Kasalukuyang nasa living room sina Ennaira, ang Daddy at Tita Harriette niya ng mga sandaling iyon. Isang oras na silang naghihintay sa pagdating nina Lindon at Bridgette. It was already 6:40 in the evening. Dalawampung minuto nalang at mag-aalas-siyete na. Ang sabi kasi ng mga ito ay exactly 6 pm darating sa bahay nila.
"Ang tagal naman!" hindi niya napigilang sambit na ikinataas na naman ng kilay ng kanyang madrasta.
Ang kanyang ama naman ay napabuntung-hininga na lamang. Irritation was written all over his face. Handang-handa na ang lahat. Pati ang pagkain ay nakahanda na rin. Ang dalawa na lang ang kulang.
For you to know, it's Saturday! The day, the night, the time on where Bridgette would finally introduce Lindon to them as her fiancee.
"Paparating na ang mga 'yon. Baka natraffic lang." Wika naman ni Tita Harriette pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa daddy niya.
Hindi rin mapakali sa kinauupuan ang kanyang madrasta dahil sa iritasyon na nakikita nito mula sa kanyang ama. Her father valued time so much. Lahat ng oras ay importante para rito. Ikaw ba naman maging heneral, naku, lahat ng galaw ay nakaayon sa oras.
Hmm. Lagot talaga ang mga 'yun! naisaloob niya.
Naku, kapag tinamaan ng kabaitan si Daddy sa katawan, baka patawan pa ang mga ito ng Death March. Ha-ha! Baka mapasubo ang mga itong maglakad mula Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Tingnan lang natin kung sino ang hindi maiyak.
Napag-isip-isip rin ni Ennaira habang nag-aayos siya sa harap ng salamin kanina na hindi tamang landiin niya si Lindon just to spite Bridgette. It was really unlikely of her to behaved like that. Kahit may nararamdaman siya kay Lindon ay hindi pa rin iyon tama.
She decided to just be happy for them. And she'll also try her best na hindi patulan ang mga irap ng kanyang madrasta at ni Bridgette sa gabing iyon. She would really behave kahit pagtulungan pa siyang apihin ng mga ito.
Pero joke lang! Hindi rin naman siya papayag na apihin, noh? Siya pa!
"Wag kang masyadong magpaganda, Ennaira!" Nakadungaw sa pintong saad ng kanyang madrasta.
Napalingon siya sa rito. "Okay Tits!" sagot niya and gave her stepmother her million-dollar smile. Sumimangot lang ito sa kanya at umalis din agad.
Hindi niya pala namalayang bukas ang pinto ng silid niya. Hindi naman siya nagulat sa biglaang pagsulpot nito. Buti nalang talaga at hindi siya umiinom ng kape, kung hindi baka natigpas na niya ng palakol ang ulo nito kung siya ay naging magugulatin.
Pero hindi niya rin sinunod ang sinabi nito. Mas lalo niyang pinaganda ang sarili. Kulang na nga lang ay magsuot siya ng gown. She was wearing a baby blue dress na hanggang tuhod. Nagmukha siyang isang diwata sa suot niya. Kaya nga irap ito ng irap sa kanya. Kung naging kutsilyo lang siguro ang lahat ng irap nito, baka gutay-gutay na siya sa mga sandaling iyon.
And everytime her stepmother would glare at her, she will just give her her killer smile. Bahala itong mamatay mula sa pamatay niyang ngiti. Ha-ha!
Ilang sandili pa'y narinig na nila ang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng gate nila. Mabilis na tumayo ang kanyang madrasta mula sa pagkakaupo at inakay ang kanyang ama. She looks really excited. Sumunod na rin siya sa mga ito.
Naglalakad na sila ni Bridgette papunta sa main door ng mansiyon ng mga magulang nito. Naghihintay at nakatayo na rin ang mga ito sa labas ng pinto. At talagang sinalubong pa sila. Nakita rin niyang nakatayo si Ennaira sa tabi ng isang matangkad na lalaki. Ito siguro ang ama nito.
"I'm sorry Mom and Tito, we're late. Medyo traffic po masyado." Panghihingi ng paumanhin ni Bridgette mula sa mga ito. "Mom, Tito, this is Lindon Beltran, my fiancee. And Lindon babe, my mother Harriette and my stepfather Arnulfo Pitaluna."
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...