Making love, strolling, fancy dining, movie watching, cooking, cleaning, bathing, kissing, hugging, staring and doing nothing, lahat ng iyon ay ginawa nila ni Lindon sa loob ng tatlong araw.
It was the 'best of the best' days in Ennaira's entire life. Hindi pumasok si Lindon sa trabaho nito sa loob ng tatlong araw. Hindi niya alam kung bakit ginawa nito iyon. Basta sinabi na lang nito sa kanya na hindi raw ito papasok ng tatlong araw. Of course, that made her happy.
She would really treasure those moments. Lahat ng iyon ay ibabaon niya sa kanyang puso at alaala. He just made her so happy. He just made her feel so lucky to have him as her husband. Wala na siyang mahihiling pa.
Kahit nga hindi pa sila nagpapalitan ng "I love you's" ni Lindon, okay lang sa kanya. Nakikita naman niyang importante siya dito. Even without those three magic words, it was enough for her for now. Isa pa, action speaks louder than words naman di ba? Hindi naman sa nag-a-assume siya, but she's hoping that what he showed to her were all real. There's no harm on hoping anyway. For now, she would rely in his actions.
And one more thing, nagpalitan na rin sila ng cellphone numbers ni Lindon. Hi-hi. Atlast.
Nang humiling nga sa kanya si Lindon na itigil na niya ang pagmomodelo ay pumayag agad siya. She doesn't have the heart to say no to him. Hindi pa niya iyon nasasabi kay Kay.
Saka na siguro kapag natapos na niya ang lahat ng nakapending na trabaho niya. Hindi pa naman natatapos ang kinuha niyang bakasyon mula ng ikasal sila ni Lindon para sana sa honeymoon nila. Pero ilang araw na lang ang natitira upang bumalik siya sa trabaho.
Marami narin naman siyang naipon na pera mula sa pagmomodelo. It's okay with her to give up her passion. She would do everything to please him. And with Lindon's wealth, alam niyang hindi siya kailanman magugutom dito.
Si Lindon naman ay bumalik na sa trabaho. Siguradong magiging busy iyon dahil sa mga nakabinbing trabaho dahil sa ginawa nitong hindi pagpasok sa loob ng tatlong araw.
Kasalukuyan siyang nag-aayos sa sarili dahil gusto niyang bisitahin ang kanyang ama. She wanted to surprise her father. Nami-miss na niya ito ng sobra. Gusto niya itong makasalo sa pagkain kaya doon na siya magla-lunch sa bahay nila.
She was ready and was about to leave the room when she heard the doorbell rang.
"Sino kaya 'yon?" nagtatakang tanong niya sa sarili.
Hindi maaaring si Lindon iyon dahil mayroon itong sariling susi. Hindi rin maaaring ang mga magulang iyon ni Lindon dahil ang alam ng mga ito'y hindi pa sila nakakabalik ni Lindon dito sa Pilipinas. At mas lalong hindi iyon ang kanyang ama dahil hindi niya sinabi rito o kahit sa mga magulang ni Lindon ang hindi nila pagtuloy sa Paris.
"Ahh. Baka si Kay o kaya si Andrew." Hula niya. Mas binilisan niya ang paglakad upang mapagbuksan agad ang nasa labas ng pinto.
Nakahanda na ang isang napakagandang ngiti mula kay Ennaira nang buksan niya ang pinto pero dagling nawala iyon ng makita kung sino ang kanyang hindi inaasahang bisita. Hindi ito isang bisita kundi isang bwisita.
Hmmp!
It was Bridgette, standing so proudly in front of her while crossing her arms. Bridgette gave her a smirk. Pinagtaasan pa siya ng kilay ng bruha.
"Well, well, well! Ikaw pa talaga ang nagbukas ng pinto, Ennaira?" mataray na tanong nito sa kanya. "Wala ka bang katulong? Ginagawa ka lang palang muchacha ni Lindon dito. Argh. Pathetic, bitch!"
She gave her a sharp look. "What are you doing here, Bridgette?" mariin niyang tanong rito.
"Well, nagpunta lang naman ako dito dahil gusto ko lang namang bigyan ka nito!" She said then Bridgette slapped her hard.
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...