Chapter 11

560 17 0
                                    

Mabilis ang pagpapatakbo sa sasakyan na minamaneho ni Ennaira habang pauwi sa bahay nila ni Lindon. Ginabi siya dahil nakatulog siya sa condo unit ni Kay. Ayaw pa nga siya nitong pauwiin at ipagpabukas nalang daw ang pag-uwi. But she insisted. Baka magtalo na naman sila ni Lindon kapag hindi siya umuwi sa bahay nila ngayon.

Nakatulog siya dahil sa sobrang pagod. Inaliw kasi siya ni Kay upang makalimutan muna niya pansamantala ang sakit na nararamdaman. Pumunta sila kahit saan at ginawa ang kahit na anong maisipan nilang gawin. Dinaig pa nila ang ginagawa nila sa tuwing nagbobonding silang dalawa sa ginawa nila kanina. And she was very grateful to Kay for being there for her. Kay really did great on consoling her. Kahit paano ay nakalimutan niya pansamantala ang mga nangyari sa kanila ni Lindon ng umagang iyon.

It was already eleven-thirty in the evening, thirty minutes nalang at mag-aalas-dose na. Baka nag-aalala na si Lindon sa kanya.

Sana nga. Sana nga na nag-aalala siya sa akin...

Hindi rin kasi siya makatext o makatawag dito kasi wala naman siyang cellphone number nito. Hindi na rin siya nagtangkang humingi at baka mapahiya lang siya kung hindi siya nito bibigyan. At wala rin naman siyang natatanggap na text o tawag mula rito. Maaari ngang wala rin itong pakialam kahit hindi man siya umuwi.

Nang makarating ay mabilis siyang umibis sa sasakyan at iniabot ang car key sa valet na naghihintay sa kanya. Habang naghihintay sa elevetor ay nag-iisip na siya ng maari niyang idahilan kay Lindon kung bakit late na siyang nakauwi. Hindi naman niya pwedeng sabihin rito na pinalipas lang niya ang sakit na nararamdaman dahil sa mga sinabi nito kanina kung kaya't late na siyang nakauwi.

Ayaw niyang makonsensiya ito. Kasalanan naman kasi niya talaga. Sana nagpaalam na lang siya rito sa mga gusto niyang gawin para naman hindi ito nabigla. Ayan tuloy, nagalit sa kanya.

Nang bumukas ang elevetor ay mabilis siyang pumasok at pinindot ang 25th floor button. She was biting her thumb while looking at the floor indicator. She's like that when she's tensed.

Sakop ng condo nito ang buong floor na iyon. In fact, it wasn't just a condo type. It was a penthouse really. Exclusively his. Of course, he was the owner of that building. The room was really spacious with complete facilities and amenities. Kaya nga nagtataka siya kung bakit isa lang ang kwarto doon. Maybe he still wasn't ready to share it with someone else. Specifically not with her.

Pero mag-asawa na sila nito. At gusto niyang tumira sa isang totoong bahay. A house on where she can perfectly raise their children. A house she can call her home, their home. At sana ay dumating sila ni Lindon sa puntong iyon.

Nang makarinig siya ng tunog sa loob ng elevetor hudyat na nakarating na siya sa 25th floor ay mabilis siyang lumabas at nagtungo sa pinto.

She get the key from her bag. Hindi muna siya pumasok dahil kailangan pa niyang kalmahin ang sarili. So she stayed there for a couple of minutes.

Sana tulog na siya. Piping hiling niya.

And when she gathered all her courage, unti-unti niyang pinihit pabukas ang pinto. She tried not to create even a single sound. Hindi naman gaanong madilim dahil iniwan nitong naka-On ang lampshade sa gilid ng sofa.

"Yes! Tulog na siya." Mahina niyang wika sa sarili. Tuwang-tuwa siya dahil hindi siya masasabon ng sermon ni Lindon ngayon.

Lakad-pusa siyang naglakad papunta sa kusina dahil kailangan pa niyang ligpitin ang mga pagkain na hindi naman nakain at ang mga kubyertos na hindi niya iniligpit kanina.

Madilim sa kusina kaya kailangan niyang buksan ang ilaw doon. She will try not to make a sound while cleaning.

Nang buksan niya ang ilaw ay parang nahiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan sa sobrang gulat.

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon