang tingnan nila, noh? Siya lang ang sikat dito. Hihi.
Nagbuhat ka na naman ng sarili mong bangko! Saway ng kontabidang bahagi ng pag-iisip niya.
Eh, paki mo ba? Buti nga sa isip lang ako nagbubuhat ng bangko.
Lumingon narin siya sa mga pinagtitinginan ng mga tao, specifically ng mga babae. Bakit kaya impit na napapatili ang mga ito? Nagmumukha pa tuloy silang mga pusa na hindi maihi.
Paglingon niya, Ohhlala!!!
She felt like her jaw dropped to the person she was looking at. That person she was looking at was none other than the man at the elevetor. Of all places ay dito pa talaga niya ito makikitang muli.
Syet na pelet! Ang kisig talaga niya.
He was wearing casual clothes with his hands on his trousers. Mas nagmukha itong modelo sa suot at porma nitong iyon. Cool! Hindi parin nawawala ang aura nitong "Touch me not" kung kaya lahat ng mga nagpapantasyang mga babae sa lugar na iyon ay hanggang tingin na lamang rito.
Bigla itong napatingin sa direksiyon niya. Their eyes met. Nabasa rin niya ang rekognisyon sa mga mata nito. She was about to smile at him pero may biglang umabriseteng babae sa kaliwang braso nito. And the gorgeous and ohh-so-drooling sexy man turned to the girl with a smile.
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...