Chapter 7

428 13 0
                                    

Hindi mapakali si Ennaira sa kanyang kinauupuan. Magdadalawampung minuto na siyang nakaupo sa back seat ng kanyang sinasakyang bridal car. Ang kanyang Made of Honor na si Kay ay hindi na rin malaman kung paano siya pakakalmahin. She was really getting nervous. My goodness! Lindon was already 20 minutes late for their wedding. Nauna pa siyang dumating rito at talagang nagpa-late pa ng dalawampung minuto. Ang mas masaklap, baka hindi na nga ito sisipot sa kasal nila. Inip na inip na ang lahat ng kanilang mga bisita maging ang pari na magkakasal sa kanila. Nag-uumpisa na ngang magbulung-bulungan ang iba.

Alam niya ang lahat ng nangyayari sa loob ng simbahan dahil na rin kay Kay. Labas-pasok ito sa kanyang bridal car upang makibalita at balitaan siya. Mahigpit ding binilinan si Kay ng kanyang ama na huwag na huwag siyang palalabasin ng bridal car hanggat hindi pa dumarating si Lindon.

Wag naman sanang hindi siya sumipot. Nababahalang hiling niya.

Batid niya sa sariling maaari ngang hindi sumipot si Lindon sa kasal nila. At talagang wala siyang magagawa para doon.

They couldn't reached Lindon through his phone. Palaging out of coverage area kapag tinatawagan. Even his own parents were also worried of Lindon being late. Pina-una kasi nito ng alis ang Best Man na si Andrew. Ang sabi rito ay susunod rin daw agad si Lindon. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Si Ennaira ay hindi nabigyan ng sapat na oras upang makilala ng husto ang kanyang magiging in-laws. Kamakailan lang kasi dumating ang mga ito galing States. Isang beses lang silang nagkasama noong inimbitahan siya ng mga itong magdinner upang makilala siya. Mabilis niyang nakapagpalagayan ng loob ang mga ito. Unang pagkikita pa lang nila nina Mama Lindy at Papa Donald ay magiliw na agad ang mga ito sa kanya. "Papa at Mama" na agad ang gusto ng mga itong itawag niya sa mga ito.

They're really easy to talk with and they were very kind and sweet. Nararamdaman din naman niyang boto ang mga ito sa kanya. And she was very grateful and happy about it kahit mag-isa lang siyang humarap sa magulang nito. Hindi siya nasamahan ni Lindon ng gabing iyon dahil may importante raw itong tatapusin sa opisina. Kailangang raw mag-overtime.

Taliwas sa paliwanag nito'y alam niya sa sariling iniiwasan lang siya ni Lindon. Alam niyang hindi siya nito gustong makita o makasama man lang. He was giving her the cold treatment. He didn't even helped her preparing their wedding. At nasasaktan siya sa ginagawa nitong pambabalewala sa kanya. Pero wala siyang magawa. Wala siyang karapatang magreklamo. Wala siyang karapatang humiling ng kahit ano mula rito. Lalo na ang humiling ng oras o atensiyon nito. Wala. Wala siyang karapatan. At tanggap niya iyon kahit masakit.

Hindi na rin niya natiis na maupo na lamang doon at hintayin ang pagdating ni Lindon na walang kasiguraduhan. Bumaba siya mula sa kanyang bridal car at lumapit sa kanyang ama at Tita Harriette na katabi lang din sina Papa Donald at Mama Lindy.

Mababakas sa mukha ng Tita Harriette niya ang tuwa dahil mukhang hindi na matutuloy ang kasal nila ni Lindon. Mula ng mangyari ang insidenteng iyon ay hindi na siya nito kinibo kailanman at wala siyang pakialam. Mabuti na rin iyon kasi ayaw niyang makipagplastikan dito.

Mababakas na sa mukha ng kanyang ama ang unti-unting pag-usbong ng galit sa nangyayari nang malingunan siya nitong papalapit sa mga ito.

"Anak, I told you not to get out of that car unless Lindon will finally arrive."

Ngumiti siya ng malungkot rito. "It's okay, Dad. Let's just get this thing over. Hindi na 'yun darating."

Binalingan naman niya sina Papa Donald at Mama Lindy at malungkot ring ngumiti sa mga ito. Bakas sa mukha ng mga ito ang matinding lungkot at pag-aalala sa kanya. Hinidi na rin naman lingid sa kaalaman ng mga ito ang totoong dahilan ng pagpapakasal nila ni Lindon. At talagang nagpapasalamat siya na sa kabila ng lahat ay mabuti pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

"My son would really pay for this, I promise you." Galit na ring saad ni Papa Donald sa kanya.

Si Mama Lindy naman ay mahigpit siyang niyakap. Bakas sa mukha nito ang simpatya sa kanya. She smiled at them. Trying to give them the assurance that she's okay. But her eyes betrayed her. Ngumiti man siya ay kitang-kita sa mga mata niyang nasasaktan siya. She's almost close to tears but she kept her ground. She couldn't cry. Not now, not this time, not in this situation, not in front of them.

Saka na lang siguro siya iiyak kapag siya na lamang mag-isa. Yung walang makakakita sa kanya. Ayaw niyang kaawaan lalo.

"Kayo na po sana ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita." Hiling niya sa mga ito. Nakakaunawang tumango ang mga ito.

She started walking back to the car.

Umagapay naman agad si Kay sa kanyang paglalakad. "You know what Ennaira, pwede ka namang umiyak eh! Kitang-kita naman na nasasaktan ka. Please, just please, don't hold back your tears!"

Alam niyang frustrated na rin ito. Hindi lang siguro ito sanay na nakikita siyang nagkakaganoon. But then again, she just smiled at her. A smile that didn't reached her eyes. A sad and broken smile.

She felt tired and restless. She was badly hurt. Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman. All she wanted to do is to get out of that place. She wanted to rest. She wanted to regain back her strength. And most of all, she wanted to cry in her heart's content until she could get free from that strong strange feeling she was feeling at the moment. But she can't.

She. Just. Can't. Cry.

Be strong Ennaira! Everything will be okay. Pagpapalakas-loob niya sa sarili.

When she was about to enter the car ay may biglang pumaradang kotse sa tabi ng kanyang bridal car. Nakaramdam siya ng maliit na pag-asa. It was Lindon's car.

Hindi nga siya nagkamali. Bumaba si Lindon sa sasakyan nito at patakbong lumapit sa kanya.

"I'm sorry I'm late."

She was shocked! Akala niya wala na talagang Lindon na darating. Akala niya wala ng kasalang magaganap. She almost gave up. Almost!

And for her, he's just on time.

Matipid niya itong nginitian. She's close to tears again. Gusto na niyang tumalon sa sobrang tuwa. Gusto nga rin niyang sugurin ito ng isang mahigpit ba yakap. Kung pwede lang sana, baka kanina pa, pagbaba pa lang nito ng sasakyan.

Masaya siyang dumating ito. Masayang-masaya siya.

"Let's go." Wika nito at ginagap ang kanyang kamay. Marahan siyang inakay nito papunta sa kani-kanilang magulang.

Everyone sighed in relief. Even his parents were really glad to see him. Very glad that their son was still able to catch the wedding. Napanatag rin ang kanyang ama sa pagdating ni Lindon habang si Tita Harriette naman ay hindi napigilan ang pagsimangot.

Duh. She doesn't care anyway.

What matter most was that, Lindon came.

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon