Narinig ni Ennaira ang pagbukas ng pinto sa sala. Nasa kusina siya ng mga sandaling iyon dahil kasalukuyan siyang naglilinis doon. Tapos na niyang linisan ang kwarto nila ni Lindon maging ang sala ay tapos na rin. Siya ang gumagawa ng gawaing bahay dahil wala namang katulong si Lindon. Hindi ito kumuha. Mabuti rin iyon para sa kanya dahil obligasyon naman talaga niya bilang isang asawa ang paglilinis ng bahay.
Naglakad siya papunta sa sala upang alamin kung si Lindon ba talaga ang dumating. Hmm. Si Lindon nga. Papunta na sana ito sa kwarto nila pero napahinto ito ng makita siyang lumabas mula sa kusina. He immediately walked towards her and hugged her tight. Na para bang miss na miss siya nito at noon lang sila muling nagkita.
Hindi siya nakahuma sa ginawa nito. Pilit niyang inaalis ang mga braso nito na mahigpit ang pagkakapulupot sa katawan niya. Pero hindi kinaya ng powers niya ang lakas nito.
"Ahm... H-huwag mo muna akong y-yakapin, Lindon." Nauutal na namang wika niya rito.
He hugged her even more. "Bakit naman?" malambing na taong nito sa kanya.
Naasiwa na siya. "Ahhhh...m-mabaho pa kasi ako eh! Hindi pa ako naliligo!"
He just laughed and kissed her neck. Parang umakyat lahat ang kanyang dugo sa mukha dahil sa ginawa nito. She was blushing!
"Lindon!" saway niya rito. Naipadyak pa niya ang kanang paa. "Ano ka ba?! Pawis na pawis pa ako!"
Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya ngunit hindi naman lumayo at nanatiling nakahawak ang mga kamay sa beywang niya. Nakangiti itong tinitigan siya na ikinataka niya lalo. Nagtataka siya dahil sa kinikilos nito. Diba dapat, magalit ito sa kanya? Pero bakit parang masayang-masaya pa ito?
"Hindi naman, ahh? Hmm. Siguro, sa lahat ng mabaho, ikaw ang pinakamabango." He teased.
And to her horror, he gave her a deep kiss on the lips. That made her to blushed even more.
He pinched her nose and smiled brightly at her. "Why are you blushing, Ennaira?" He asked then gently wiped her sweat with his hands.
Nanlalaki ang mga matang nakatitig lang siya dito. She was really speechless. Naguguluhan siya sa ikinikilos nito. Why was he sweet to her? And why does he look so happy? Napakaaliwalas ng mukha nito.
"Cat got your tongue, sweetheart?" muling tanong nito sa kanya.
Doon siya natauhan. "Ahh... na----."
"It doesn't matter." Putol nito sa sasabihin sana niya. "Anyways, fix yourself. May pupuntahan tayo."
Natahamik siya sandali sa sinabi nito. Hindi na talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi at ikinikilos nito.
"Talaga? Ngayon na ba?"
Nakangiti itong tumango sa kanya.
"Pero hindi ko pa tapos linisin ang kusina, Lindon." Wika niya rito. "At wala ka bang pasok ngayon?"
"Meron, pero ako naman ang may-ari kaya pwede akong um-absent." Paliwanag nito. "At pabayaan mo muna 'yan. Mamaya mo nalang 'yan tapusin and I'll help you so dalawa tayong tatapos sa paglilinis diyan."
"Huh?! Pero----."
Hindi na naman niya naituloy ang gustong sabihin dahil hinalikan na naman siya nito. This time, it was long and passionate. And she kissed him back more passionately. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay habol nila ang hininga. Pinagdikit nito ang kanilang noo.
"Maligo ka na agad, Ennaira. Kung hindi, siguradong hindi na tayo makakapunta sa gusto kong puntahan natin." Paanas na wika nito. He smiled meaningfully at her and gave her another deep kiss on the lips.
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...