Nandito ako sa loob nang tent namin, katatapos ko lang maligo habang ipinapahinga ang paa ko na kahit papaano naman hindi na ito masyadong kumikirot pero halatang namamaga parin ito pero ayos narin kahit papaano.
Nilalagyan ko siya nang yelo ngayon para kahit papaano ay maibsan yong pamamaga. Napatingin ako sa labas at makikitang madilim na ang buong kalangitan, hindi ako makapaniwalang na isang araw palang ang nakalipas may hindi na magandang nangyare sakin sa Team Building na ito.
Ako pa talaga ang napiling pagkatuwaan ng mga yon, hindi ko mapigilan mapa-iling nang maalala ang nangyare kanina matapos kaming mahanap ng ibang mga kasama namin.
"Nag-iisip ba kayo Jessa at Rina? Paano kapag may nangyareng malala kay Brylee?!" galit na sambit ni Miss Perez sa dalawa
"Hindi po namin sinasadiya Miss, katuwaan lang naman po sana yon pero hindi naman po namin alam na seryoso pala siyang gagawin yong utos namin" sagot ni Jessa na P.I.O ng SSG
Hindi sinasadiya? Tangina, pinagloloko ba ako ng mga to? Hindi ko na napigilan sumagot nang marinig ang sagot nila.
"Hindi sinasadiya? Are you kidding me? Sana noong una palang na nakita niyo akong umalis ay sana sinabi niyo na agad! Pero anong nangyare ha?" mariin kong sabi
At ang kakapal nang mukha nilang sabihin na katuwaan lang dapat daw sana! Pakyu! Kung kaya sila ang ihulog ko sa tubig at sabihing katuwaan lang yon at isagot na hindi ko sinasadiya na sapakin sila.
Sobra yong inis na nararamdaman ko ngayon dahil lang sa katarantaduhan nila? Anong gagawin ko rito sa injured na ankle ko sa team building na to? Wala pang nasisimulan na activities nasa gilid na ako. Nakakabadtrip!
"I'm sorry ..." sabay nilang sambit pero tinignan ko lang sila at hindi pinansin
Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko isang pitik nalang talagang sasabog na yata ako sa galit at inis! Isama mo pa itong kumikirot na paa ko!
Bumaling sakin si Miss Perez na agad niya rin naintindihan nang hindi ako sumagot sa dalawang nag-aapologize.
Ayoko rin namang magpakaplastik at sabihin na ayos lang dahil hindi rin naman biro yong nangyare dahil kahit sabihin na nahulog lang ako sa falls at na sprained ankle ako hindi parin maganda yon. Kahit sabihin na safe ang gubat hindi parin ako makakasigurado dahil hindi ko naman kabisado ang lugar.
Maraming posibilidad na may mas malala pang pwedeng mangyare sakin kapag nagkataon.
Pasalamat nalang talaga sila at dumating ang Presidente nila ...
"Eros I'll talk to you later with your Officers who is involved of what happened but first we must let her give first aid first .."
"Yes Miss .."
Napaiwas nalang ako ng tingin nang magkatinginan kami at hindi ko alam pero authomatic na nagkaroon nang awkwardness sa pagitan namin.
"Please, can someone assist Brylee papuntang tent nila?" si Miss
Agad namang lumapit ang nag-iisang lalaki sa isa sa mga representative at agad akong inalalayan.
"I'm really sorry about what happened to you Brylee, I will assure you that I will give them a punishment .." sabi ni Miss Perez bago pa ako maka-alis
Pilit nalang akong ngumiti
"It's okay Miss, you don't have to give them a punishment. I just hope they can already learned about what happened today and I think it's better if everyone can have fun and enjoy this Team Building po .."
"I'm really sorry again .." sincere na sagot nito kaya naman tumango nalang ako at pilit na ngumiti.
Napatigil lang ako sa pag-iisip ng biglang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng tent kung nasaan ako ngayon, kahit medyo hirap pinilit kong tumayo para pagbuksan kung sino man ang tumatawag sakin.
