Chapter 33

336 21 0
                                    

"Welcome back Bry! "

"Welcome home dapat! Right our President?" natatawang sambit ni Erica

"Ay oo nga pala! Sorry, how are you by the way?"

"Tatlong araw ka rin nawala! Namiss ka namin "

"Namiss ko rin naman kayo and yeah I'm fine. Pwede nang sumuntok" natatawang sagot ko

"Hahaha loka ka talaga "

"Charot lang " natatawang sagot

Ilang tawanan at kwentuhan ang nangyare bago ako deretsong pumunta sa upuan ko. Ilang ngitian pa sa ibang mga kaklase ko bago tuluyan akong nakaupo.

Nakangiting bumaling ako kay Pixie.

"What's up?" natatawang bati ko

Napabuntong hininga nalang ako nang makitang malungkot itong nakatitig sakin.

"Don't look at me like that Pixie .. please." mariin kong sabi

"I'm sorry .. "

Pilit nalang akong ngumiti sakaniya at agad na iniwas ang paningin ko pero agad akong natigilan nang dumapo ang paningin ko sa labas nang room namin.

Eros ...

Nakangiti itong nakatingin sakin at sa sobrang ganda nang pagkakangiti niya halos hindi na makita ang mga mata niya. Hindi ko maiwasan makaramdam nang lungkot. Ngayon palang gusto ko nang umatras at huwag nang gawin yon. Sana kaya kong ibalik at ipakita yong saya na nakikita ko sa mukha niya.

Pilit kong itinago ang tunay na nararamdaman ko at tipid siyang ngiinitian pabalik at kahit gusto kong makipagtitigan sa kaniya ay natatakot akong makita niya yong lungkot na pilit kong itinatago.

Hindi ko matagalan ang mga titig niya kaya naman mabilis kong iniwas ang paningin ko sakaniya at napayuko nalang.

Ilang sandali pa ay narinig kong tinawag na siya para umalis. Hindi ko na sinubukan tumingin sa banda niya kahit alam kong nakatingin parin siya sa banda ko.

"Let's go Eros! Malalate na tayo sa first class natin"

"Yeah I know, Let's go."

Napapikit nalang ako at huminga nang malalim at pilit inaaliw ang sariling nararamdaman. Ayokong kainin ako nang emosyon at nararamdaman ko. Hindi dito.

"Tatlong araw kang hindi pumasok at tatlong beses rin siya sa isang araw kung pumunta dito para mag tanong sakin. Hindi mo siya tinext o tinawagan at naiintidihan ko yon Bry pero pakiramdam ko mas maganda siguro kong may nalalaman rin siya sa kung anong nangyayare. Lalo na ang totoong nararamdaman mo. Kase kahit hindi niya sabihin, mahal ka niya Bry.." mahabang sabi ni Pixie

I'm inlove with him too Pixie .. pero ang hirap, ang hirap nang sitwasyon.

Hindi ko maiwasan lalong napayuko at pilit na huwag maging emosyonal. Agad kong naramdaman ang pag-yakap sakin ni Pixie. Hirap na hirap na ako.

Pakiramdam ko kulang pa yong tatlong araw na pagkukulong ko sa kwarto ko. Tatlong araw akong nagkulong sa kwarto para pag-isipan ang lahat. Ang intindihan ang lahat lalo na ang sariling nararamdaman.

Kung may bahid nang lamig ang relasyon namin sa isa't isa nang pamilya ko, ngayon ay mas lalong lumamig yon. Kahit sinusubukan nang Mama ang kausapin ako sa dumaang araw ay hindi ko siya kayang kausapin. And there my father, ni hindi namin matignan ang isa't isa. Alam kung galit sila sakin at disappointed.

Sa huling pag-uusap namin ni hindi ako nakaramdam nang pagsisisi kase sa loob-loob ko nasabi ko ang lahat. Lahat nang sakit at bigat na naramdaman ko sa ilang taon.

Hindi ko rin alam kung paanong maaayos pa ang relayon namin nang pamilya ko. Kung maaayos pa ba.

