Chapter 18 - The Ending

1K 26 6
                                    

Matamang pinagmamasdan ni Lindon si Ennaira habang siya naman ay nagtatago sa isang malaking katawan ng niyog ngunit may kaliitan naman ang taas. Halos ganoon ang lahat ng niyog na nakikita niya sa Bali, Indonesia lalo na sa tabing dagat. Mainam iyon para sa kanya dahil nagtatago siya mula kay Ennaira.

Yes, they were in Bali, Indonesia. Doon naglagi si Ennaira sa loob ng isang buwan. Isang buwan na halos nagpabaliw sa kanya sa paghahanap at pangungulila rito. God knows how much he missed her.

Kasalukuyan itong nakaupo sa buhanginan habang nakapatong ang baba sa tuhod nito. Hapon na noon at pinapanood nito ang paglubog ng araw.

She really looked so sad. At nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya itong malungkot. Alam niyang siya ang dahilan ng kalungkutan nito. Kung pwede nga lang sanang gulpihin ang sarili, matagal na niyang ginawa.

Mag-iisang linggo na niya itong pinagmamasdan mula sa malayo kung kaya't alam niya ang ginagawa nito. Napansin niya ang paggising nito ng maaga at ang paglabas ng cottage kahit madilim pa. Pumupunta ito sa tabing dagat upang panoorin ang pagsikat ng araw. Pagkatapos sumabog ng sikat ng araw ay didiretso naman ito sa paliligo sa dagat. Pagkatapos nitong maligo ay babalik ito sa cottage nito at magkukulong doon. Alam niyang nagpapadeliver lang ito ng pagkain. Lalabas lang ulit ito upang panoorin naman ang paglubog ng araw. Mukha ngang naging routine na nito iyon.

She'd got darker. Her skin was tanned. And it made her looked more beautiful and attractive. Credits to the sun and sea, they're the secret.

Mas nagkalaman din ang katawan nito at lalong bumagay rito ang pagtaba ng konti. She's much sexy now that she had gained a little weight than before.

Sa tuwing nakikita rin niya ang paglapit ng mga lalaking foreigners rito ay gusto niyang magwala sa sobrang selos. Gusto niyang pulbusin ng suntok ang mga lalaking lumalapit kay Ennaira. But Ennaira would just politely decline every invitation from them. At dahil doon ay mas lalo niya itong minahal.

Hindi muna siya nagpakita rito dahil natatakot siyang ipagtabuyan na naman siya nito. Pero hindi na siya makatiis, kaya magpapakita na siya rito bukas. Bukas pa dahil may sorpresa siyang inihanda para dito.

Noong araw na muntik na itong masagasaan ay didiretso rin pala ito sa airport pagkatapos nitong maibigay sa kanya ang annulment papers nila. Talagang pinagsisihan niya ang hindi pagsunod dito.

Nalaman niya ang tungkol sa naging pag-alis ni Ennaira mula kay Tito Arnulfo noong puntahan niya kinabukasan sa bahay ng mga ito upang sana ay makipag-ayos kay Ennaira. Talagang tuluyan na siyang iniwan ng kanyang asawa.

Halos magwala siya sa sobrang galit nang hindi sabihin ni Tito Arnulfo sa kanya kung saan nagpunta si Ennaira. Saka na raw nito sasabihin pagkatapos ng isang buwan.

Hindi na niya mahihintay pa ang isang buwan kaya gumawa pa rin siya ng paraan upang mahanap ito. He hired private investigators at sa loob lang ng isang linggo ay nahanap agad ng mga ito si Ennaira.

Pero napag-isip-isip niyang kailangan pa niyang bigyan ng sapat na oras si Ennaira kung kaya't hindi muna siya sumunod dito. Kailangan niyang tapusin ang lahat ng dapat tapusin sa kanyang opisina upang masundan kaagad si Ennaira.

Nang maayos ang lahat ng dapat ayusin ay agad siyang sumunod dito.

Habang mataman niya itong pinagmamasdan ngayon ay natutukso na naman siyang lapitan at yakapin ito ng mahigpit. Iyon ang gustong-gusto niyang gawin sa tuwing pinagmamasdan ito sa mga nakalipas na araw. Pero hindi dapat. Hindi pa sa ngayon. Bukas pa ang tamang panahon.





Nagising na naman si Ennaira ng maramdaman ang matinding paghalukay ng kanyang sikmura. Mabilis siyang tumayo at pumunta sa loob ng banyo. Humarap siya sa sink at doon siya nagsuka nang nagsuka.

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon