"Anak, bumangon kana diyan. It's already lunch time, hindi ka ba nagugutom? Kagabi hindi ka rin kumain."
"Wala akong ganang kumain Ma ."
"Anak, nag-aalala lang ako sayo. Ayos ka lang ba? " nag-aalalang tanong niya
Paano ba maging ayos?
"I'm fine. I just need time for myself."
"Anak .."
"Please Ma .. and pakisabi kay Papa na hindi niya na kailangan bantayan pa ang mga galaw ko dahil ginawa ko na ang pinagagawa niya"
"Bry anak .. I know y---
"I need time for myself Ma .. Please kung pwede ibigay niyo naman sakin."
Hindi na siya sumagot at ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagkatapos ay agad na bumukas ang pintuan nang kwarto ko pero bago pa tuluyang makalabas si Mama ay narinig ko pa ang huling sinabi niya.
"Alam kong maiintindihan mo rin kami nang Papa mo kung bakit ganito kami kahigpit sayo."
Naiintindihan ko naman kaya nga sa huli ginawa ko pa rin yong tama, yong gusto niyo pa rin ang sinunod ko kahit alam kong masasaktan ako, ginawa ko pa rin.
Pagkatapos nang huling sinabi ko kay Eros kahapon ay hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil pakiramdam ko bibigay na ako sakaniya at bawiin ang lahat nang sinabi ko. Hindi ko kayang tagalan yong sakit na nakita ko sa mga mata niya.
Hindi ko nga alam kung paanong nakauwi ako nang maayos kahapon dahil wala na sa tama ang isip ko. Magdamag akong nagkulong sa kwarto at iniyakan ang nangyare. Ni hindi ko alam kung anong gagawin ko o may gagawin pa ba ako?
Nasasaktan ako at nagagalit sa sarili ko dahil hindi ko alam kung paanong aalisin tong' sakit na to! Tangina.
Sa lalim nang iniisip ko hindi ko na namalayang natulugan ko na ang pag-iisip.
Can I go back to the time na okay ang lahat?
Nagising ako nang marinig ang ingay nang cellphone ko. Pilit kong inabot ang cellphone kong nasa gilid nang table nang kama ko at hindi na tinignan kong sinong tumatawag dahil inaantok pa ako!
Nakakabadtrip. Sino ba to'!
"Hello .." naiiritang sagot ko
"Brylee, let's talk please. Nandito ako sa harap nang gate niyo."
Mabilis kong naimulat ang mga mata ko. At parang rumaragasang tubig ang biglang gumising sa katinuan ko! What the hell is he doing here!?
"Brylee ... please." nagsusumamong sabi niya sa kabilang linya
Shit! Nasaan ang mga magulang ko!?
"Hintayin mo ako diyan " sagot ko at agad pinatay ang tawag
Anong ginagawa niya dito! Mas malilintekan kami pareho kapag nakita siya ni Papa! At hindi ako makapaniwalang pumunta siya dito mismo! Nababaliw na ba siya?!
Mabilis akong bumangon at hindi na pinansin ang itsura ko dahil lintek ang kabang nararamdaman ko!
Agad akong lumabas sa kwarto ko at agad hinanap ang mga magulang ko nang makarating ako sa baba pero hindi ko sila nakita! Mas lalo akong kinabahan dahilan para mabilis akong lumabas sa bahay at deretsong lumapit sa harap nang gate namin.
BINABASA MO ANG
That Pretty Boy (COMPLETED)
Teen FictionMeet Brylee Aloisia Fern, the girl who is always on fire, a girl who is difficult to deal with because of her witty and sarcastic personality. You are permitted to approach her but not to touch her. She is a fierce young lady with a tender heart, es...