Kahit tatlong taon na ang nakaraan matapos ang nangyareng yon. Hindi pa rin nawawala sa isip ko at pakiramdam ko masyadong nakatatak na yon sa isip ko na kahit anong bura ko, kusang bumabalik.

And in the end I would lock myself again in that corner.

Masaya naman talagang mabuhay pero hindi ko alam kung paano?

Natutunan ko nang mabuhay kasama yong pait at sakit nang nakaraan at kahit papaano unti-unti ulit akong niyayakap nang mundo. Nagkakaraon na nang kulay yong mundo ko at mas naging makulay pa yon nang dumating siya. When that pretty savage gay came into my life.

Kung gaano kabilis ko siyang nagustuhan, ganon rin pala kabilis siyang bawiin sakin. Palagi nalang bang babawiin yong mga taong importante sakin?

"Bry .. you okay?" nag-aalalang tanong ni Pixie na nakapagbalik sakin sa realidad

Pilit akong ngumiti sakaniya at agad na tumango, hindi ko tuloy maiwasan mapatitig sakaniya.

Pixie ..

Ang nag-iisang tunay na kaibigan ko at siyang nakakaalam nang lahat tungkol sakin at sa mga pinagdaanan ko. Siguro tuluyan na akong kinain nang lungkot kung hindi siya dumating sa buhay ko. And I'm very thankful because I have her.

"I'm fine Pixie.. don't worry about me okay? "

"Paanong hindi ako mag-aalala sayo? Kase nakikita ko na naman yong Brylee na unang beses kong nakilala "

"Pixie .. "

Hindi ko maiwasan maguilty nang makitang mabilis na nangiligid ang mga luha sa mga mata niya kaya naman mabilis kong kinuha ang kamay niya at hinawakan yon nang mahigpit.

"Kilala kita, kilalang kilala kahit tatlong taon na ang nakalipas nang makilala kita Bry .. Ikaw na ikaw to' three years ago e .. please tell me what's on your mind. Alam mong nandito lang ako para sayo diba? Makikinig ako."

Pilit akong ngumiti sakaniya at unti-unting binitawan ang kamay niya pero bago ko pa yong tuluyan mabitawan ay mabilis niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

Hindi ko na napigilan ilabas ang lahat nang emosyon na nararamdam ko at alam kung kitang-kita niya na yon dahilan para mas naging mas mahigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako dahil kami lang dalawa ang nandito sa loob nang room namin.

"Maybe your right Pixie .. because I can feel my old self again. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa sarili ko at hindi ako maka-pag isip nang tama. My parents confronted me about my relationship with Eros and of course I tried to understand them .. pero hindi yata kaya nang powers ko kaya na triggered yong mga dating memorya at emosyon na matagal ko nang ibinaon. Lumabas lahat to the point na nahirapan na naman akong baliwaliin ang mga yon dahil kusang bumabalik na naman. Natatakot ako at nasasaktan dahil kailangan ko siyang bitawan, kailangan ko nang tuluyan layuan at kalimutan si Eros dahil yon ang gusto nang magulang ko.."

"I'm torn about my past and now. Isama mo na din ang mga magulang ko. Sobrang gulo but at the back of my mind saying na mas lalo gugulo ang lahat kapag pinagpilitan ko ang nararamdaman ko para sakaniya. "

"Nakakabaliw nga e' kung tsaka naman mahal ko na yong tao, kung ganito na yong nararamdaman ko tsaka naman ganito yong mangyayare."

"Bry, pwede mong kausapin si Eros, alam kong maiintindihhan ka niya at pakiramdam ko baka siya pa mas makakaintindi at makakatulong sayo. Alam kong siya ang higit na magpapagaan nang nararamdaman mo."

Sana nga ganon lang kadaling gawin yon. But I know better. Given nang masasaktan ko siya pero hindi ko yata kayang hilahin siya pababa dahil lang sa pinagdadaan ko at nang pamilya ko.

I want to give him the freedom that he deserve. I want to see him happy kahit hindi na ako ang dahilan

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon