Nagising sa isang napakalakas na sigaw si Ennaira. Hindi nga siya nagkamali, ang kanyang ama iyon.
"Gumising kayong dalawa!" muling sigaw ng kanyang ama. Nakatayo ang kanyang ama sa paanan ng kanyang kama.
Bumalikwas agad ng bangon si Ennaira mula sa pagkakahiga sa kama, kipkip ang kumot na nakatabon sa kanyang kahubdan. Habang si Lindon naman ay pupungas -pungas pang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. His eyes grew wide. Hindi makapaniwala sa nakikita ng mga sandaling iyon. Si Ennaira naman ay nakayuko lamang. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ng ama. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang dalawa ni Lindon.
Nakarinig siya ng isang nagmamadaling hakbang. Si Tita Hariette iyon. Nagulat din sa nadatnang sitwasyon. Nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala habang nakatingin sa kanila at nakatakip ang kamay sa bibig. Maging ito ay walang nasabi.
"Ang kapal ng mukha mong magulat sa nangyari sa inyo ng anak ko, lalaki!" mahina ngunit mariing pagkakasabi nito at halatang pinipigilan ang galit na nararamdaman.
"But, Sir----"
"Manahik ka!" singhal nito kay Lindon. Walang nagawa si Lindon kundi manahimik. Halata rin kasing natatakot ito sa kanyang ama.
"Dad, we can explain----." nahihintakutang hindi niya naituloy ang kanyang gustong sabihin dahil sa tingin na ibinigay ng kanyang ama sa kanya. Nakikita niyang galit na galit na talaga ito. Natatakot siya! Noon lamang niya ito nakitang nagalit ng ganoon mula nang siya ay nagkamuwang sa mundo.
My God! What have I done? tanong niya sa kanyang sarili.
"Magbihis kayong dalawa. Ayusin ninyo ang sarili ninyo at sumunod kayo sa study room!" Mariing sabi nito at umalis. Sumunod naman agad ang kanyang madrasta na galit na galit ring tinapunan siya ng isang masamang tingin bago umalis.
"Ennaira, what happened?!" naguguluhang tanong ni Lindon sa kanya.
"I don't know." Mahinang sagot niya rito.
"You don't know? My god, Ennaira! Wala rin akong alam. And I can't even remember na may nangyari sa atin kagabi."
"We're both drunk last night. Wag mong iako sa akin ang lahat ng kasalanan, Lindon!" naghihinakit na wika niya rito.
Tumayo ito at itinapi ang kumot sa baywang nito. Nagguguluhan pa rin ito sa nangyayari.
"Anong gaga---" hindi nito naituloy ang gustong sabihin.
Napatingin siya rito. Titig na titig ito sa kanyang kama. Particularly, sa gitnang bahagi ng kanyang kama. Napatingin din siya doon. Nandoon ang ebidensiya sa krimen na kanilang ginawa. The virginity blood. He cursed. Walang nagawa ito kundi sabunutan ang sarili. Napayuko na lamang siya.
Isa-isa na nitong pinulot ang mga damit nito. "Magbihis ka na rin, Ennaira. Kakausapin pa tayo ng ama mo."
Marahan siyang tumango. Mabilis niyang pinulot ang kanyang mga damit at pumunta sa loob ng comfort room. Doon na siya magbibihis upang makapagbihis rin ng maayos si Lindon.
Grabe! Wala na talagang atrasan iyon. Kailangan niyang panindigan ang kanyang ginawa. Isa pa, para rin naman iyon dito, eh. Sana maintindihan siya nito sa huli.
Nakaupo si Ennaira ng mga sandiling iyon sa isa sa mga mahabang sofa sa kanilang living room habang magkadaop ang kanyang mga kamay. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Matapos nilang magbihis ay pumunta agad sila sa study room ng kanyang ama ngunit pinalabas siya nito. Ang gusto lang raw nitong makausap ay si Lindon. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang. Naghihintay siya sa paglabas ng mga ito. Kanina pa nga nag-uusap ang mga ito. Habang tumatagal ay lalong nadaragdagan ang kabang nararamdaman. Hindi niya mapigilang hindi mag-alala.
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...