Choices. Chances. Changes.
Tatlong salitang naglalarawan sa isang taong lumalaban.
Nagsimula sa pagpili, nagkaroon ng pag-asa at sa huli nagbago ang lahat.Choices.
Mga desisyong bumago sa pagkatao natin. Mga desisyong napuno ng sana.
Sana hindi ko na lang siya nakilala pa.
Sana hindi na lang kita natagpuan pa. Sana.. Sana mas pinili ko nalang na magpakamanhid sa nararamdaman ko Edi Sana Hindi pa ako nasaktan.
Mga desisyong minumulto ako sa ngayon.Chances.
Mga pagkakataong nasayang lang, mga pagkakataong napunta lang sa wala. Mga paano kung tanong sa sarili ko, paano kung di ko siya nakita? Paano kung hindi ko na siya pinaglaban pa? Paano kung sumuko na lang ako nung una palang?
Mga pagkakataong pinagsisihan ko sa ngayon.Changes.
Pagbabago. Wala paring nabago. Mahal pa rin kita.Ngunit sa ngayon wala na akong karapatan pa. Ang tanging magagawa ko lang, balikan ang mga masasayang pangyayari na naganap sa buhay naming dalawa.
Subalit, hanggang sa pangarap na lang. Wala ng pag-asa ng babalik siya lalo na at masaya na sila.
Wala na akong magagawa. At Sana kung may pagkakataon, nais kong baguhin ang bahagi na kung saan nagkulang ako, kung saan naging magulo na ang lahat.
Sana... May paraan pa.

YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
Roman d'amourKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.