Kasalakuyang minamaneho ni Ennaira ang kanyang kotse papunta sa opisina ni Lindon. Tatlong araw nang hindi sila nagkikita nito pero kahit ganun ay hindi naman ito pumapalyang magtext sa kanya. Tumatawag rin ito kaso hindi naman niya sinasagot kung kaya't nag-stick na lang ito sa pagtetext. Kung kailan wala na sila ay saka pa ito tumawag at nagtext sa kanya.
Noong okay pa sila, hindi kailanman ito nag-effort na itext o tawagan siya. Kunsabagay, kamakailan lang sila nagpalitan ng cellphone numbers nito.
Hindi rin siya nito ulit pinuntahan sa bahay nila upang bigyan marahil siya ng hinihingi niyang sapat na time at space mula rito.
Pero hindi iyon sapat para sa kanya. Kailangan niyang lumayo upang makalimot. She badly needed to get away to heal herself.
Napagdesisyunan niyang magbakasyon muna. Pupunta muna siya sa malayo upang makapag-isip at para na rin makamove on. Unti-unti na niyang natatanggap na hindi talaga ito mapapasakanya.
She sighed. Haays. Ang hirap talaga ng one-sided love. Naisaloob niya.
She was still hurting inside and will be hurting more because of her decision. Even if it hurts, she had to do it for him, especially for herself. She also wanted to correct all the wrongs she had done to him.
Pero bago siya tumulak sa lugar na gusto niyang puntahan, may ibibigay muna siyang isang napakahalagang bagay kay Lindon. Aside from that, she also wanted to see him for the last time. She missed him so much.
Sooo much!
Kung may iba lang sanang paraan upang mahalin din siya nito, siguro gagawin niya. Pero ginawa na niya ang lahat upang mahalin man lang siya nito kahit kunti pero wala eh. Wala pa rin. Kahit kunting pagmamahal man lang sana.
Si Bridgette pa rin pala ang mahal at mamahalin nito sa huli. Hindi naman niya ito masisi. Ang saklap talaga!
Honestly, she wanted to fight her feelings for Lindon. But how can she fight where in fact, she knew from the very start that it was a loosing battle. Even if it was a loosing battle, she would have fight for if Lindon just gave her a hint on how to. Just a single hint from him, that's all she'd ever ask from him. But there's none, so she need to give up.
It hurts to realize that no matter how hard we try, we have to accept the fact that some good things never last.
Nang makarating siya ay mabilis niyang p-in-ark ang kanyang kotse. Hindi na pala niya kailangang pumusok sa loob ng napakalaking gusaling iyon dahil agad niyang nakita si Lindon na palabas.
Mabilis siyang lumabas sa kanyang kotse bitbit ang isang napakahalagang dokumento. She immediately ran towards him. Mukhang nagmamadali kasi ito.
"Lindon!" she called. Napalingon ito sa kanya.
"Sweetheart!"
Mabilis itong lumapit sa kanya. Bakas sa mukha nito ang tuwa na makita siya doon. "Papunta na sana ako sa bahay niyo, Ennaira. Susunduin na kita. Please, umuwi na tayo?" nagsusumamong wika nito sa kanya.
"No. I came here to give you this." Aniya. Then she handed to him the envelope.
"What's this?" he asked and opened it. Tumiim ang bagang nito ng makita at mabasa ang laman sa envelope na iyon.
"Annulment papers?" he exclaimed. "My god, Ennaira! Kumuha ka agad nito kahit hindi pa tayo nag-uusap man lang?" mataas ang boses na tanong nito sa kanya. Dumidiin na rin ang pagkakahawak nito sa papel.
"That was what you wanted since the beginning, Lindon! Kaya ayan, ibibigay ko na sayo! Hindi na natin kailangang maghintay ng tatlong buwan!" ganting singhal niya rito. Wala siyang pakialam kung high-pitched ang pagkakasabi niya. At wala rin siyang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga empleyado nito at ng mga motoristang dumadaan. PDA ang peg nila ngayon.
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...