Chapter 16

571 17 0
                                    

Dinala ni Lindon si Bridgette sa isang coffeeshop. Nang makaupo sila'y agad siyang um-order ng kape para sa kanilang dalawa.

Kape ang in-order niya upang lalo itong nerbyosin.

De, joke lang!

Nagrequest na rin siya ng isang cold compress para sa pisngi nitong sinampal ni Ennaira. Unti-unti na kasi iyong namamaga. Sa kabila ng nangyari dito ay hindi niya magawang maawa rito.

He didn't really know what exactly happened between the two, at ang nakita lang niya ay ang pagsampal ni Ennaira kay Bridgette. At talagang malakas ang pagkakasampal ni Ennaira dito.

"Tingnan mo ang ginawa sa akin ng mang-aagaw na iyon, Lindon!" mahina ngunit galit na galit na wika nito sa kanya. "That whore! Siya pa ang may lakas ng loob na gawin ito sa akin!"

Bumangon ang matinding galit niya sa sinabi nito. "What did you just say, Bridgette? Ennaira's a whore?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"How dare you say like that to her!" mahina ngunit galit na galit ring wika niya rito. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo. God! This woman was making him mad.

Bumakas ang matinding takot sa mukha nito sa nakitang galit sa kanya. "Goodness, Lindon! At si Ennaira na ang kinakampihan mo ngayon? Ang mang-aagaw na iyon!?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Shut up, Brigette! You better shut your mouth!" mariin niyang wika rito. "At nagpapasalamat akong inagaw ako ni Ennaira mula sayo. Fuck! Narinig kita Brigette! Narinig kita doon sa opisina ko habang kausap mo ang nobyo mong pinaplano ang lahat ng gagawin mo sa akin!"

Napasinghap at nanlaki ang mata nito sa sinabi niya.

"Hah! You're pathetic!" patuloy niya. "You just don't know what I wanted to do with you when I heard you that day Bridgette. Kaya tigilan mo na ang pagsasabi ng masasama tungkol kay Ennaira!"

Akma itong magsasalita pero pinigilan niya. "Wag mo na rin kaming guguluhin ni Ennaira kung hindi, ako na ang makakalaban mo!"

Then he stood up and walked out of the coffee shop. Hindi na niya ito hinayaang magsalita. Para ano pa? Para humabi na naman ito ng storya at magsinungaling na naman sa kanya? Hindi na noh! He just had enough of her. Sa ngayon, kailangan na muna niyang makausap si Ennaira.

Mabilis na umibis si Ennaira sa kanyang sasakyan pagkarating na pagkarating niya sa bahay nila. Naipasok na niya sa garahe nila ang kanyang kotse kaya't sinalubong agad siya ng kanilang mayordoma na si Mama Rosario. Mama ang tawag niya rito dahil hindi na ito iba sa kanya. Parang ina na rin kasi ang turing niya rito.

"Ennaira, anak! Nakabalik ka na pala! Kumusta?" nakangiting tanong nito at niyakap siya ng mahigpit. "Nami-miss ka na namin dito."

She smiled lovingly at the good old woman. Pero alam niyang hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiti na iyon. Mukhang napansin rin ni Mama Rosario dahil bumakas sa mukha nito ang pagtataka at pag-aalala.

"Namiss ko rin po kayo, Mama!" Muli siyang yumakap rito ng mahigpit. Sinuklian naman siya nito ng mas mahigpit ding yakap. Nararamdan nito na malungkot siya at may iniinda pero hindi na ito nagtanong sa kanya.

"Nandiyan na po ba si Daddy, Mama?" tanong niya rito. "Gusto ko po siyang makita. Miss na miss ko na si Daddy."

"Oo, anak! Sandali at tatawagin ko." Wika nito at mabilis na pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay nila.

Umupo siya sa mahabang sofa ng kanilang sala. Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam. Parang naubos lahat ng kanyang lakas sa nangyari kanina.

Pagkatapos umalis nina Lindon at Bridgette ay umalis rin siya. Pero hindi agad siya tumuloy sa bahay ng kanyang ama. Pinahupa muna niya ang kanyang pag-iyak at nararamdaman.

The Guy She Forcibly Stole (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon