Chapter 1

821 37 0
                                    


"Hoy! Ano na girl? Sasama ka ba o hindi?" inis na tanong ni Pixie my very very bestfriend 

"Paulit-ulit ka, sinabing hindi nga ako sasama" iritang sagot ko dito

"Dahil paulit-ulit ka rin, ano? Ilang araw na tayong hindi kumakain ng lunch at ni meryenda, WALA!"

"Bakit dika kumain mag-isa mo don? Ano susubuan pa kita ? Hawak ko ba yong kutsara mo?" sarcastic na sagot ko

Agad akong napahawak sa ulo ko ng bigla niya akong binatukan. bwst

"Ano ba? Bat ka ba nambabatok!?" inis na sabi ko

"Gaga! Gutom na nga ako dinadaan-daan mo pa ako diyan sa pagkapilosopo mo"

"Mana ako kay mama e" nakangising sagot ko na ikinainis niya lalo.

Pasensiya naman, hindi ko na kasalanan kong ganito ako. Deal with it or leave it .. I don't care, never kong babaguhin ang sarili para lang sa ibang tao.

"Nakakainis ka talaga! " reklamo niya sabay upo rin naman sa tabi ko

Baliw din ang isang to' e, hindi yata makakakain ng wala ako. We are inside our classroom at oras na ng lunch ngayon kaya naman ni isang classmate namin wala dito kundi kaming dalawa lang. Tinatamad lang talaga akong bumaba .. tinatamad nga ba?

"Ikatlong araw na to' Bry at kapag bukas ganito ulit, sisiguraduhin kong maisusumbong kita kay Tito."

Agad naman akong bumaling sa kaniya ng narinig yon, No ..  you cant do that..

"Pixie ... " mariin na tawag ko sa pangalan niya

Bumaling naman ito sakin na ngayon ay nakangisi na ang loka! Alam na alam talaga nito kung paano ako iniisin e'

"Ha? Ano?" taas kilay na tanong niya.

"Bwst ka" agad na sagot ko kaya naman nang babatukan ulit niya ako ay agad akong umiwas.

Nakaisa na nga ang loka,  hihirit pa ng isa. Tsk

 Alam kung naiinis na talaga to' sakin at bilib naman talaga ako sa isang to dahil natiis niyang hindi kumain dahil kilala ko to' e food is life, mawala kana sa buhay niya huwag lang ang mga pagkain niya. haha

"Magtapat ka nga sakin, ano ba talagang nangyare noong last na nag Cr ka ha? kase pansin ko noon palagi kana lang parang ang daming iniisip na ewan e" 

Tinignan ko naman siya at kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

Gusto ko rin naman sabihin ang mga bagay na palaging nasa isip ko this past few days, kaibigan ko rin naman to' maybe she can help me.

Bumuntong-hininga muna ako matapos tumingin sa kaniya at chineck kung may tao ba sa paligid. This is very very controversial.

"Hoy! ano na? Ano bang sinisilip silip mo pa sa labas" inis na tanong niya pero nakisilip rin naman. baliw talaga

Hindi ko na siya sinagot at nang masiguradong kami lang talaga ang tao dito ay agad na akong bumaling sakaniya.

"Ano ba yon Bry! Kinakabahan naman ako sayo, nakapatay kaba? Jusko ayokong magkaroon ng mamamatay na kaibigan please lang!" Oa na sabi niya

Ako naman ngayon ang bumatok sakaniya dahil sa sinabi niya

"Kung ikaw kaya ang unahin ko diyan!" inis kong sagot

"Tse! Sadista ka lang talaga!"

"Ano? Magkwekwento paba ako o hindi na?" irita nang sagot ko

Inirapan pa muna talaga ako bago siya tumango, hindi ko na pinatulan dahil baka hindi ko pa masabi sakaniya.

"Diba last friday nagpaalam ako sayo na mag-Ccr na muna ako, pero hindi din ako natuloy nun"

"Ha? e bakit ang tagal mo? tsaka ... Omg .."

Agad ko ngang pinitik ang noo niya dahil sa reaksyon niya ay alam ko nang marumi ang iniisip ng isang to' 

"Aray ko naman!" reklamo niya

"Huwag kasing marumi yang utak mo!" inis na sagot ko

"Oo na, sorry naman, sige tuloy na .."

Inirapan ko nalang ito bago ako nagpatuloy.  Bakit ba naging kaibigan ko ang isang to?

" Before pa sana ako makakarating ng Cr nun nakita ko ang President and Vice President ng SSG .."

Tumigil muna ako at huminga nga malalim bago ko sinabi ang pasabog na nakita ko. Tinignan ko muna ang mukha nang loko at mapapansin mong halatang chismosa talaga ang loka dahil interesadong-interesado ito.

"Ano? " tanong niya ng mapansin na tumigil muna ako

Isang buntong-hininga pa at ... boom

"They are fucking kissing!!" Oa na sabi ko

Ang akala ko tulad kong magiging Oa rin ang reaksyon niya pero yon lang pala ang inakala ko dahil lahat yata ng curiosity at excitement na nakita ko sa reaksyon niya kanina ay bigla  nalang nawala na parang bula.

"Ano? Hindi ka ba gulat?!" agad na tanong ko nang hindi man lang ito sumagot

"Hindi ko alam kung matatawa ako o maloloka sayo Bry!! My goodness! Akala ko naman malaking pasabog ang sasabihin mo! Hindi pala, Jusko!"

"Bakit? Malaking pasabog yon! They are both gays na akala natin na they are guys!" 

"Buong school alam na ang bagay na yon tungkol sakanila Bry and you're wrong they are not both gays, its just the President who is gay and the Vice is bisexual and Yes they are in a relationship. At hindi ko inaasahan na ngayon mo lang nalaman ang bagay na to' "

Para akong binatukan ng pagkalakas-lakas nang marinig yon because first I thought that they are just bestfriends and they're straight dahil hindi halatang may isa sakanila ang bakla!  And fck! They are in a relatioship! Stupid me!! 

Bakit ngayon ko lang nalaman!?

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon