Chapter 20

453 23 0
                                    

"Everyone, thank you again for coming and participating para maging successful ang team building na ito and sa mapipiling magiging Grade 11 representative we will just inform you pagkatapos ng Midterm Exam niyo. "

"Yes Miss, thank you din po"

"Thankyou .."

"Okay po"

Kaniya-kaniyang sagot nang iba.

Napangiti nalang ako nang magsimulang umandar ang bus na sinasakyan namin ngayon, at last we are going home! I miss my bed! Haha

Pasimple kong tinignan tong' katabi kong seryoso masyado, ewan ko ba at masyado akong bothered dahil mula kaninang umaga hanggang ngayong pauwi na kami. Kung noong nakaraang araw puro pang-iinis at kung ano-ano pang pinag-gagawa niya sakin pero ngayon may iba e, hindi ko alam pero pakiramdam ko parang masyado siyang seryoso ngayon.

Nasanay na rin naman akong hindi talaga niya ako kinakausap at puro lang siya irap sakin at pag-mamaldita ang ginagawa niya sa harap ko. Ngayon ay parang hangin lang ako, alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng kakaibang mood niya ngayon dahil lahat yata kaming nandito ay ramdam yon.

Hindi ko na napigilan mapabaling kay Dos pero nagulat ako nang parang wala rin ito sa mood dahil masyado rin siyang seryoso!

Nag-away siguro tong' mag jowa ..

Pakialam ko ba sa mga to? Bat ba ako masyadong bothered? Dapat masaya ka Bry hindi mo na sila makakasama at wala na rin malditang bading na bwibwsit sa buhay mo!

Yeah .. right

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay nakauwi na rin ako dito sa bahay.

Time check .. 8:47 am

Mabuti nalang talaga at maaga kaming umalis pero inaantok pa ako, pakiramdam ko sobrang napagod ako kahit nakaupo lang naman ang ginawa ko buong byahe.

Pagpasok ko pa lang sa loob nang bahay hindi ko na naiwasan mapabuntong-hininga nang makita kung sinong unang bumungad sakin.

My father ....

Napabaling siya sakin at sarkastikong ngumiti bago ito nagsalita.

"Oh, mabuti naman nakauwi kana akala ko ay doon kana mamalagi .."

"Nasaan po si Mama?" tanong ko na hindi na pinansin kung anong sinabi niya

Agad naman mas naging sarkastiko ang reaksyon nang mukha niya, eto na naman tayo ..

"Bastos .." mariin niyang sagot

Hindi ko na napigilang at sarcastic na ngumiti sakaniya nang marinig kong anong sinabi niya.

"Yes, I am .."

"Sabagay, hindi na dapat ako magulat dahil parehas kayo nang kapatid mong sobr----

"Bakit Pa? Kasalanan mo yon hindi ba?" sarcastic na sagot ko

Hindi man lang ako nakaramdam nang takot nang makita ang galit na reaksyon niya at mabilis na lumapit sakin.

Tangina ..

"Bastos ka talagang bata ka! Ipinapalala ko lang sayo na utang na loob mo saakin ang buhay na meron ka ngayon!"

"Nananakit kana rin pala physically huh?"

Sinampal lang naman ako nang tatay ko. Ang galing e no?

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon