"Welcome to the Camp Toro everyone!" nakangiting sabi ng isang staff na siyang dumalo samin pagpasok namin
Hindi ko maiwasan humanga sa buong lugar dahil talaga namang, as in this is the perfect place when your planning to have a camp with your family or friends. Sobrang lawak na lupain at sobrang linis, mas nakakadagdag pa nang ganda nang place na to' ang mga naglalakihang puno na nakalibot sa lugar na to'
Andito palang kami sa entrance pero makikita mo agad kung gaano kaganda at kalawak ito. Sobrang patag ng lugar at ang makikita mo lang dito sa lugar ay isang bahay na nakatayo malapit entrance at isang kwadra ng mga kabayo sa gilid ng bahay.
Buti nalang talaga pinaghandaan ko tong' team building na to' dahil siguradong mahihirapan ako especially na dalalawang araw pa kami dito.
Napatigil ako sa pag-mumuni nang marinig na nakikipag-usap na sila Miss Perez sa isang staff.
"Thank you again for having us here, the place looks so amazing .."
"Thank you Ma'am, I hope everyone will have fun here because we will assure the safety of everyone here .." nakangiting sagot ng staff at bumaling pa samin.
"I know but before that if it's okay if you can brief us some information about the place? The do's and don't we must know."
"Of course ma'am, Everyone can enter the forest because we assure that it's safe pero may hangganan kung hanggang saan lang ang pwedeng puntahan ng mga bisita .."
"Kung ganon, paano namin malalaman na hindi na pala kami pwedeng mag patuloy sa lugar na yon kung hindi na pala safe ito?"
"May mga signboard and warning po kaming inilagay sa mga lugar na hindi na pwedeng puntahan ng mga tao Ma'am, we will assure everyone's safety here pero hindi po namin masasabi na magiging safe po ang mga magbabalak na lumagpas sa mga pinagbabawal na pong lugar, I just hope that everyone will follow all the rules here .."
Ilang paalala pa at ilang pag-uusap pa ang nangyare bago matapos na mag-settle down ang lahat. Ang iba ang nagkaniya-kaniyang pwesto na kasama ang mga partner nila. At ako? Wala nakatunganga lang.
Pakiramdam ko out of place pa ako dahil ni isa wala man lang lumapit saakin o kumausap man lang sabagay hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na ayaw nila sakin at huwag silang mag-alala dahil ayaw ko rin naman sakanila.
Hah, wala akong pakialam.
Agad akong lumapit sa mga nakatuping mga tent at agad na kumuha ng isa doon, hindi ko na pinansin ang ilang pag-tingin nila sakin na akala mo naman may ambag sila sa buhay ko. Pwe
Badtrip! Isa rin ang bading na yon e! Nasaan na ba yon? Kung ayaw niyang kasama ako edi hindi.
Sana lang matapos na to at makauwi na ako!
Mas naiinis pa ako ngayon dahil hindi ko inaakalang pati sa isang tent makakasama ko ang bading na yon, nakakainis
Ano bang pakulo to? Hello, hindi ba nag-isip nang mabuti ang kung sino man ang nag-plano ng ganito na baka may ilang lalaki parin! Kahit sabihin mong magpagkakatiwalan, lalaki parin yon! Hindi lahat ng mukhang pinagkakatiwalaan ay talagang mapagkakatiwalaan.
Kahit pa sabihing bading si Eros, lalaki parin yon ...
Agad akong nag-pwesto sa napili kong banda na pagtatayuan ko ng tent, Oo pagtatayuan ko dahil hindi ko naman mahagilap ang napakagaling kong partner ..
Hindi kalayuan at hindi rin masyadong malapit sa iba, sakto lang tsaka isa pa ay patag na patag itong napili kong banda, sakto lang kapag magtatayo ka nang tent. Nagpapasalamat nalang talaga ako at kahit papaano ay alam ko kung paano mag-tayo tent.
Pagkatapos kong maiayos ang mga gamit ko ay nagdesisyon akong simulan nang ayusin yong tent pero bago ko sinimulan ay sinubukan kong igala ang paningin ko para sana hanapin ang napakagaling kong partner pero nang saktong makita ko naman ito ay mabilis kong naiiwas ang paningin ko doon.
Nakita kong naglalakad ito papunta sa dereksyon namin at hindi ko alam kung saan siya galing dahil wala naman akong pakialam, pero hindi pa man ito nakakalapit ay nakita kong agad siyang sinalubong ni Dos at mabilis na hinalikan.
Pati ba naman ba dito? Sabagay wala naman silang ginagawang mali, may relasyon sila Bry kaya normal lang ang ginawa nila ..
Hindi ko nalang pinansin kong ano yong nakita ko at itinuon nalang ang buong atensiyon ko sa ginagawang tent.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang ilang yapak na ngayon ay papalapit sa pwesto ko, hindi na ako nagulat nang makitang si Eros yon.
Hindi ko nga lang inaasahan na pupunta siya dito sa pwesto ko dahil akala ko ay magrereklamo ito at magtatayo ng sariling tent. Simula kaninang umalis kami hanggang sa nandito na kami ay ni isang beses yata ay hindi pa kami nag-usap.
Hindi rin naman ako yong tipo nang tao na hindi dahil sa ayaw akong kausapin e susubukan ko parin makipag-usap kahit halatang ayaw ako ng tao. Kung ayaw sayo ng tao edi ayawan mo rin, papatalo ka ba diba?
Ilang sandali pa ay walang nagsasalita saamin, pansin ko rin na kahit papaano ay tumutulong na siya sa pag-aayos nang tent namin pero medyo nagulat ako ng nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos nang bigla itong nagsalita.
"I hope we can at least try to be civil with each other and not be so sarcastic .."
Napairap nalang ako, hindi daw sarcastic pero tono nang boses niya napakasarcastic.
"Fine .." walang ganang sagot ko na siyang dahilan para bumaling siya sakin at kunot-noong tinignan ako
"What? I said it's fine .." sagot ko pero inirapan niya lang ako at pagkatapos ay ibinalik ang atensyon niya sa pag-aayos nang tent namin
Hindi ko narin sinubukan magsalita dahil pakiramdam ko baka mag-barahan at mag-inisin na naman ang magagawa namin sa isa't isa lalo na at alam namin dalawa na hindi namin gusto ang nagyayare ngayon.
Ang akala ko ay hindi na ito magsasalita pero akala ko lang pala dahil talagang mang-iinis pa talaga ang isang to'
"Sana naman kahit papaano ay huwag kang pabigat sa mga mangyayareng activities." sarcastic na sabi niya
Kung mang-iinis siya hindi ako papatalo ..
Ngumisi lang ako para pagtakpan ang inis na nagsisimulang lumukob sa dibdib ko.
"Don't worry hindi naman ako pabigat, ang gaan ko nga e' ikaw kaya? kase hanggang ngayon ang sakit pa nitong balikat ko e" pang-iinis kong sagot
Nakita ko itong unti-unting napatigil at agad akong ngumisi nang halatang affected ito, ano ka ngayon? Sige inisin mo ako at ipapaalala ko sayo kung anong ginawa mo kanina ..
"Sandal lang pero bakit naman may payakap?" patuloy na sabi ko
Hindi ko naiwasan ang lalong mapangisi nang mapansin namumula ang leeg niya at halatang nahihiya pero tinatakpan niya lang ng iritang reaksyon ng mukha niya.
"Shut up!" agad na sagot niya dahilan para matawa ako ng tuluyan
Ano ka ngayon? Eros Dominick Sanchez ...
BINABASA MO ANG
That Pretty Boy (COMPLETED)
Teen FictionMeet Brylee Aloisia Fern, the girl who is always on fire, a girl who is difficult to deal with because of her witty and sarcastic personality. You are permitted to approach her but not to touch her. She is a fierce young lady with a tender heart, es...