Napaiwas nalang ako nang tingin at pilit na huwag makaramdam ng guilt nang makitang si Dos yon habang nakangiti sakin habang may hawak itong mga pagkain.
Pakiramdam ko kapag bumabaling ako sa kaniya o di kaya ay nakangiti itong tumitingin sakin ay authomatic ramdam ko yong guilt na kahit na aksidente ang nangyareng halik sa pagitan namin ni Eros, hindi ko pa rin mapigilan maguilty.
"Hey, I bought your dinner, inuutusan ko kanina si Eros para siya na ang mag-hatid nito sayo pero nag-iinarte e " natatawang sabi nito
Bading ba naman kase .. O baka naiilang rin tulad ko ..
"It's okay, thank you .." sagot ko
Pagkatapos ay tinanggap na rin ang pagkain na hawak niya.
"I'm sorry again for what happened .. huwag kang mag-alala at masinsinan rin naman namin silang pagagalitan mamaya especially that Eros is so pissed right now"
Napabaling naman ako sakaniya nang marinig ang sinabi niya, bat naman naiinis yon ngayon? O baka naiinis yon dahil sa halik? Ano, may galit na naman yon sakin?
"Huh? Bakit naman?"
"Of course, may nangyare sayong hindi maganda lalo na at siguradong malalaman ng Guidance kung anong nangyare, sure na sa huli si Eros ang pagagalitan lalo na at Officer ng SSG ang siyang dahilan, you know the guidance will blame him beacause he's the President .. "
What?!
"So, mauna na muna ako Brylee dahil siguradong ginigisa na ni Miss Perez si Eros, tawagin mo nalang kami kung may kailangan ka " sabi nito na tinanguan ko nalang
Pagka-alis ni Dos ay hindi ko na napigilan mapatingin sa kung nasaan silang mga Officer kasama si Miss Perez at kahit na nakikita ko lang sila sa malayo ay pakiramdam ko ay pinapagalitan silang lahat ni Miss Perez.
Katulad ko lang rin yata ang lahat ng mga representative ay nasa kaniya-kaniyang loob na nang kanilang mga tent.
Hindi ko alam pero parang naawa ako at nakokonsensiya kay Eros nang makitang halatang siya na ngayon ang pinapagalitan ni Miss Perez.
Ang bigat pala nang resposibilidad ng President ng SSG tapos ako tong' baliw kung ano-anong pinagsasabi sa kaniya.
Mabilis kong naiiwas ang paningin ko nang makitang pasimpleng hinawakan ni Dos ang kamay niya.
Hindi na ako tumingin sa banda nila at itinuon nalang ang buong atensiyon ko sa pagkain na nasa harap ko at nagsimula nang kumain.
Ilang sandali nang matapos akong kumain at ayusin ang mga unan ko ay humiga na ako, nakakatitig lang ako sa taas ng tent namin, hindi ko alam pero para akong wala sa katinuan.
Napatingin ako sa gilid ng tent at nakitang naroon ang mga gamit ni Eros na hindi pa naayos, hindi rin ako sigurado kung dito siya sa tent namin matutulog.
Bakit ba iniisip ko kung matutulog siya dito o hindi? Bahala nga siya .. Tsk matutulog na nga lang ako ..
Napamura nalang ako nang bigla kong nasagi ang paa kong masakit, muntikan ko nang nakalimutan injured pala ako, tangina.
Hindi ko na pinansin yong sakit at agad na akong pumikit at ilang sandali pa ay kadiliman na ang sumakop sa paningin ko ..
Na alimpungatan lang ako nang maramdaman parang may humaplos sa paa kong na sprained at pag katapos ay naramdaman kong parang may humalik sa noo ko ..
Or maybe I'm just dreaming ...
BINABASA MO ANG
That Pretty Boy (COMPLETED)
Teen FictionMeet Brylee Aloisia Fern, the girl who is always on fire, a girl who is difficult to deal with because of her witty and sarcastic personality. You are permitted to approach her but not to touch her. She is a fierce young lady with a tender heart, es...