Chapter 13

433 24 0
                                    

Dalawang oras na ang lumipas matapos kaming lahat sa pag-aayos ng kaniya-kaniyang tent na gagamitin namin.

And it's already 11:35 am at hindi lang yata ako ang nakakaramdam ng gutom at pagod. Matapos namin maiayos ang mga tent at gamit namin kanina ay deretsong may ipinagawa saamin at alam niyo ba kung ano yon? Pinatakbo lang naman kami ng ilang beses sa malawak na lupain na to!

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako e dahil halata naman na pinahihirapan kami especially the five of us na kasali sa list ng representative. Isang pang kinaiinisan ko palaging ako nalang ang napapansin ng ilang babaeng SSG Officer, hindi halatang may galit ang mga ito sakin pero binabaliwala ko nalang. Sorry nalang sila dahil wala akong pakialam.

Pasalamat nalang talaga sila dahil may mahabang pasensiya ako ngayon dahil kung hindi kanina ko pa sila pinatulan.

Habang nagpapahinga ako dito sa malapit sa isang puno ay bigla naman lumapit ang dalawang SSG Officer sakin.

"Brylee right? " nakataas na kilay na tanong ng isa

"Yes, why?"

"Ikaw daw ang kumuha ng tubig para sa pag-luluto sabi ni Miss "

"Bakit ako? e diba kayo naman ang inutusan " sarcastic na sagot ko

"Ano ngayon? We are the SSG Officers at may karapatan kaming utusan ang kahit sino at isa pa wala ka rin naman ginagawa dito, tignan mo nga ang iba buti pa sila tumutulong .. " masungit na sagot ng P.I.O ng SSG

Napabuntong-hininga nalang ako at walang sabi-sabing kinuha ang timbang hawak nila pagkatapos ay mabilis na tinalikuran sila.

Tumutulong? Are you fcking kidding me? Saan ang tumutulong ang iba doon kung panay ang cellphone ng mga to' sa gilid at kung ano-anong pang ginagawa nila.

Calm down Bry ...

Wala na rin naman akong magagawa at baka pa sa huli ako pa ang maging dehado kapag pinatulan ko sila. Pagod na pagod pa nga yong tao, ako pa talaga ang inutusan.

Habang naglalakad ako ay ramdam na ramdam ko ang init nang araw isama mo pa na wala man lang payong, kahit payong lang sana ang ibinigay ng mga yon. Badtrip. Sigurado rin ako na walang magbabalak na samahan ako sa isa sa mga tao don dahil halata naman ayaw nila sakin. Akala mo naman may sakit akong nakakahawa, tangina.

Hindi ko alam kung makakatagal ako nang ganito, isama mo pa yong partner kong akala mo naman ang tindi ng atraso ko dito. At baka ni isa walang nakapansin sakin na umalis.

Gusto ko nang umuwi!!!

Matapos akong makarating sa iisang bahay na nakatayo dito na kung saan nandito rin yata ang ilang staff dito sa camp na to'

Hindi na ako nagdalalawang-isip pa na pumasok sa loob para doon magtanong kung saan pwedeng kumuha nang tubig at nang makapasok ako ay agad na bumungad ang simpleng salas ng bahay na to'

Magtatawag na sana ako ng biglang bumukas ang isang pintuan at agad na lumabas ang isang lalaki na siya rin ang nag-assist saamin. Nakangiti itong lumapit sakin at nagtanong.

"Hey, what can I help you?" nakangiting tanong niya

"Magtatanong lang po sana ako kung saan ako pwedeng kumuha ng tubig" sagot ko

Hindi ito agad sumagot at pagkatapos ay biglang bumaling sa likod ko na parang may tinitignan kaya naman hindi ko maiwasan ang magtaka.

Anong tinitingin ng isang to?

Hindi ko na napigilan kaya naman agad akong nag-tanong .

"May problema po ba?" takang tanong ko

Napabaling naman agad ito sakin.

