Chapter 21

441 25 1
                                    

"I can't believe that they broke up? Akala ko sila na talaga.."

Baka SHS palang tayo sis ..

"Oo nga e, ano daw ba yong dahilan noong break up nila?"

Makadahilan naman ... haha

"Hindi ko nga alam e kase wala naman daw third party or cheating na naganap basta nalaman ko lang rin na break na sila "

"Ako rin at ang alam ko rin ay si Eros daw ang nakipag break up! O m g!"

Si Eros?

"Hoy girl! Hindi halatang napakachismosa mo! Lunes na lunes Bry! " maarteng reklamo nang kasama ko na akala mo napakainosente e siya rin naman ang numero unong chismosa samin

"Hindi lang ako makapaniwala na break na sila " sagot ko

Natapos na ang buong klase namin sa umaga at ngayon kumakain na kami ng lunch namin ay hindi pa rin talaga ako makapaniwalang talagang break na sila. Usap-usapan rin ang issue na yon sa buong building ng Senior High kaya naman kahit saan ka mag-punta ay may maririnig ka tungkol doon.

"Don't worry Bry kahit wala na sila wala ka pa rin pag-asa kay Eros " natatawang pang-aasar ng bruha kaya naman agad ko siyang binatukan.

"Aray ko ha?" inis siyang sabi

"Anong pinagsasabi mong pag-asa diyan e wala naman akong gusto sakaniya and especially hindi ako pumapatol sa bading!" iritang sagot ko

Ewan ko rin sa bruha na to' at panay ang pang-aasar sakin kay Eros matapos kong maikwento lahat sakaniya kung anong nangyare sa team building namin.

Oo, lahat sinabi ko sakaniya na pati yong aksidenteng halik na nangyare.

Nakakainis nga dahil kung ano-anong pangbwi-bwst ang pinagsasabi niya sakin at kung makangisi sakin akala mo adik sa kanto.

Gaya ngayon, ang sarap ibalibag ..

Nakangisi agad siyang nakatingin sakin.

"Baka sa huli kainin mo rin yan pinagsasabi mo sis, so be careful"

"Kung ikaw kaya ang pagsabihan ko nang be careful dahil ikaw naman itong paulit-ulit na niloloko"

Mabilis naman nag-bago ang reaksyong nang mukha niya na kung kanina akala mo kung makangisi sakin ngayon naman eto siya at halatang naiinis.

"Ano?" pang-iinis kong tanong

"Alam mo napakafoul nang bibig mo!" iritang sagot niya dahilan para ako naman ang mapangisi

"Alam ko, pasmado e sorry not sorry sis"

"Tse!"

Hindi ko na napigilan matawa kaya naman natapos ang lunch namin na puro pang-aasar at pang-iinis lang sa isa't isa.

Pabalik na kami sa building namin nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Brylee!"

Agad akong napabaling sa kung saan may tumawag sakin at agad na nakita ang nakangiting Adviser namin kaya mabilis kaming lumapit dito.

"Good Afternoon Miss " bati namin ni Pixie sakaniya

"Good afternoon din Ladies"

"Ano pa pala yon Miss?" tanong ko

"Can I have a favor to the both of you?" nakangiting sagot niya

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon