"Lindon, pare, kumusta naman kayo ni Bridgette?" tanong ng matalik niyang kaibigan na si Andrew habang tumutungga ng alak. Nasa isang exclusive bar sila sa Makati ng mga sandaling iyon. Maagang natapos ang kanyang pinuntahang meeting ngayong gabi kaya inaya niya itong makipag-inuman muna sa paborito nilang bar. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagbonding dito.
"We're okay naman kahit lately ay madalang kaming magkasamang dalawa."
"Huh? Bakit naman?"
"I was very busy these past few days. Tinututukan ko ang bago naming project." Tumungga muna siya ng alak bago nagpatuloy. "Kapag nagkakaroon naman ako ng free time ay siya naman ang mayroong ginagawa at hindi makapunta."
Lindon was a very busy person. He owns Beltran Development International; a company that develops and builds skycrapers, buildings, bridges, etc.. There was this huge project of him that really demands his full attention. At mukhang naiintindihan naman siya ni Bridgette dahil hindi siya iniistorbo nito. Hindi rin nagde-demand ng oras mula sa kanya.
"Kailan naman kayo huling nagkita?" untag na tanong ni Andrew sa kanya.
"Just this afternoon. I already proposed to her."
Nabigla ito sa sinabi niya. "Talaga? Sigurado ka na ba kay Bridgette?"
"Of course. I wouldn't have asked her if I don't love her that much." Sagot niya rito. "Isa pa, hindi narin naman ako bumabata. I want to tie the knot with her."
"You're still young, pare. 33 years old ka pa lang. Nagmamadali ka yata?" nanghihinayang na tanong nito. "Pero kung iyan ang gusto mo at magpapasaya sayo, then go for it. Best wishes."
Itinaas ni Andrew ang baso ng alak na iniinom at nakipag-toast sa kanya.
"Cheers!" sabay nilang sabi habang tumatawa.
"Pero pare, hindi nabanggit ni Bridgette sa akin na may step-sister pala siya. Ang sinabi lang niya sakin ay nag-asawang muli ang kanyang ina."
Hindi rin nabanggit ni Bridgette ang pangalan ng napangasawa ng ina nito. Saka na raw siya ipakikilala sa tamang panahon.
Sa dalawang taon na pinagsamahan nila ni Bridgette ay tikom ang bibig nito sa pagbabahagi ng tungkol sa personal na buhay nito sa kanya. Malimit din nitong binabanggit sa kanya ang tungkol sa bago nitong pamilya. Hindi narin siya nag-uusisa dahil nagiging uneasy ito kapag tinatanong. Mukhang hindi nito gusto ang bago nitong pamilya.
Wala naman siyang problema kay Bridgette. Naiintindihan siya nito sa lahat ng bagay. She's very caring at hindi rin demanding. Ni minsan ay hindi nga ito nagselos. Isa iyon sa mga nagustuhan niya rito.
"Really? Is she pretty too?" tanong nito.
"Prettier than Bridgette." It was a true statement.
"She's a model, pare. She has an innocent face. But I don't like her. Looks can be deceiving and I believe that now." Tumingin siya kay Andrew.
"Geez! She's a major flirt! Lantaran ba naman akong landiin sa harap ni Bridgette." Naiiling na patuloy niya.
"Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong ni Andrew. He just nodded.
"Wow! I think she's one heck of a girl. I want to meet her." Natatawang wika ni Andrew habang tumataas-baba pa ang dalawang kilay nito.
"Ikaw ang bahala pero saka na siguro sa kasal namin ni Bridgette mo kilalanin ang babaeng 'yon. I don't wanna associate with her at baka iyon pa ang maging dahilan ng pag-aaway namin ni Bridgette." Muli siyang lumagok ng alak. "I could sense that the two were not really in good terms."
BINABASA MO ANG
The Guy She Forcibly Stole (Completed)
Romance"Mang-aagaw", isang napakabigat na akusasyon na sa hinagap ay hindi aakalain ni Ennaira na itatawag sa kanya. Sa ginawa niyang pag-agaw sa boyfriend ng stepsister niyang si Bridgette, umani siya ng batikos hindi lamang kay Bridgette kundi maging sa...