"No, but I expected na kahit isa man lang sana ay may kasama ka dahil hindi basta-bastang makakakuha ka nang tubig dito at papasok ka pa sa gubat dahil nandoon ang ilog na sinisiguro naman namin na malinis"

Putangina. Putangina talaga ..

"But you said earlier po na safe naman sa loob nang gubat, so maybe .. I can do it .."

"Yes, I know but it's better if you have someone na kasama mo dahil kahit papaano you're still a girl " nakangiting sagot niya

"It doesn't matter, kung pwede po sana pakituro nalang sakin kung saan banda ang ilog dito"

"Alright, if you say so"

Kapag babae ba talaga iisipin na agad na mahina, bakit ba may mga taong akala mo kung sinong mahihina ang mga babae sa pagkakakilala nila. Hindi porket babae hindi na kayang proteksyonan ang sarili niya, remember all the women are born to be brave.

Ilang paalala pa ang sinabi nito saakin at binigyan pa ako ng mapa para kung sakaling mawala raw ako, ilang sandali pa ay nagpasalamat na ako at agad na lumabas sa bahay na yon.

Sa likod ng bahay na ako dumaan kaya hindi ko na nilingon ang mga kasama ko at hindi rin ako sigurado kung may nakapansin saakin matapos akong pumasok sa gubat.

Pagpasok ko palang sa loob ng gubat ay hindi ko na napigilan mapanganga sa ganda nito, kung sa labas palang maganda nang tignan, sa loob nito hindi mo aakalaing sobrang ganda at parang gubat lang ng mga diwata ang nakatira dito dahil sa mga naglalakihang mga puno at mga kung ano-ano pang mga halaman na nakapalibot sa lugar.

Nagsisi akong hindi man lang ako nag-abalang kunin ang cellphone ko kanina, sana pala kinuha ko nalang para may remembrance man lang ako sa lugar na to'

Matapos akong makontento sa ganda nang lugar ay nagsimula na akong mag-lakad papunta kung nasaan ang ilog, siguro kung matatakutin lang ako baka kanina pa ako umatras at bumalik sa kung nasaan ang mga kasama ko pero sorry not sorry dahil hindi ako yong simpleng natatakot lang.

Tsaka na siguro ako matatakot kapag alam kung may gagawin na hindi maganda sakin ang nasa harapan ko na pwede kong ikamatay.

Tinignan ko muna ang mapang binigay sakin nong staff at hindi ko maiwasan magulat nang makitang sobrang detalyado nang mapa ng buong lugar. Hindi ko na masyadong pinagtuonan ng atensyon ang ibang lugar na nakalagay roon at hinanap nalang kung saan ang daan papuntang ilog.

Matapos kung makita kung saan banda ang ilog na nakalagay sa mapa ay nagsimula na akong mag-lakad at habang naglalakad ako ay panay rin ang pag-check ko sa tamang daan na katulad sa mapa. Mahirap na dahil baka mamaya ay mawala ako dito dahil kahit sabihin pa na may mapa ako hindi ko parin kabisado ang lugar na to'

Pansin din sa mapa na hindi kalayuan ang ilog sa kung saan ako nagsimulang pumasok kanina. Napapansin kong medyo napapalayo na ako dahil mas naging mahirap na saakin hawiin ang mga halaman na nadadaanan ko hindi gaya kanina na hindi ko na kailangan hawiin ang mga yon.

Nag simula na akong kabahan pero pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil mas magiging mahirap saakin ang makapag-isip ng tama kapag pinangunahan ako ng kabang nararamdaman ko.

Hindi ko narin naiwasan ang panay ang tingin sa mapang hawak ko at ilang sandali lang agad akong napatigil sa paglalakad nang makarinig ako nang malakas na agos nang tubig!

Sabi sayo Bry kaya mo e!

Hindi na ako nag-abalang tignan pa ang mapa at pagkatapos ay nagsimula na akong sundan ang naririnig kong malakas na agos ng tubig dahil sigurado akong ilog na yon!

Oh my goodness at last Bry!

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon