Epilogue

641 26 7
                                    

Nagising ako nang marinig ang malakas at paulit-ulit na pag-tunog sa cellphone ko.

Badtrip naman oh!

Iritang bumangon ako at nakasimangot na kinuha ang cellphone ko na nasa ibabaw nang lamesang nasa gilid nang kama ko.

Hindi ko na binigyan pansin kung sinong tumatawag dahil naiinis parin ako!

At sinong ponsyo pilato ba tong tumatawag! Bwst umagang-umaga!!

"Siguraduhin mo lang na maganda ang rason nang pagtawag mo ngayon sakin dahil lintek lang ang walang gan----

"Lintek ka din!! Hoy madam tanghaling tapat na po!!! Yong jowa mo nasa stage na, hindi ka parin makita! " sigaw na sabi ni Pixie na halos muntikan nang ikasira nang eardrum ko sa lakas nang boses niya sa kabilang linya

Badtrip.

Ano bang pinagsasabi nang isang to? Makabunganga, umagang-umaga at ano? anong stage ang sinasabi n---

Wait ... Shit!!

"Sinasabi ko sayo Brylee Aloisia Fern kapag wala ka pa nang limang minuto dito sigurado ako--

Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay mabilis ko na siyang binabaan.

At mabilis na tumayo at kinuha ang tuwalya ko at deretsong pumasok sa cr dito sa kwarto ko.

Shit ka Bry!!

Paanong nakalimutan ko ang araw na to?! Stupid! So stupid Bry!!

Graduation day ngayon nila Eros at nakalimutan ko ngayon pala yon! At sobrang late na late na ako!!

Bakit ko ba nakalimutan? This is one of the most memorable day for him!!

Mabilis na ligo ang ginawa ko at pagkatapos ay mabilis na nag-ayos. Napatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas dyes na! Ang alam ko pa naman ay alas nuebe ang start nang program.

Anong isusuot ko?!!!

"Maaa!!! " sigaw na tawag ko kay Mama

Sa sobrang taranta ko, hindi ko na pinansin ang mga maletang nakakalat pa sa paanan ko.

Kagabi lang kami nakauwi galing probinsya kaya naman nawala sa isipan ko ang ganap ngayong araw dahil sa pagod.

Mabilis naman bumukas ang pintuan nang kwarto ko at agad na bumungad ang nag-aalalang mukha ni Mama

"Ano ba yon Bry, bakit ba nagsisisigaw ka " nag-aalalang sabi niya

"Can you help me? " nagmamaka-awang sagot ko sabay pinakita ang suklay na hawak ko

Napangiti nalang ako nang nakitang napailing nalang siya sakin pero ngumiti rin siya kalaunan.

"Ikaw talagang bata ka, akala ko kung ano nang nangyare sayo, mabuti nalang at wala ang Papa mo dito dahil baka magpapaka-oa na naman yon " natatawang sambit niya

Mabilis akong lumabas sa tricycle at mabuti nalang talaga at hindi ako nag heels. Halos tumatakbo na ako papuntang gym dito sa school namin para makaabot lang. Para may maabutan pa ako.

Napabuntong-hininga nalang ako nang makitang sobrang daming tao!

Naman oh!

Naiinis kong hinawakan ang magkabilang dulo nang suot kong dress at sinusukan ibaba yon nang konte dahil masyadong maikli.

Masyadong exposed ang legs ko at alam kong pati likod ko! Hindi ko alam kung magsisisi ba ako kung bakit pa nagpatulong ako kay Mama mag-ayos!

I'm wearing a gold-backless dress right now. Sobrang fit sakin. Hindi ko nga alam kung bagay ko ba dahil hindi ko na tinignan ang sarili ko sa salamin kanina dahil nag-mamadali na ako.

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon