Hello Friday .. This is it Bry. Huling pagkakataon mo na to' dahil kapag pinatagal mo pa mas masasaktan ka at masasaktan mo siya, masasaktan kayong dalawa. Kailangan mo itong gawin kung gusto mo pang mabuhay. Tangina.
Kung bat pa ako nabuhay!
Hindi ko alam kung paanong nakaya kong huwag kausapin at hindi pansinin si Eros. And I'm very thankful because I have Pixie yesterday dahil kung mag-isa lang ako sa gulo nang utak at nararamdam ko hindi ko na alam kung nandito pa ba ako.
I decided na kakausapin ko si Eros ngayon about us, of course. Kahit may choice o wala in end I have to make a decision. At eto yon. Letting him go .. to stop him, to stop us.
Hindi ako sigurado kung anong magiging reaksyon o kung papayag ba siya o hindi. Hindi ko alam. At wala pa man nangyayare, natatakot na ako. Kung gaano kabilis ko siyang minahal ganon din pala kabilis ko siyang papalayain.
Nakakabaliw. Nakakasakit. Nakakatanga.
Funny right? You're stupid Bry ..
Hindi na nga nabibilang ang mga taong nandiyan sayo, papalayain mo pa yong taong gustong-gusto mo. The person who will stay and do everything just to make you happy.
"Hey bry .. "
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang biglang nagsalita si Pixie sa tabi ko kaya naman agad akong lumingon sakaniya.
"Bakit?"
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya
"You know I can come with you .." patuloy niyang sabi
Napangiti nalang ako at mabilis na umiling. Gusto kong sabihin sakaniyang ayos lang pero alam kung kahit hindi ako mag sabi ay alam niya ang tunay na nararamdaman ko ngayon.
"No, I can do this Pixie ... tsaka si Eros naman yong kakausapin ko."
"Ayon na nga e si Eros yon ... "
"Kaya nga .. si Eros yon." nakangiting sagot ko
Hindi ko na siya binalingan dahil pakiramdam ko mas maguguilty ako sa gagawin ko kapag nakikita ko ang nag-aalala at malungkot niyang mukha.
Masyadong torture e
Napabuntong hininga nalang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko bago bumaling ulit sakaniya.
" Kailangan kong gawin to' at kahit hindi ako magsabi sayo alam ko naman maiinitindihan mo, I just want your trust and support Pixie dahil yon ang kailangan ko."
"I know, I trust you .. and I'm just here. Hindi ko lang maiwasan mag-alala sayo."
"Salamat sa pag-aalala Pixie" sincere na sagot ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya
"Sige na mauna kanang umuwi .. hihintayin ko pa siya. " patuloy na sabi ko.
"Tsk sige na nga, basta tumawag ka sakin kung need mo ako kahit anong oras pa yan, pupunta ako sa bahay niyo. "
"Opo madam " natatawang sagot ko
Ilang sandali lang ay tuluyan na rin umalis si Pixie. Alam kong ayaw niya akong iwan at gusto niyang samahan ako pero hindi na ako pumayag. Alam kong kaya ko ... kakayanin ko.
Napangiti nalang ako habang napapailing. Pilit na nilalabanan ang emosyon na unti-unting lumalabas. Ilang sandali nalang, makikita mo na siya Bry, hindi ka pwedeng umiyak o ni ipakita ang totoong nararamdaman mo sa harap niya.
BINABASA MO ANG
That Pretty Boy (COMPLETED)
Teen FictionMeet Brylee Aloisia Fern, the girl who is always on fire, a girl who is difficult to deal with because of her witty and sarcastic personality. You are permitted to approach her but not to touch her. She is a fierce young lady with a tender heart, es...