Chapter 2

582 16 0
                                    

"Kay, I'm on my way upstairs." Kausap ni Ennaira ang kanyang PA sa cellphone habang nagmamadaling naglakad papunta sa elevator. Nakita niya ang isang lalaking pumasok na sa loob. She ran because the elevator was about to close.

"Wait! Hold it!" sigaw niya para mapigilan pa ng lalaki sa loob ang pagsarado ng pinto. She sighed in relief. Hindi siya naiwan. Ayaw na kasi niyang maghintay pa ng panibago.

She turned to the man and was about to thank him pero bigla siyang napatulala dito. The man was so tall. Sa taas niyang 5 feet and 8 inches ang height ay nakatingala pa rin siya habang nakatingin dito.

Syet! Ang pogi, ah!

The man wore a dark gray business suit. What a good-looking guy! Gusto na nga yata niyang maglaway sa harap nito.

Pinag-aralan niyang mabuti ang mukha nito. Nagtataglay ito ng matangos na ilong, makipot na mga labi, at may mga matang parang alam na nito ang lahat ng tungkol sa kanya sa isang tingin lang. He has a deep-set of eyes with thick eye lashes. Makapal ang mga makorte nitong mga kilay. He has a  strong Spanish features. Ang ganda rin ng hugis ng panga nito. And wait! Cleft chin?  Syet! Weakness niya ang lalaki na may cleft chin!

Ang labi naman nito ay parang nang-iimbita sa kanyang halikan ito. Pero napigil lang siya ng matitigan niyang mabuti ang mga mata nito. Sa unang tingin ay aakalain mong kulay itim ang mata nito pero kapag natitigan na, it became brown. Graveh! His eyes exuded power and authority. Parang nagsasabing, "Touch me or you're dead!".

Natigil lamang siya sa kanyang ginagawang pagmamasid sa lalaki ng magsalita ito.

"Which floor are you going?"

Syet men! Ang swabe ng boses. Bagay sa mukha at katawan.

Sa likod ng suot nitong business suit, alam niyang biyaya sa mga babae ang nakapaloob doon. Natauhan lamang siya ng rumehistro na sa mukha nito ang pagka-irita. Ay, sunget!

"15th floor, please. Thank you." Sagot niya and sincerely smiled at him. He just nodded and press the button that indicated 15th floor.

He's gentleman kahit suplado ang dating. Hindi parin niya maiwasang lingunin ang katabing lalaki. Ano kaya ang pangalan nito? May girlfiend na ba 'to? Asawa? Anak? Sana wala. Pwede kayang mag-apply?

Na anak? Hindi! Asawa. Epal 'to. Hmmp.

Napapangiti siya sa kanyang naiisip. Pasimple rin niyang tiningnan ang kamay nito at gustong-gusto na niyang magtatalon sa tuwa ng makitang wala pa itong wedding ring sa palasingsingan nito. Muli niyang binalingan ito at parang na-freeze ang kanyang ngiti ng makitang nakakunot ang noong nakamasid din ito sa kanya.

Diyos ko, Lord!

Huling-huli siya sa ginagawang krimen.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator at dire-diretsong lumabas ang makisig na lalaki. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya. Ni hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. Ang number...

At bakit siya magpapaalam sayo, aber? Close ba kayo? tanong ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

Oo nga naman. But there's no harm on wishing. Pero sayang din 'yun, ah! Sana magkita pa silang muli. She crossed her fingers. Hinding-hindi na talaga niya ito pakakawalan.

Mabilis narin siyang lumabas ng elevator nung nasa 15th floor na siya. Nag-aabang na ang kanyang PA at agad na kinuha ang kanyang dalang jansport na backpack.

"Ready na ba ang lahat, Kay?" tanong niya sa kanyang PA.

"Oo naman. Ikaw nalang ang kulang. Ahm, gusto mong kumain muna? I'll get it ready for you, Ennaira."

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon